Leave a message
livechat

Tuesday, December 22, 2015

5 Financial Tips Para Sa Mga OFW Ngayong Pasko



Mabuhay ka-Noypi!

Ilang araw na lang, Pasko na! Merry Christmas! =)

OFW ka ba? Kapag ganitong magpapasko, marami sa mga kababayan nating OFW ang umuuwi sa Pilipinas para magbakasyon at magdiwang ng kapaskuhan. Hindi ba’t napakasarap umuwi ng Pinas at makapiling muli ang iyong pamilya?

Pagkatapos ng ilang taong pagsasakripisyo mo sa dayuhang bansa, sa wakas, makakapag-bakasyon ka na at makakasama mong magdiriwang ng pasko at bagong taon ang iyong mga mahal sa buhay.

Napakasarap nga naman talaga na umuwi sa iyong lupang sinilangan Sabi nga nila, “There’s no place like home.”

Ngunit pagkatapos ng panandalian mong pananatili at pagsasaya kasama ng iyong pamilya, heto ka na naman, balisa at ‘di mapakali dahil kailangan mo na namang bumalik sa ibang bansa dahil naubos na ang naipon mong kaunting pera. 

Ang masaklap, babalik kang may naiwan pang utang dahil sa mga nagastos mo sa nagdaang kapaskuhan.

Kung matagal ka ng nag-aabroad kabayan, siguro naman napansin mo na parang pauli-ulit na lang ang senaryo. Nagpapakahirap tayo sa ibang bansa habang nangungulila sa pamilya. Uuwi para magbakasyon ng ilang buwan at mawawalay na muli sa pamilya ng ilang taon.

Kung gusto mo ng matigil ang ganitong senaryo at baguhin ang iyong buhay-pinansyal, simulan mo ng gumawa ng mga hakbang para sa pagbabago.

Narito ang ilang mga financial tips para sa mga OFW na uuwi ng Pinas at magdiriwang ng kapaskuhan:

1.)Magplano bago umuwi ngayong kapaskuhan

Bago ka pa umuwi ng Pinas, planuhin na kung ano ang mga dapat pagkagastusan at maging disiplinado sa pagsunod sa iyong mga plano.

Alam nating lahat na ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan, ngunit alam din natin na ito ang panahon ng malaking gastusan KUNG hindi mo magagawang kontrolin ang iyong sarili.

Wednesday, November 18, 2015

Huwag Ka Munang Mag-invest Sa Stock Market Kung…


Welcome ka-Noypi! =)

Marami ang nagtatanong sa akin kung paano daw bang magsimula sa pag-iinvest sa stock market mula ng malaman nila na nagbibigay ito ng mas mataas na return kumpara sa ibang investment instruments.

Para sa mga sabik na sabik ng pasukin ang mundo ng stock market, hinay-hinay lang ka-Noypi at baka atakihin ka sa puso kapag hindi ka kumita. haha. =)

Babala(asawa ni… Babalu!): Hindi ito parang mainit na kanin na iluluwa mo na lang kapag napaso ka. Dapat alam mo kung ano ang pinapasok mo.

Kaya naman, may mga ilang paalala lang ang inyong lingkod…

Huwag ka munang mag-invest sa stock market KUNG…


1.) Hindi mo pa ito lubusang naiintindihan
“Aral muna, bago invest” – Aya Laraya of Pesos and Sense
Huwag kang mag-invest sa mga bagay na hindi mo pa lubos na naiintindihan. Ang sabi nga nila, ang pinakaimportanteng investment sa lahat ay ang investment mo para sa iyong sarili, ang Knowledge!

“Financial literacy is the best policy”  :D –Dizkarteng Noypi

Aralin mo muna ito dahil ito ang magiging puhunan mo upang kumita ka sa anumang investment na papasukin mo. Alam natin na ang mga investments gaya ng stocks ay maituturing na “high-risk” investment o walang ginagarantiyang kita dahil na rin sa pagiging “volatile” nito o pabago-bagong galaw ng mga presyo ng mga stocks sa stock market.

Ngunit kung mayroon kang sapat na kaalaman kung paano mami-minimize ang risk na ito, hindi ka mababahala dahil alam mo kung ano ang iyong ginagawa. Ayon nga kay Robert Kiyosaki, Ang risk ay wala sa investment, kundi nasa investor!

Alamin mo muna ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa pagiinvest sa stock market. Kung paano ba ito gumagana, sino-sino ang nasa likod nito at paano ka magsisimula. Umattend ng mga seminars patungkol dito o magbasa ng mga financial books at blogs na makakatulong sayo na maintindihan ang mundo ng Stock Market. (Read : Stock Market -Start Here)

Monday, August 24, 2015

Usapang BIZ-NEZ: Paano Magsimula At Kumita Sa Isang Internet Business?


Welcome ka-Noypi!

‘Di lingid sa ating kaalaman na tayo ay nasa Information-Age na, kung saan ang araw-araw natin ay umiikot na sa mundo ng teknolohiya at impormasyon na makikita sa mga digital media.

Halos iilan na lang siguro sa atin ang walang account sa mga social media gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Youtube at iba pa. Kung wala kang account sa isa man lang sa mga ito ay tila ba “napag-iiwanan” ka na ng panahon.  Tama ba? =)

Sa henerasyong ito, para bang hindi magiging kumpleto ang araw mo kung hindi ka makakapag-update sa iyong mga social media accounts.

At dahil sa panahon ngayon na ang lahat ay nakatambay na sa online world, isang magandang pagkakataon din ito para sa mga Pinoy na magkaroon ng isang internet-based business at kumita ng malaki kahit nasa bahay lang kasama ng iyong pamilya.

Isang uri ng internet business na maaari mong umpisahan ay ang pagbenta ng mga information products gaya ng e-books. Bukod sa maliit lamang ang puhunan dito, ay napakalaki din ng potensyal na pwede mong kitain sa ganitong negosyo.

Tuesday, July 28, 2015

5 #MalingDiskarte Ng Mga OFWs Pagdating Sa Pera



Mabuhay Kabayan!

OFW ka rin ba na kagaya ko? Basahin mo ng buo ang artikulong ito. =D

Ang mga OFW ay tinaguriang “Buhay na Bayani” ng ating bayan dahil na rin sa malaking naiaambag nila pagdating sa paglago ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapadala nito ng pera sa kanilang pamilya.

Handa silang magsakripisyo na malayo sa mga mahal sa buhay mabigyan lamang ito ng matiwasay at masaganang bukas.

Ngunit, nakakalungkot lamang na marami tayong naririnig na hindi magandang balita patungkol sa mga kababayan nating OFW. Karamihan sa kanila ay umuuwing luhaan at hindi makita ang bunga ng kanilang pinagpaguran.

Dalawang dahilan ang nakikita ko kung bakit ganito ang nangyayari sa ating mga kababayan. Una, maaaring hindi tama ang paghawak ng perang ipinapadala nila sa kanilang pamilya. Pangalawa, maaaring ang mga OFW mismo ang may maling diskarte pagdating sa pag-gamit ng kanilang kinikita.

Kabayan, nais mo bang magretiro na ng maaga sa iyong trabaho sa ibang bansa at umuwi na sa sariling bayan at makapiling ang iyong pamilya?

Kung oo ang sagot mo, kailangan mong iwasan ang mga #MalingDiskarte ng ilang mga OFW pagdating sa paghawak ng kanilang perang pinaghirapan.

Ito ay ang mga sumusunod:

1.     #1DayMillionaire

May mga OFW na tinaguriang 1-Day Millionaire  o yung mga kababayan nating “Ubos-ubos biyaya bukas nakatunganga.”

Karamihan ng mga OFW ay nadadala ng kanilang emosyon o pagkasabik sa mga bagay na gusto nilang bilhin dahil alam nila sa kanilang sarili na “may kakayanan” na silang bilhin ito dahil 'di hamak na mas malaki ang kinikita nila sa ibang bansa.

Kaya ang nagiging resulta ay ang labis-labis na pag-gastos sa mga bagay na hindi naman talaga kinakailangan gaya ng pag-bili ng mga mamahaling gamit o pagkain sa mga sosyal na restawran.

Wala namang masama na minsan ay maranasan natin ang mga bagay na ito, ngunit ang nakaka-alarma lamang ay ang kawalan natin ng “kontrol” sa pag gasta ng ating kaperahan, na kung minsan ay dumadating pa sa puntong inuubos natin ang lahat ng ating pera at wala ng natitira para sa mga mas importanteng bagay gaya ng pag-iipon at pag-iinvest.

Tandaan mo kabayan, ang pag-a-abroad ay may katapusan. Ayaw mo naman sigurong maging OFW habambuhay, ‘di ba?

2.   #HariNgPadala

Tayong mga Pinoy ay likas na maalalahanin at mapag-bigay sa kapwa. Kaya naman ang mga kababayan nating mga OFW ay bitbit pa rin ang kaugaliang ito.

Ngunit minsan, tila nasosobrahan ang ating pagiging galante sa ating pamilya at mga mahal sa buhay.

Minsan ay labis-labis na ang ating pinapadala, mapa-pera man o balikbayan boxes. Nakakalimutan na nating magtabi para sa ating sarili o mag-ipon, dahil sa kagustuhang makapagpadala ng malaking halaga sa pamilya.

Gusto nating ibigay ang lahat-lahat sa kanila. Gusto nating iparanas sa kanila ang buhay na pinapangarap nila.

Pero, teka! Paano ka naman, kabayan? Hindi ba’t may pangangailangan ka rin gaya nila? At alam mo rin, na darating ang oras na kailangan mo ng umuwi sa Pinas dahil hindi habambuhay ay kaya mong magtrabaho para sa kanila. Tatanda at mapapagod ka rin, kung wala kang ipon, paano na ang pamilyang umaasa sayo?

Kaya naman, napaka-importante talaga na maglaan ng iyong “Retirement Fund” at pag-ipunan ito upang sa panahon na ikaw ay magreretiro na bilang OFW, ay mayroon ka pa ring pang-suporta sa iyong sarili at mga mahal sa buhay.

Thursday, June 25, 2015

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) – “Ang Hirap Palang Maging OFW…”


Mabuhay ang mga OFWs!

Welcome to another Kwento Mo Sa Pagong(KMSP) collection!

Habang nagba-browse ako ng aking facebook timeline, napukaw ang aking atensyon sa kwentong ito mula sa asawa ng isang OFW at ito ang nais kong ibahagi sa inyo sa araw na ito.

Kung ikaw ay isang OFW o nasa Pinas na may kamag-anak na OFW, siguradong makaka-relate ka sa kwentong ito.

Nawa’y mapahalagahan natin ang aral na nakapaloob dito.

Enjoy reading!

***
“Hon, padalhan mo naman ako, kasi may gusto akong bilhing shoes dito.”

“Sa uwi mo, ‘wag mong kalimutan yung pasalubong nina nanay at tatay ha?”

“Akala ko ba, may padala kang package? Ang tagal naman!”

“Punta tayo sa Cebu sa next vacation mo…”

Ilan lang ito sa mga walang katapusang requests ko sa asawa ko nung nasa abroad siya. At kapag walang favorable response, nagtatampo ako.

Nasasabi ko pa na tinitipid o pinagdadamutan niya ako. Dun na pumapasok ang pag-aaway namin, dahil hindi ko daw siya maintindihan. 

Nabubuwisit ako, kasi alam ko na malaki ang sahod niya, pero bakit ang higpit niya pagdating sa pera? Di ko man masunod luho ko gaya ng sapatos, mga bags, damit at iba pang gadgets? Hayyy nakuuu…

Until dumating yung time na nagdecide kami na sumunod ako sa kanya sa banyagang bansa. At last, makakasama ko na rin siya at maipabibili ko na rin mga gusto ko, bwahahaha!

Sa eroplano pa lang, naiisip ko na ang mga bagay na gagawin ko –shopping, bakasyon, dine-out, gala to the max! Paglapag ng eroplano sa Saudi Airport, wow! Ang INIT! Humid pa! Sumasakit na ang ulo ko sa biyahe pauwi sa tutuluyan naming flat (kung tawagin ang apartment).

Latang-lata ang pakiramdam ko sa init ng klima, summer daw pala kasi! Naisip ko, huwag na muna ang shopping at gala, pahinga muna…

Dumating yung time na lalabas na kami at mamamasyal, excited pa mandin ako. Pagdating namin sa Mall at nakita ko ang mga bagay na gusto kong bilhin…bigla akong nakaramdam ng panghihinayang…

Makita ko pa lang ang tag price, gumagana na kaagad utak ko sa Riyal to Philippine Peso conversion! Napansin ako ng asawa ko at tinanong nya kung alin daw ba gusto ko, sabi ko na lang, huwag na, next time na lang…

Friday, June 12, 2015

7 Hakbang Para Sa Pinansyal Na Kalayaan


[Photo Credit]


Mabuhay ang Pilipinas! =)

Sa araw na ito, ang mga pinoy ay nagdiriwang ng ika-177 taon ng “Independence Day” o Araw ng Kalayaan!

Ngunit, sa pinansyal na aspeto… Malaya nga ba si Juan Dela Cruz?

Malaya ka nga ba?...Kung ibang tao ang nasusunod kung magkano ang kikitain mo, kung kailan ka papasok at kung anong oras ka uuwi?

Malaya ka nga ba?...Kung araw-araw kang nagko-commute para pumasok sa trabaho at nakikipagsiksikan sa MRT?

Malaya ka nga ba?...Kung ikaw ay isang OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa habang nangungulila sa’yo ang pamilyang iniwan mo?

Para sa akin, ang “Tunay na Kalayaan” ay ang pagkakaroon ng maraming oras na makasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay habang naibibigay mo pa rin sa kanila ang lahat ng kanilang pangangailangang pinansyal.

Ngunit paano natin makakamit ito kung patuloy pa rin nating ipinagpapalit sa iba ang ating oras at pagod para kumita ng pera?

Narito ang 7 hakbang upang makamit ang kalayaang pinansyal:

1. Maniwala sa Diyos at sa Sarili

Ang unang hakbang upang makamit natin ang financial freedom ay ang maniwala sa Diyos at sa Sarili.

Ang lahat ay nagsisimula sa “paniniwala”. Kung naniniwala ka na makakamit mo ang kalayaang pinansyal, Ipagkakaloob sayo ng Diyos ang mga bagay, mga tao o mga resources na kailangan mo para matupad ito.


2. Planuhin ang Buhay-Pinansyal

Napaka-importante ng pagpa-plano, ika nga “If you fail to plan, you are planning to fail.”  Planuhin at i-monitor ang iyong mga gastusin, mag-budget at mag-save ng ilang bahagi ng iyong kinikita.

Huwag gumastos ng higit sa iyong sweldo at umiwas sa mga ‘bad debts’ o sa pag-utang gaya ng pag-gamit ng credit card na lalong magpapahirap sayo na makamit ang hinahangad mong financial freedom.

Thursday, May 28, 2015

Truly Rich Club Newsletter -- Have You Seen My New Video? It's Awesome.

(It's Also Very Short--8 Minutes Only.)

Even if you don't join the TrulyRichClub, just watch my newest Video anyway—because it will change your perspective about money.

You'll be richer because of it.

Watch it below…



If you want me to help you change your financial life, click the link below:


May your dreams come true,

Bo Sanchez

P.S. Do You Want To Gain Financial Wealth and Spiritual Abundance at the Same Time? & Earn Passive Income Every Month Too!? Join the TrulyRich Club Now! Visit TrulyRich Club at : www.TrulyRichClub.com


Wednesday, May 13, 2015

Paano mag-open ng UITF account? (Featuring: BDO Easy Investment Plan)



Good day, Tambayer!

Ngayong alam na natin kung ano ang UITF  at paano mag-invest dito, pag-usapan naman natin ngayong araw kung paano ka makakapag-open ng UITF account(w/ BDO, in particular) para magsimulang lumago ang iyong perang pinaghirapan pagkalipas ng ilang taon.

To recall, ang UITF o Unit Investment Trust Fund ay isang investment vehicle na karaniwang ino-offer ng mga banko para sa publiko at isang mainam na alternatibo ng pag-iinvest kung hindi ka pa handang sumabak ng direkta sa Stock Market (Read : Paano mag-invest sa UITF).

Nababagay ito sa mga ka-Noypi nating walang oras para aralin ang pasikot sikot ng Stock Market at ng iba pang investment instruments.

Para magabayan ka sa iyong pag-iinvest sa UITF, narito ang mga hakbang na kailangan mong gawin:

Step 1)Pumili ng banko

Maraming banko ang nag-ooffer ng UITF. Nariyan ang BDO, BPI, Metrobank, PNB, Security Bank , Unionbank, at iba pa. Para sa kumpletong listahan ng mga banko na miyembro ng UITF  Philippines, click HERE.

Ngunit ang pag-uusapan natin ngayong araw ay kung paano mag-open ng UITF account sa BDO.

Step 2) Ihanda ang mga requirements

Personally, nag-open ako ng UITF account sa BDO sa pamamagitan ng kanilang investment program na tinatawag na Easy Investment Plan (EIP) na kung saan pwede kang mag-invest sa UITF in a fixed amount of investment & fixed schedule of contribution.

Narito ang mga requirements kung ikaw ay mag-oopen ng account para sa BDO UITF Easy Investment Plan (EIP):

Thursday, April 30, 2015

Paano mag-invest sa UITF?



Welcome Tambayer!

Pinag-usapan natin sa nakaraang post ang ibat-ibang alternatibo sa Stock Market para sa mga kababayan natin na hindi pa handang mag-invest ng direkta sa stocks o sa mga investors na gusto lang ng “diversification” sa kanilang mga investments at isa na nga dito ay ang UITF o Unit Investment Trust Fund. Ngunit ano nga ba ang UITF at paano mag-invest dito?

Ano ang UITF?

Katulad ng Mutual Fund,  ang UITF o Unit Investment Trust Fund  ay isang uri ng “pooled fund” investment kung saan ang pera ng ibat-ibang investor ay ipinagsasama-sama bilang isang pondo at maingat na pinamamahalaan ng isang Professional Fund Manager. Ang pondo ay karaniwang inilalagak ng Fund Manager sa ibat-ibang uri ng investments gaya ng stocks, bonds, government securities, money market, etc.

Ang UITF ay isang uri ng investment na karaniwang ino-offer ng mga banko. Ngunit hindi gaya ng savings account, hindi ito insured ng Philippine Deposit Insurance Corporation(PDIC) dahil ito ay isang ‘Trust’ fund at hindi isang ‘Deposit’. Sa madaling salita, ipinagkakatiwala lamang natin sa kanila(fund managers) ang ating pera at sila na ang bahala kung saan nila ito i-iinvest para lumago.

Kaya naman walang guarantee o fixed rate na kikitain kung mag-iinvest dito, ngunit kung pagbabasehan ang “historical returns” o performance ng UITF sa Pilipinas, nagbibigay ito ng mas mataas na return(approximately 10%-30% for Equity Fund)  kung ikukumpara sa regular na savings account na nagbibigay lamang ng 0.25%-1.0% interest kada taon.

Paalala lang, ang pag-iinvest sa UITF ay pang medium-to-long term horizon. Ibig sabihin, hindi advisable na mag-invest dito kung kakailanganin mo agad ang pera mo sa lalong madaling panahon. Ang dapat na i-invest mo lamang na pera dito ay ang excess money mo lang na gusto mong palaguin sa loob ng 5 taon o higit pa.


Ibat-ibang uri ng UITF

May 3 karaniwang uri ng UITF ang ino-offer ng mga banko at ito ay ang mga sumusunod:

1.)Fixed-Income Fund

Ito ang uri ng UITF na kung saan ang pondo ay ini-invest ng Fund Manager sa mga ‘fixed-income’ investment instrument gaya ng Bonds, Government Securities, Treasury Bills, Money Market, etc.

Sunday, April 12, 2015

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) – Ang Bigating Engineer at ang Matipid na Cashier


               

Magandang araw ka-Noypi!

Mag-kwentuhan tayong muli sa isa na namang makabuluhang kwento sa Kwento Mo Sa Pagong(KMSP) inspiring stories collection.

Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang OFW na magkaiba ang naging kapalaran dahil na rin sa pagkakaiba ng kanilang naging mga kaugalian pagdating sa paghawak ng pera nilang pinaghirapan.

Kilalanin natin sina Romy at Cristina…


Ang Bigating Engineer




Si Romeo B. Gatin o mas kilala sa pangalang Romy ng kanyang mga ka-pamilya’t kaibigan ay isang Civil Engineer na nagtapos sa isang kilalang unibersidad sa Batangas. Dahil sa kanyang talino at malawak na karanasan sa Construction industry ay agad natanggap na magtrabaho sa ibang bansa sa isang malaking kumpanya sa Singapore.

Masayang-masaya si Romy dahil sa wakas ay makakapag-trabaho na rin sya abroad at kikita ng malaki. Ang offer sa kanya ng kumpanya ay P300,000 kada buwan sa loob ng 3 taong kontrata at iba pang benepisyo gaya ng libreng accommodation at medical insurance. Samantalang nung siya ay nagtatrabaho sa Pinas, hindi nya mapagkasya ang kanyang 20,000 na sweldo sa isang buwan.

Sobrang overwhelming para sa kanya ang makatanggap ng ganito kalaking sahod, kaya nasambit nya sa sarili na “Wow! Mabibili ko na ang mga bagay na hindi ko nabibili noon. Napaka-swerte ko naman. Salamat Lord.”

Monday, March 30, 2015

7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW ang Naghihirap



Welcome Tambayers!

Alam mo ba, ayon sa statistic mula sa gobyerno ay mayroong 10 milyong Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa ibat-ibang panig ng mundo? Ito ay kumakatawan sa 10% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na may bilang na humigit kumulang sa 100 milyon (As of July 2014).

Bakit ganito kalaki ang bilang ng mga OFW? Maaaring ilan sa mga kadahilanan ay ang kakulangan ng oportunidad ng trabaho sa bansa at ang maliit na pasahod ng mga kumpanya. Kaya naman marami sa mga kababayan natin ang napipilitang mangibang-bayan at nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya.

Tayong mga Pinoy ay handang magsakripisyo na malayo sa mga mahal natin sa buhay alang-alang sa kanilang kapakanan, ang maibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan at maranasan ang marangyang buhay. Sa sobrang pagmamahal natin sa kanila, ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya para may sapat na maipadala sa pamilya. Tayo ay maituturing na pinaka-masipag , pinaka-magaling at pinagkakatiwalaan na manggagawa, kaya naman tayo ay kinikilala saan mang sulok ng mundo.

Ngunit nakakapagtaka lamang dahil sa kabila ng ating talino at kakayanan, ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang umuuwing luhaan. Sa kabila ng malaking sahod sa ibang bansa, Bakit marami pa rin sa pamilyang OFW ang may problema sa pera? Bakit karamihan pa rin sa pamilyang OFW ay hindi nakakaahon sa kahirapan gayong di hamak naman na mas malaki ang kinikita nito sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas?

Ang ating mga kawawang OFW ay patuloy na pabalik-balik at kumakayod pa rin sa ibang bansa na para bang wala ng katapusan para lamang kumita ng pera para sa pamilya.

Mayroon akong nakikitang 7 dahilan kung bakit marami pa ring pamilyang OFW ang naghihirap.
   
      1.)  Baon sa utang

Karamihan ng mga OFW ay may mga naiwang utang bago umalis ng bansa. Perang inutang para pang-aplay sa mga agency, pang-requirements at pambayad ng Placement fee. Ngunit nang nakaalis na at nakapag-abroad, di naman agad binayaran ang mga pinagkakautangan bagkus ipinadala agad sa pamilya at pinambili ng kung anu-anong bagay para sa sarili.

Kaya naman imbes na mabawasan ang utang ay lalo lamang ito nadadagdagan. Lalo na kung inutang mo ito sa mga lending company o bumbay, dahil tumutubo lamang ito ng tumutubo at palaki ng palaki ang utang mo kapag di mo agad ito nababayaran sa takdang panahon.

        2.)  Hindi nagpa-plano

Ang isa pang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang pamilyang OFW ay dahil sa kawalan ng plano lalo na sa pang-pinansyal na aspeto. Bago umalis ng bansa, ang unang nasa isip ng kababayan nating OFW ay kung ano ang mga bibilhin pagkatanggap ng unang sweldo imbes na planuhing mabuti kung saan dapat mapunta ang perang pinaghirapan.

Ang hindi pagpa-plano ay mauuwi lamang sa labis na pag-gastos o hindi tamang pag-gamit ng pera habang nasa ibang bansa. Marapat na bago tayo umalis ng Pinas ay pina-plano na natin na kung magkano ang ilalaan natin na ipapadala sa pamilya at huwag kalimutang magtabi ng ilang bahagi para sa savings at investments.

Friday, March 20, 2015

8 Bagay Na Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Pera


Welcome ka-Noypi!

Kamusta naman ang ating kaperahan?

Nawa’y nagagamit mo ito sa tamang kapamaraanan.

Bawat tao ay may kanya-kanyang paraan kung paano niya hinahawakan ang kaniyang perang pinaghirapan. Ang pera ay maaari nating maging kakampi o kaaway depende kung paano natin ito ginagamit.

Nais kong ibahagi sayo ang 8 bagay na dapat mong malaman tungkol sa pera…

1.) Ang Pera ay isang “instrumento” lamang

Ang pera ay isa lamang instrumento o kapirasong papel na ginagamit mo sa araw-araw upang mabili ang mga bagay na gusto mong makamit sa buhay, mga pagkain na gusto mong tikman o mapuntahan ang mga lugar na gusto mong puntahan. Ngunit ang totoong halaga ng pera ay nasa taong may hawak nito. Ikaw ang siyang may kontrol sa pera mo at ang pera ay pawang kasangkapan lamang at hindi ito maaaring maging basehan ng estado mo sa buhay.

“Money is only a tool. It will take you wherever you wish, but it will not replace you as the driver.” ~Ayn Rand

2.) Ang  Pera ay hindi masama at hindi rin mabuti

Ang pera ay hindi masama at hindi rin mabuti. Nakadepende ito sa kung sino ang may hawak. Kung ang pera ay ginamit mo sa masama o galing sa masama, dun ito nagiging masama. Ngunit kung ang iyong pera ay sa mabuting paraan mo nakuha at ginagamit mo ito ng tama, dun ito nagiging mabuti.

Ang maling pag-gamit ng pera ang siyang nagpapasama dito. Kaya naman, huwag mong gawing diyos at sambahin ang pera. Hindi natin ito madadala sa langit ngunit maaari natin itong maging kasangkapan upang makatulong sa ibang tao na mas nangangailangan.

 “The ultimate purpose of wealth is to help & to love others.” –Bo Sanchez

Thursday, March 5, 2015

Truly Rich Club Newsletter -- The MAGIC of Time


The MAGIC of Time
Do you know of a young person who ISN’T investing? Pick a heavy-duty megaphone and position it near the young person’s ear. And then shout to the top of your voice, “You’re wasting the most important thing that can make you rich!” 

As your young friend is lying on the floor, wondering what comet hit him, you kneel in front of him, and still using your megaphone, shout again, “I’m talking about your TIME!” Here’s the wealth winning formula that has been proven beyond any doubt: Small amounts of money PLUS big amounts of time will make you very rich. 

How? Through compounding interest. The “Magic of Compounding” has been called by many fancy names: It’s the “eighth wonder of the world”; “the most powerful force in the world”; “the royal road to riches”; and the “greatest mathematical discovery in human history”. 

Because the stock market is very exciting today, a lot of people think that THIS is what will make them rich. Nope, it won’t. What will make you rich is the long boring season when the stock market is doing poorly for an extended period of time, and YOU KEEP INVESTING EVERY MONTH while others are shying away… Ahh! Those seasons will make you a multimillionaire in 10 to 20 years. 

So as everyone is excited at these crazy times, I’m just waiting for “better” times. Because at the end of the day, only time and compounding interest will make you very wealthy.

May your dreams come true, 

Bo Sanchez 

P.S. By the way, the TrulyRichClub isn’t just all about the Stock Market. It’s also about having an abundance mindset. Why? Believe me, all the technical stuff I’ll teach about The Stock Market WON’T WORK if you don’t have an abundance mindset. So in the Club, you’ll also receive a lot of Audio Talks and eReports from me about having an abundance mindset. To take charge of your financial future, click HERE now.




*****
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com


Thursday, February 26, 2015

Usapang BIZ-NEZ : The Eduard Reformina Success Story




Magandang araw mga ka-Noypi!

Kapag pinag-uusapan ang salitang 'business', ang unang-unang pumapasok sa isip natin ay ang mga 'Traditional' businesses o yung mga uri ng negosyo na may tangible o physical products gaya ng restaurant business, sari-sari store business, hardware business, pharmacy business, etc. pero dahil tayo ay nasa information age na, naging patok na rin ang mga tinatawag na “Online Business” o yung pagbebenta ng mga digital products like e-books, softwares, trainings, at marami pang iba.

Nariyan din ang iba pang popular na internet businesses gaya ng Network Marketing, Buy & Sell Online, Affiliate Marketing, Internet Marketing at pati ang pagba-blog ay naging common na rin sa mga Pinoy dahil “may pera” din sa blogging. Kaya, kung may negosyo ka at wala ka pa rin sa internet, mapag-iiwanan ka na ka-Noypi! Ika nga ng Top#1 billionare in the world na si tito Bill Gates,

“If your business is not on the internet, then your business will be OUT of business.” –Bill Gates

Speaking of internet business, Isa sa naging matagumpay sa larangan ng internet business ay ang ating tampok sa araw na ito.Isa syang dating OFW na nakipagsapalaran sa ibang bansa upang masuportahan ang pamilya at ngayo’y isa ng ganap na Successful Internet Entrepreneur. Siya ay si Eduard Reformina.

Alamin natin ang kanyang kwento at kung paano sya napasok sa ganitong klaseng negosyo.

Who Is Eduard Reformina?

“I’m a husband to a loving wife and a Father to a wonderful daughter. My Hobbies are Playing Bass Guitar and I love listening to Jazz Fusion kind of thing, I spend a lot of time Reading Books, Learning from great Guru’s specially from authors and Guru’s like Robert Kiyosaki, Dale Carnegie, Mike Dillard, Mark Hoverson, Jonathan Budd, Ann Sieg, Frank Kern, Joe Vitale, and many others. I learn a whole bunch from these amazing people. I also love to spend time to do my other hobbies like Composing Music and playing with a band.”



How Did You Get Started In The Internet Business?

“A couple of years ago, I went abroad to be an OFW. I’ve been away from my home for 5 years as a Professional Musicians playing in hotels in the Middle East. When I got back to The Philippines, A friend of mine recommended a book by an author named Robert Kiyosaki. The book is called “Rich Dad Poor Dad”. After reading that brilliant book, a big shift of course happened to my life and it transform me to who I am today. A guy with a very entrepreneurial spirit and has a hunger for learning more in developing my self.
When I was just starting with my Network Marketing Business, I struggle so hard. I face so many rejections, wasted a lot of efforts, wasted a lot of time and money. I can’t figure out why I was failing even I did everything I was told to do. Everyone is telling me to do Traditional way of Network Marketing like Prospect Listing, Inviting my “KKK” (Kaibigan, Kamag Anak, Kakilala), Home Presentation, One on One Table Talk, Handing Out Flyers in Streets and Malls, Approaching Strangers (Pusakalan) and so much more. It was tiring and time consuming.”
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com
a