![]() |
Mabuhay ka-Noypi!
Ilang araw na lang, Pasko na! Merry Christmas! =)
OFW ka ba? Kapag ganitong magpapasko, marami sa mga
kababayan nating OFW ang umuuwi sa Pilipinas para magbakasyon at magdiwang ng
kapaskuhan. Hindi ba’t napakasarap umuwi ng Pinas at makapiling muli ang iyong pamilya?
Pagkatapos ng ilang taong pagsasakripisyo mo sa
dayuhang bansa, sa wakas, makakapag-bakasyon ka na at makakasama mong magdiriwang
ng pasko at bagong taon ang iyong mga mahal sa buhay.
Napakasarap nga naman talaga na umuwi sa iyong lupang
sinilangan Sabi nga nila, “There’s no place like home.”
Ngunit pagkatapos ng panandalian mong pananatili at
pagsasaya kasama ng iyong pamilya, heto ka na naman, balisa at ‘di mapakali
dahil kailangan mo na namang bumalik sa ibang bansa dahil naubos na ang naipon
mong kaunting pera.
Ang masaklap, babalik kang may naiwan pang utang dahil sa
mga nagastos mo sa nagdaang kapaskuhan.
Kung matagal ka ng nag-aabroad kabayan, siguro naman napansin
mo na parang pauli-ulit na lang ang senaryo. Nagpapakahirap tayo sa ibang bansa
habang nangungulila sa pamilya. Uuwi para magbakasyon ng ilang buwan at
mawawalay na muli sa pamilya ng ilang taon.
Kung gusto mo ng matigil ang ganitong senaryo at
baguhin ang iyong buhay-pinansyal, simulan mo ng gumawa ng mga hakbang para sa
pagbabago.
Narito ang ilang mga financial tips para sa mga
OFW na uuwi ng Pinas at magdiriwang ng kapaskuhan:
1.)Magplano bago umuwi ngayong kapaskuhan
Bago ka pa umuwi ng Pinas, planuhin na kung ano ang mga
dapat pagkagastusan at maging disiplinado sa pagsunod sa iyong mga plano.
Alam nating lahat na ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan
at pagbibigayan, ngunit alam din natin na ito ang panahon ng malaking gastusan
KUNG hindi mo magagawang kontrolin ang iyong sarili.
“He who fails to plan is planning to fail.” –Sir Winston Churchill
2.) Maglaan ng budget para sa pagdiriwang
ng kapaskuhan
Hindi praktikal na maging galante ka sa maling paraan.
Maglaan lamang ng mga kaukulang budget para lahat ng gastusin ngayong
kapaskuhan at maging istrikto sa pagsunod nito!
Tandaan natin, walang pumapasok na pera sa atin dahil
tayo ay nakabakasyon bagkus puro “palabas” ang ating kaperahan. Maging wais sa
pag-gastos!
“Budgeting has only one rule: Do not go over budget.” –Leslie Tayne
3.) Maglista at i-monitor ang iyong gastusin
Mainam na ilista ang lahat ng iyong gastos at i-monitor
kung pasok ba ito sa iyong inilaang budget para dito. Sa ganitong paraan, mas
nakokontrol mo kung saan napupunta ang iyong kaperahan.
Bakit importante na i-monitor mo ang iyong gastusin
habang nakabakasyon? Kadalasan kasi ay nawawalan tayo ng kontrol sa pag-gastos
sa mga bagay na hindi naman talaga kinakailangan at magugulat ka na lang isang
araw na naglaho na ng parang bula ang perang pinaghirapan mo ng ilang taon.
“Beware of little expenses; a small leak will sink a great ship.” –Benjamin Franklin
4.) Umattend ng mga financial literacy
seminars
Habang nakabakasyon, hindi ba’t ito rin ang magandang
pagkakataon para pag-aralan kung paanong maging wais sa paghawak ng perang
pinagpaguran natin?
Samantalahin natin ang pagkakataong ito upang alamin
ang ibat-ibang oportunidad ng negosyo at mga uri ng investments na magpapalago
ng ating kaperahan. Nang sa gayo’y hindi habam-buhay ay nangingibang-bayan tayo
habang nangungulila ang pamilyang maiiwan.
Umattend sa mga financial literacy seminars na malapit
sa inyong lugar at pag-aralan ang mga ibat-ibang investments na maaaring
paglagakan ng iyong pera upang lumago ito paglipas ng panahon gaya ng Stock Market,
Mutual Fund, UITF at mga negosyo.
“If you want to be rich, you need to be financially literate.” –Robert Kiyosaki
5.) Siguruhing magtabi ng pera sa
pagbabalik sa ibang bansa
Hindi ibig sabihin na nakabakasyon ka, ay ubos-ubos
biyaya ka na at hindi mo na matanggihan ang mga udyok ng barkada o ng mga
kapitbahay mo. Matutong humindi kapag kinakailangan lalo na kung wala
ito sa iyong budget kung ayaw mong ikaw naman ang maubusan ng pera sa
pagbabalik mo sa ibang bansa.
Importante na magtabi ng pera sa muling pagbabalik mo
sa bansang iyong pinagtatrabahuan. Ayaw mo naman sigurong mabaon sa utang kaya
huwag mong uubusin ang dala mong pera para lang waldasin sa pagdiriwang mo ng
kapaskuhan.
“If you don’t save something on your current income, you won’t save anything on your future income.” –Zig Ziglar
That’s it for today ka-Noypi. Muli, Maligayang Pasko sa inyong lahat at Masaganang Bagong Taon! =)
May natutunan ka ba sa artikulo natin sa araw na ito?
Kung ganun, maaari bang ibahagi mo rin ito sa iba. Gamitin ang mga floating share icons sa kaliwang bahagi ng ating blog. Salamat! =)
Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog
Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)
Read Also:
-7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW Ang Naghihirap
-5 #MalingDiskarte Ng Mga OFWs Pagdating Sa Pera
-Ano Ang Gagawin Mo Sa Christmas Bonus Mo?
(Photo credit : Mark Willard)
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com
-7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW Ang Naghihirap
-5 #MalingDiskarte Ng Mga OFWs Pagdating Sa Pera
-Ano Ang Gagawin Mo Sa Christmas Bonus Mo?
(Photo credit : Mark Willard)
***
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW! P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com
No comments:
Post a Comment