Thursday, December 18, 2014

Ano Ang Gagawin Mo Sa Christmas Bonus Mo?




 Sa may bahay, ang aming bati…..Merry Christmas na maluwalhati.. 

  Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari….Araw-araw ay magiging Pasko lagi.. 

Namamasko po! :)

Maririnig mo na ang mga pamaskong awitin at mga batang nangangaroling…

Malamig na ang simoy ng hangin..at kahali-halina sa mata ang mga makikinang na parol at Christmas tree..

Paskong pasko na talaga mga ka-Noypi! :)

Kapag ganitong nalalapit na ang kapaskuhan, masaya din ang ating mga empleyadong pinoy.hmm. dahil sa nalalapit na rin na pagtanggap(maaaring ang iba ay nakatanggap na) ng inaasahang Christmas bonus at 13th month pay mula sa kumpanyang pinagtatrabahuan.. :)

Ito rin ang panahon ng kabi-kabilang mga sale sa mga mall. Hindi pa man natatanggap ang mga bonus, Karamihan ng pinoy ay may plano na kung ano ang gagawin sa kanilang perang matatanggap. May mga planong bumili ng bagong cellphone o gadget, bagong damit o mga bagong gamit gaya ng 40” Flat Screen TV at habang ang iba ay may planong magbakasyon sa Hongkong o kung saan mang lugar na nais nilang mapuntahan.

Ayos lang naman na tayo ay magpakasaya o bumili ng mga bagay na makakapagpasaya sa atin at sa ating mga mahal sa buhay. Ngunit tandaan natin na minsan lang sa isang taon mangyayari na tayo ay makakatanggap ng Bonus at 13th month pay, kaya mas maiging gamitin natin ito sa tamang paraan.

Ikaw, ka-Noypi, saan mo gagamitin ang perang ito mula sa iyong bonus at 13th month pay?

Maraming options ang pwede nating gawin sa perang matatanggap natin mula sa ating kumpanya..

Narito ang ilang mga bagay na pwede mong gawin sa iyong perang matatanggap ngayong pasko.

Option 1 : Mag-shopping at i-treat ang sarili.

Ika nga, “You deserve it” pinaghirapan mo ang pera na yan, sa loob ng ilang taong pagsisilbi mo sa iyong kumpanya. Kaya minsan, i-treat mo naman ang sarili mo at pamilya mo sa medyo sosyal na restawran o mamasyal sa paboritong mall at mamili ng mga bagong damit at pangregalo sa iyong mga anak at mga inaanak. Ngunit pakatandaan lang, huwag gumastos ng higit sa hawak mong pera kung ayaw mong mabaon sa “utang”. ;)


Option 2 : Mag-open ng savings account sa banko.

Ang Christmas season ay maganda ring pagkakataon na mag-open ng savings account sa banko, dahil sa buwan na ito ay may mga “extrang” pera tayo na matatanggap mula sa kumpanya bukod sa ating sweldo. Samantalahin ang pagkakataon dahil minsan lang ito sa isang taon. Mas magandang simulan ang darating na bagong taon, na mayroon tayong naitatabing ipon. (nag-rhyme ba? Hehe).

Option 3 : Magbayad sa pinagkakautangan.

May utang ka ba? Tamang tama, may pangbayad ka na! (‘di ba?). Huwag mong salubungin ang darating na bagong taon, na lubog ka parin sa utang. Habang may pera ka pa, magbayad ka na! Sigurado akong pareho kayong magiging masaya ng pinag-utangan mo, dahil may panghanda na sya ngayong pasko at ikaw naman, makakahinga ka na rin ng maluwag. Maligayang bagong taon! :)

Option 4 : Idagdag ang pondo sa Emergency Fund.

Napagusapan natin sa nakaraang post ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Emergency Fund at mga tips kung paano mapapabilis ang pagbuo nito. Kaya ang perang matatanggap natin ngayong pasko ay maaari nating idagdag sa binubuo nating pondo para sa mga hindi inaasahang mga senaryo gaya ng pagkawala ng trabaho o pagkakasakit ng mahal sa buhay.

Option 5 : Mag-invest sa Knowledge.

Dagdagan ang iyong kaalaman! Ika nga ni sir Benjamin Franklin, “An investment in Knowledge pays the best interest.”  Umattend ng mga seminar na makakatulong sayo para mas lalo mo pang ma-improve ang iyong kakayahan at talento. Dumalo din sa mga seminar ukol sa tamang paghawak at pagpapalago ng ating kaperahan at alamin ang mga tamang hakbang sa pagpaplano ng ating pananalapi. Matutong mag-budget, mag-save at mag-invest para sa kinabukasan mo at ng iyong mga mahal sa buhay.

Option 6 : Kumuha ng medical at life insurance.

Sabi nga ni kuya Kim, “Ang buhay ay weather-weather lang.”
Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo. Paano na lang mga mahal natin sa buhay na nakadepende sa atin na siyang magsa-suffer sa ating biglaang pagpanaw. Mahalaga ang Insurance dahil ito ang siyang magpoprotekta sa ating pamilya. Mainam din na magkaroon ng medical insurance upang sa panahon na tayo ay magkasakit o ang mga mahal sa buhay, hindi natin magagalaw ang ating savings at investments dahil ang insurance company ang ating maaasahan sa mga ganitong pangyayari sa ating buhay.

Option 7 : Mag-invest at palaguin ang iyong “extra money”.

Ang kapaskuhan ay maganda ring pagkakataon na simulan ang pag-iinvest, dahil sa panahong ito ay makakatanggap tayo ng “extra money” na maaari nating ilagak sa mga investments gaya ng stocks, mutual fund, UITF, Bonds, time deposits, traditional business, online business at iba pa. Pumili ng mga investment na nababagay sayo, sa iyong goal at sa iyong time-frame.

At sa pagpasok ng bagong taon, ipagpatuloy ang pagpaplano ng ating buhay-pinansyal at mag-invest para sa ating kinabukasan at ng pamilya.

Sa mga nagsisimula pa lang sa larangan ng investments, punta ka dito.

Option 8 : Mag-share ng blessings.


Ang kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Hindi ba’t masarap sa pakiramdam kung mayroon tayong natutulungan. Mag-donate sa mga nasalanta ng mga nakaraang bagyo, sa mga charity o sa iyong lokal na simbahan. Sa ganitong paraan, ay magiging makabuluhan ang pagdiriwang nila ng kapaskuhan dahil may mga taong gaya mo na nagpadama sa kanila ng tunay na diwa ng pasko. :)



***

That’s it mga ka-Noypi! Merry Christmas Ever Juan! :)

Simulan natin ang bagong taon na masagana at punong-puno ng mga bagong kaalamang pinansyal.

Patuloy na tumambay sa “Tambayan ng Madiskarteng Pinoy!”
Maaari mo ring i-share ang post na ito sa iyong mga kaibigan, kapatid, kapuso at kapamilya! :)

Huwag kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi!

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!!!




***
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com



Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com