Welcome Tambayers! :D
Sa ating nakaraang post, pinag-usapan natin ang ibat-ibang alternatibo ng pag-iinvest sa Stock Market at isa na nga rito ay ang Mutual Fund.
Kung hindi ka pa handang mag-invest ng direkta sa stocks o wala kang oras, pasensya o sapat na kakayahang i-monitor ang takbo ng merkado, maaari mong ikonsidera ang pag-iinvest sa Mutual Fund.
Ano nga ba ang Mutual Fund at paano kumikita ang mga nag-iinvest dito?
Enjoy reading! Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi!
Ano ba ang Mutual Funds?
Mutual Funds
Ang Mutual Funds ay isang uri ng investment instrument na kung saan ang pera ng mga investors (individual & corporate investors) ay pinagsasama-sama (pooled funds) at ito ay pinangangalagaan at inilalagak ng tinawatag na “Fund Manager” sa ibat-ibang klase ng investments gaya ng Stocks, Bonds, Money Market at iba pa upang lumago ang pera ng mga nag-iinvest dito.
Ayon kay Aya Laraya, isang investment advocate, Kapag nag-iinvest ka ng direkta sa Stock Market, para kang nagmamaneho ng sarili mong kotse at ikaw ang may kontrol ng manibela. Maari kang lumiko pa-kaliwa, pa-kanan, magdahan dahan or bilisan ang iyong takbo, nasa diskarte mo na yan. Pero dapat alam mo na sa iyong pagbyahe ay mayroon kang susuunging risk o panganib, kaya dapat marunong kang mag-ingat sa iyong pagmamaneho.
Ngayon, napakadali ng mag-invest ng direkta sa Stock Market sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa isang online stock broker gaya ng COL Financial, BPI trade, First Metrosec at iba pa kung saan ikaw mismo ang bumibili at nagbebenta ng iyong shares/stocks gamit lamang ang iyong computer at internet connection. Pero tandaan, Aral Muna Bago Invest!
Sa kabilang banda, kung hindi ka pa marunong “magmaneho” o kasalukuyan ka pa lamang na nag-aaral kung paano mag-invest sa Stock Market, dito papasok ang Mutual Fund!
Sa Mutual Fund, para kang sumasakay sa isang “jeep”, at kasama mo ang iba pang “pasahero” na pareho din ng ruta ng pupuntahan mo. Gaya din sa Mutual Fund na kung saan ang mga investor ay ang mga pasahero ng jeep at ang Fund Manager ay ang Drayber nito. Ipinagkakatiwala natin sa Drayber ang ating destinasyon, gaya ng pagtitiwala natin sa Fund Manager ng ating pera upang maging ligtas at lumago ang halaga nito, at gaya ng pagsakay ng jeep, kailangan nating magbayad ng pamasahe, gayundin, ang pag-iinvest sa Mutual Fund, na may kaukulan ding kabayaran o investment money.
Paano ako kikita sa pag-iinvest sa Mutual Fund?
Ang kabuuang pondo ng Mutual Fund ay hinahati hati sa maliliit na bahagi ayon na rin sa dam1 ng mga nag-iinvest dito at tinatawag ito na “share”. Ang bawat share ay may kaukulang halaga at tinatawag na Net Asset Value Per Share o NAVPS (calculated daily based on the fund’s total value divided by the total number of outstanding shares)
Maaari tayong kumita sa Mutual Fund sa pamamagitan ng tinatawag na “Price Appreciation”. Kapag tayo ay nag-iinvest sa Mutual Fund, tayo ay bumibili ng “share” ng partikular na uri ng Mutual Fund (more on this, later) base sa presyo ng NAVPS o Net Asset Value Per Share.
Ang NAVPS ay tumataas o bumababa depende kung saan iniinvest ng Fund Manager ang pera ng mga nag-iinvest dito.
Kaya kapag tumaas ang value ng NAVPS, maaari mong ibenta ang iyong shares at kumita! Sa kabilang banda, kapag binenta mo ang iyong shares kung kailan mababa ang presyo ng NAVPS, malamang, lugi ka!
Mga Uri ng Mutual Fund
· 1.)Stocks or Equity Funds
-Ito ang uri ng Mutual Fund na kung saan ang ating pera ay inilalagak ng fund manager sa Stock Market at bumibili ng “shares” ng mga publicly-listed companies na rehistrado sa Philippine Stock Exchange o PSE. Ang layunin ng fund na ito ay Capital Appreciation or Long-term capital growth.
Ito ay para sa mga investors na handang maghintay ng matagal na panahon upang ang kanilang pera ay lumago sa mas mataas na interest rate. Ngunit tandaan, ito rin ay may kaakibat na mas mataas na risk kumpara sa ibang uri ng fund kaya ipinapayo ng mga financial advisers na ang ilalagak mo lamang na pera dito ay ang perang hindi mo kakailanganin sa loob ng 10 taon o higit pa. Ito ang fund na nababagay sa mga “long-term investors”.
· 2.)Bond Funds
-Ito naman ang uri ng Mutual Fund na kung saan ang ating pera ay inilalagak ng Fund Manager sa mga fixed-income securities gaya ng Bonds o Treasury notes (issued by the Government or Philippine companies).
Ang mga kumpanya o sangay ng gobyerno ay karaniwang “umuutang” sa publiko sa pagpapalawig ng kanilang pondo kung saan kapalit nito ay maliit ngunit siguradong interes o tubo ng pera ng mga nagiinvest dito sa loob lamang ng ilang taon. Mas kaunti ang “risk” ng ganitong uri ng Mutual Fund ngunit mas maliit ang potensyal na tubo ng pera ng mga investors. Ito ang fund na nababagay sa mga “medium-term investors”.
· 3.)Balanced Funds
-Isa pang nababagay sa mga medium-term investors ay ang Balanced Funds. Ito ang uri ng Mutual Fund na pinagsamang Equity/Stocks funds at Bond funds kung saan ang ilang bahagi ng iyong pera ay inilalagak ng Fund Manager sa stocks at ang ibang bahagi naman ay sa mga fixed-income instruments gaya ng bonds at treasury bills. Kung handa kang mag-take ng kaunting “risk” at kumita ng medyo malaki(potential returns) kumpara sa regular na Bond Fund, ito ang nababagay sayo.
· 4.)Money Market Funds
-Ito naman ang uri ng Mutual Fund na katulad din ng Bond Funds na ang pera ng mga investors ay inilalagak ng Fund Manager sa mga low-risk investments gaya ng bonds, at government securities, ang tanging pagkakaiba lang nito sa Bond Fund, ito ay nagtatagal ng ilang buwan lamang hanggang isang taon.
Sa lahat ng uri ng Mutual Fund, ito ang pinaka “less-risky” kumpara sa ibang uri ng fund subalit maliit lamang ang interes o tubo nito. Ito ay nababagay sa mga “short-term investors” na ayaw ng maghintay ng matagal at kakailanganin din agad ang kanilang pera sa lalong madaling panahon.
Anong uri ng Fund ang pipiliin ko?
Ang pagpili ng fund ay depende sa iyong goals at risk tolerance. Kung ang iyong layunin ay “Capital Growth”, ang pag-iinvest sa Equity/Stock funds ang nababagay sayo. Sa kabilang banda, kung ayaw mo ng masyadong risky at matagal na paghihintay, Bond Funds o Balanced Funds ang nararapat sayo. At sa mga investor na nais ng mabilisang kita ngunit sa maliit na interes o tubo lamang, Money Market Funds naman ang piliin mo.
Ano ang magandang Mutual Fund Company?
Maraming mga Mutual Fund companies sa Pilipinas na nag-aalok ng ibat-ibang uri ng Mutual Funds. Bumisita sa www.pifa.com.ph o Philippine Investment Funds Association para sa kumpletong detalye ng mga kumpanyang ito at makita ang kanilang daily performance ng bawat uri ng mutual funds. Ang mga kumpanyang kabilang dito ay regulated ng Securities and Exchange Commision(SEC) under Republic Act No. 2629(R.A. 2629) o mas kilala bilang “Investment Company Act”.
Magkano ang initial investment sa Mutual Fund?
Sa halagang P5,000 ay maaari ka ng makapag-open ng account depende sa uri ng Mutual Fund na gusto mo. Magsadya sa mga tanggapan ng mga kumpanyang ito o bisitahin ang kanilang website para sa iba pang mga detalye.
Mayroon ding mga institusyon o grupo na nagtuturo tungkol sa Mutual Fund at iba pang investment vehicles gaya na lamang ng IMG-Wealth Academy kung saan, sila ay nagco-conduct ng mga FREE seminars on financial management with 1-on-1 financial coaching by Truly Rich Maker team. For more info, click HERE.
Credits: Financial Literacy advocates, Laurent Dionisio of PinoyFinancialPlanning.com & Aya Laraya of PesosAndSense.com :))
***
Hanggang sa muli mga ka-Noypi! Nawa'y may natutunan na naman tayo sa araw na ito. :)
Kung nagustuhan mo ang ating topic today at sa tingin mo ay nakatulong ito sayo, maaari bang ibahagi mo rin ito sa iba? share the blessing of knowledge ika nga! :)
Share this to your facebook friends, twitter followers & google+ circles. Maaari mong i-click ang mga social media share icons na makikita mo sa kaliwa.
Maraming Salamat Tambayers! :D
Kita-kits sa next post! Tambay lang ulit kayo dito sa Tambayan ng Madiskarteng Pinoy! Huwag Kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi!
Related posts:
-Alternatibo sa Stock Market : Iba pang options para sa mga OFW
-Attend FREE Financial Literacy by IMG-Wealth Academy!!!
-Bakit nga ba kailangan nating mag-invest?
HAPPY INVESTING MGA KA-NOYPI!!!
**********
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com