Magandang araw mga ka-Noypi!
Kamakailan lang, marami sa mga kababayan natin ang nabiktima ng mga financial scams. Isa lang ang nakikita kong pinaka-ugat kung bakit maraming pinoy ang mga nahuhulog sa mga ganitong modus…Kakulangan sa kaalamang pinansyal (financial illiteracy)!
Sa panahon ngayon, napaka-importante ng edukasyong pinansyal sa bawat Pinoy, dahil sa dami ng mga naglalabasang manloloko at mga ganid sa pera na walang ginawa kundi manglamang ng kapwa.
Payong kapatid lang ka-Noypi, huwag agad maniniwala sa mga investment “kuno” na kung saan ang iyong pera ay dodoble sa loob lamang ng isang lingo o isang buwan! O di kaya’y kapag pinangakuan kayo ng “guaranteed and no risk” daw na investment!
Walang legal na investment na magpapadoble ng ating pera sa ganitong kaiksing panahon lamang at tandaan, walang investment na “no risk”.
Lahat ng investments ay may kaakibat na risk. Anumang pasukin mong negosyo o investments, ay may pagkakataong kumita ka o malugi ka.
Kaya matakot ka na ka-Noypi kapag pinangakuan ka ng mga ganitong investment na sigurado “daw” ang kita at walang kalugi-lugi.
Mabuti pa, alamin muna natin ang RULE OF 72!
Enjoy reading! Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi!
The Rule of 72!
Ano ang Rule of 72?
Ang Rule of 72 ay isang “formula” na nilikha upang matukoy natin kung “kailan” dodoble ang ating pera kung alam natin ang interest rate ng ating pinasukang investment.
Sa kabilang banda, maaari namang matukoy kung ilang porsyento o interest rate ang kailangan upang ang ating pera ay maging doble sa loob ng ilang taon.
Kung alam mo lamang ang formula na ito, hindi ka na basta basta mabibiktima ng ibat-ibang mga scams!
Years to double your money = 72 / interest rate
Halimbawa, nag-invest ka sa isang investment na nagbibigay ng 6% interest kada taon. Upang malaman mo kung kailan dodoble ang halaga ng iyong pera, (Ipinagpalagay natin na hindi mo na ito dinadagdagan kada taon), sundan mo lang ang Rule of 72.
72/6% = 12 years
Ibig lang sabihin nito na kung nag-invest ka ng P100,000 sa taong 2014, pagkalipas ng 12 taon (year 2026), ang pera mo ay magiging P200,000.
Patunay lamang ito, na nangangailangan ng matagal na panahon upang ang ating pera ay dumoble lalo na kung ikaw ay nag-invest sa mga investments na nagbibigay ng maliit na interest rate. Kaya kapag may nag-alok sayo ng investment na nangangakong dodoble ang pera mo sa ilang araw lang, umiwas kana ka-Noypi!
Ngunit hindi rin ipinapayo ng mga financial experts na ilagak natin ang ating pera sa isang simpleng savings account o time deposit lamang at hayaan dito ang ating pera, sapagkat nasa 1% lamang ang interest nito, at kung gagamitin natin ang Rule of 72, maghihintay tayo ng humigit-kumulang 72 years bago dumoble ang perang inilagak natin dito. Kung magagawa nating mag-invest sa low-to-moderate risk investments gaya ng bonds, sa 3% interest, madodoble ang ating pera pagkalipas ng 24 years. At kung magagawa naman nating ilagak ang ating pera sa mga high-risk investments gaya ng stocks, sa 12% interest kada taon, madodoble ang ating pera sa loob lamang ng 6 years.
Sa kabilang banda, kapag nais naman nating malaman kung ilang interest rate ang kailangan natin upang madoble ang ating pera sa loob ng 10 taon halimbawa,
72/10yrs = 7.2% (Kailangan mong mag-invest sa isang investment vehicle na may 7.2% interest rate compounding annually!)
Ang Rule of 72 ay hindi lamang ginagamit sa pagkalkula ng pagdoble ng pera. Ginagamit din ito sa pagsukat ng pagdami ng populasyon at iba pang kategorya.
Note : Ang pag-gamit ng numerong 72 ay hindi 100% accurate o magbibigay ng eksaktong sagot sa lahat ng pagkakataon. Ito ay ginagamit lamang para sa mas simpleng pagkalkula kung kailan dodoble ang ating pera kapag inilagak natin ito sa isang uri ng investments. Minsan ginagamit din ang mga numerong 69 at 70 para sa mas accurate na sagot. Source : wikipedia)
***
Nawa’y may natutunan tayo ngayong araw mga ka-Noypi!
Ibahagi mo rin ito sa iyong mga kaibigan at mga mahal sa buhay upang hindi sila mabiktima ng mga mapagsamantala at tuluyang mahulog sa mga financial scams!
Maaari mong i-click ang mga floating sharing icons na makikita nyo sa kaliwang bahagi ng ating blog.
Share it to your facebook friends, twitter followers or google+ circles :D
Hanggang sa muli! Kita-kits ulit tayo next post!
Kung gusto mo pang makabasa ng mga makabuluhang mga artikulo gaya nito,
Related posts:
***
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com