Welcome ka-Noypi! =)
Marami ang nagtatanong sa akin kung paano daw bang magsimula
sa pag-iinvest sa stock market mula ng malaman nila na nagbibigay ito ng mas
mataas na return kumpara sa ibang investment instruments.
Para sa mga sabik na sabik ng pasukin ang mundo ng stock
market, hinay-hinay lang ka-Noypi at baka atakihin ka sa puso kapag hindi ka
kumita. haha. =)
Babala(asawa ni… Babalu!): Hindi ito parang mainit na kanin
na iluluwa mo na lang kapag napaso ka. Dapat alam mo kung ano ang pinapasok mo.
Kaya naman, may mga ilang paalala lang ang inyong lingkod…
Huwag ka munang mag-invest sa stock market KUNG…
1.) Hindi mo pa ito lubusang naiintindihan
“Aral muna, bago invest” – Aya Laraya of Pesos and Sense
Huwag kang mag-invest sa mga bagay na hindi mo pa lubos na
naiintindihan. Ang sabi nga nila, ang pinakaimportanteng investment sa lahat ay
ang investment mo para sa iyong sarili, ang Knowledge!
“Financial literacy is
the best policy” :D –Dizkarteng Noypi
Aralin mo muna ito dahil ito ang magiging puhunan mo upang
kumita ka sa anumang investment na papasukin mo. Alam natin na ang mga
investments gaya ng stocks ay maituturing na “high-risk” investment o walang
ginagarantiyang kita dahil na rin sa pagiging “volatile” nito o pabago-bagong
galaw ng mga presyo ng mga stocks sa stock market.
Ngunit kung mayroon kang sapat na kaalaman kung paano mami-minimize
ang risk na ito, hindi ka mababahala dahil alam mo kung ano ang iyong ginagawa.
Ayon nga kay Robert Kiyosaki, Ang risk ay wala sa investment, kundi nasa investor!
Alamin mo muna ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol
sa pagiinvest sa stock market. Kung paano ba ito gumagana, sino-sino ang nasa
likod nito at paano ka magsisimula. Umattend ng mga seminars
patungkol dito o magbasa ng mga financial books at blogs na makakatulong sayo
na maintindihan ang mundo ng Stock
Market. (Read : Stock Market -Start Here)
2.) Wala
kang malinaw na investing goal(s)
Bakit ka nga ba mag-iinvest? Dapat alam mo kung ano ang
iyong mga goals o layunin kung bakit mo papasukin ang mundo ng investments. Ito
ba ay para sa iyong retirement? para sa pag-aaral ng iyong mga anak? para sa pangarap
mong bahay? o gagamitin mong puhunan sa negosyo? Etc..
Dapat malinaw sayo kung saan mo gagamitin ang perang
palalaguin mo ng mahabang panahon at dapat alam mo kung kailan mo ito kukunin
para magamit mo ito sa dapat pag-gamitan.
Napaka-importante na mayroon tayong goals, dahil ito ang
inspirasyon natin para lalong pagsumikapan at paglaanan ng pera at oras para
magbunga ito sa takdang panahon. Ito ang magpapaalala sa atin kung bakit natin
ito ginagawa in the first place. (Read : Bakit nga ba kailangan nating mag-invest?)
Ikaw kabayan, ano ang mga goals mo kung bakit ka
nag-iinvest?
3.) Hindi
mo pa binabago ang iyong ‘spending habit’
Sa aking opinyon, isa sa pinaka-mahalagang bagay na dapat
mong gawin bago ka mag-invest sa stock market ay baguhin ang iyong “spending
habit” o pag-gastos.
Importante ito sapagkat kung hindi mo kayang kontrolin ang
iyong pag-gastos, malamang ay wala ka ring mailalaan na pondo para sa
investments. Ayusin ang paghawak ng iyong kaperahan kung nais mong mag-invest
sa stock market, negosyo at iba pa.
Lalo na kung ikaw ay dumedepende lamang sa iisang “source of income”, na kung saan,
karamihan sa atin ay umaasa lamang sa ating sweldo bilang empleyado. Mainam din
na magdagdag ng ekstrang pagkakakitaan upang
nang sa ganun ay mayroon kang mailaan na pondo sa iyong stocks investment na
hindi nasisira ang iyong buwanang budget mula sa iyong sweldo kung ikaw ay
empleyado.
Sapagkat kung ikaw ay magsisimula ng mag-invest sa stock
market, kailangan mo itong paglaanan ng budget, in a regular basis (Ex. every
month). Kaya mula ngayon, baguhin ang labis na pag-gastos, matutong mag-budget
at maghanap ng paraan kung paano madadagdagan ang iyong kinikita.
4.) Wala
ka pang savings o low-risk investments
Ang stock market ay isang ‘high-risk’ investment at
naka-disenyo para sa long-term o pang-matagalang pag-iinvest(10-30 years). Kaya
naman, ipinapayo ng mga financial experts, na ang dapat mo lamang na ilagak sa
ganitong uri ng investment ay ang pera na hindi mo kakailanganin sa mahabang
panahon.
Kaya bago ka mag-invest sa stock market, siguruhin mo munang
mayroon kang savings account na kung saan ang isa sa advantage nito ay ang
tinatawag na ‘liquidity’ o madaling kunin kung sakaling kailangan mo ang iyong
pera.
Mainam din na bago ka sumabak sa mga tinatawag na
‘high-risk’ investments gaya ng stocks, mag-invest muna sa mga ‘low-risk’
investments gaya ng time deposits, corporate & government bonds, Fixed-income
Mutual funds at UITF. (Read : Alternatibo saStock Market)
5.) Wala
ka pang ‘Emergency Fund’
Bago ka sumabak sa anumang investment, mag-ipon ka muna para
sa iyong “Emergency Fund”.
Ano ang Emergency Fund? Ito ay isang uri ng pondo na
nakalaan lamang para sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay mo gaya ng biglaang
pagkawala ng trabaho, pagkakasakit ng mahal sa buhay at iba pa. (Read : 10 Tips sa pagbuo ng Emergency Fund)
Mag-ipon at maglaan ng katumbas ng tatlo(3) hanggang anim(6) na
buwang halaga ng ginagastos mo buwan-buwan. Kapag nabuo mo na ito, dun ka
palang magsimulang mag-invest sa stock market.
Bakit importante ito? Sapagkat upang kumita ka sa stock
market, kailangan mong maghintay ng mahabang panahon bago lumago ang perang
inilagak mo dito at kung wala kang inilaan na emergency fund, sa oras ng mga
hindi inaasahang pangyayari na kailanganin mo ito, maaaring matukso ka na
galawin ang iyong investment sa stocks in a “negative returns”. Gets mo? =)
That’s it ka-noypi. May natutunan ka ba sa artikulo natin sa
araw na ito?
Kung ganun, maaari bang
ibahagi mo rin ito sa iba. Gamitin ang mga floating share icons sa
kaliwang bahagi ng ating blog. Salamat! =)
Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog
Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)
Read Also:
***
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW! P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com
No comments:
Post a Comment