Isa ka bang OFW o nasa Pilipinas ka ngunit may kapamilyang
nagtatrabaho abroad? Basahin mo ng buo ang artikulong ito.
Nakakalungkot isipin na sa kabila ng sipag at tyaga ng ating
mga tinaguriang “buhay na bayani”, karamihan pa rin sa kanila ay may problema
pagdating sa pinansyal na aspeto sa kabila ng malaking kinikita sa ibang bansa.
Ito ay sanhi na rin ng kawalan ng disiplina pagdating sa
pera ng ating mga kababayan o ng kanilang pamilyang iniwan sa Pilipinas.
Habang nagtatrabaho sa ibang bansa, paano nga ba natin
sisimulang ayusin ang ating pananalapi?
Ang pinaka-simpleng sagot ay baguhin natin ang mga hindi
magagandang nakaugalian natin pagdating sa paghawak ng ating kaperahan.
Para masimulan mo ang pagbabago ng iyong buhay-pinansyal,
narito ang 4 Steps para maging maayos ang iyong kaperahan habang nasa dayuhang
bayan:
1.) Alamin
ang lagay ng iyong pananalapi
Magkano ang iyong kinikita kada buwan? Magkano naman ang
iyong ginagastos kada buwan? Magkano ang dapat mong ilaan para sa savings kada
buwan? Ito ang mga tanong na kailangan mong sagutin.
Dapat alam mo ang mga bagay na ito Kabayan, dahil ito ay
isang epektibong paraan para malaman mo ang takbo ng iyong pananalapi. Isang simpleng
bagay pero hindi nagagawa ng maraming pinoy. Agree?
Financial tip: Magtabi agad ng 10% ng iyong income sa isang
separate bank account sa oras na natanggap mo ang iyong sweldo. Pagkatapos,
ilista ang mga bagay na paglalaanan ng iyong pera gaya ng pang-araw araw na
gastusin, pambayad sa utang at syempre pa, ang perang pang-suporta mo sa iyong
pamilya sa Pilipinas.
Para sa mga expenses, ugaliing unahin ang mga bagay na
talagang kinakailangan. Hangga’t maaari, iwasang gumastos sa mga bagay na hindi
naman ganoon ka-importante gaya ng mga gadget, mga branded na kagamitan at iba
pang mga luho.
2.) Kausapin ang pamilya tungkol sa
aspetong-pinansyal
Ang isa pang mahalagang step ay ang ipaalam sa pamilya ang iyong
mga planong pang-pinansyal. Mas nakakabuti kung pinag-uusapan ito nang sa gayon
ay alam din nila kung saan nakalaan ang perang iyong kinikita kada buwan.
Turuan din silang maging disiplinado sa paghawak ng iyong
perang ipinapadala sa kanila buwan-buwan. Huwag mo silang bigyan ng maling
impresyon tungkol sa sitwasyon mo sa ibang bansa
Karamihan kasi ng mga OFW ay nagpapakita ng animo’y
magandang buhay abroad sa kabila ng totoong sitwasyon na nahihirapan ang mga
ito lalo na sa pinansyal na aspeto.
Ang masaklap na katotohanan, maraming pamilya ay inaasa lahat sa kanilang anak o magulang na OFW ang lahat ng kanilang gastusin pati na ang kanilang mga luho.
Ang masaklap na katotohanan, maraming pamilya ay inaasa lahat sa kanilang anak o magulang na OFW ang lahat ng kanilang gastusin pati na ang kanilang mga luho.
Dahil sa hindi matanggihan ang mga kamag-anak sa Pinas,
Kadalasang inuubos at ipinapadala ng OFW ang lahat ng kanyang pera at hindi na
iniisip ang kinabukasan nya at ng pamilya. Dahil sa hindi disiplinado ang
pamilya, madali din nauubos ang ipinadala sa kanila.
Maging tapat sa sarili at sa pamilya. Mag-usap tungkol sa pera
upang hindi mabalewala ang pinaghirapan mong kita. Pag-usapan kung saan dapat
na ilaan ang perang iyong pinapadala at kung paano ito mahahawakan ng tama.
3.) Maglaan ng mga financial goals na tutuparin
sa takdang panahon
Ang pagkakaroon ng malinaw at specific na mga financial
goals ay nangangahulugan na nais mo ng magandang bukas para sa iyong sarili at
sa iyong pamilya.
Mahalaga na mayroon kang tina-target na mga goals dahil ito
ang magsisilbing paalala sayo na dapat kang maging disiplinado sa paghawak ng
iyong kaperahan.
Kung gusto mong maging “financially-free”, ang
pagkakaroon ng financial goals ay lubos na kinakailangan. Ang isang magandang
panimula ay siguruhing wala kang pagkakautang o kung meron man, bayaran agad
ito bago ka gumastos sa ibang bagay.
At kung nagawa mo na ito, maaari ka ng maghanap ng paraan
kung paano mo pa mapapalago ang pera na meron ka. Maaari ka ring maghanap ng ekstrang pagkakakitaan para mapabilis ang pagtupad mo
sa iyong mga financial goals.
Maglaan ng specific na financial goals at lagyan ito ng
deadline. Halimbawa: P100,000 extra income kada buwan sa loob ng isang taon,
mula January 1, 2016 hanggang December 31, 2016.
4.) Aralin ang ibat-ibang investments
Kung alam mo na ang sitwasyon ng iyong buhay-pinansyal,
nakausap mo na iyong pamilya para sa iyong mga plano sa iyong pananalapi at
mayroon ka na ring mga financial goals na tina-target, ito na ang tamang
panahon para alamin mo ang ibat-ibang uri ng mga investments na magpapalago ng
iyong perang pinaghirapan.
Ang pag-iipon ay HINDI sapat! Dapat mong matutunan kung
paano palalaguin ang iyong kaperahan. Kung ang lahat ng iyong pera ay nasa
savings account, tumutubo lamang ito ng 0.25% hangang 1% kada taon.
Ngunit kung i-iinvest mo ito sa mga investment instruments
gaya ng mutual fund o stocks, ang pera mo ay maaaring lumago mula 10% hanggang
20% na interest kada taon.
Nakita mo ang malaking pagkakaiba? Ayos lang na maglagay ng
pera sa savings account para sa mga emergency, ngunit para sa iyong mga
long-term financial goals, dapat na ilagak ang iyong kaperahan sa mga long-term
investments gaya ng stocks at mutual fund.
Habang nasa ibang bansa, aralin ang ibat-ibang paraan ng
pag-iinvest. Umattend sa mga seminar na may kinalaman sa tamang paghawak at
pagpapalago ng ating pananalapi. Magbasa ng mga libro at mga blog tungkol sa pag-iinvest
at pagne-negosyo.
Magsimulang mag-invest at mag-negosyo upang maabot mo ang
iyong mga goals at mga pangarap sa buhay. Ang pagkamit ng iyong “financial
freedom” na inaasam ay nasa iyong mga kamay! Kumilos ka, Kabayan.
***
Ang pagtatrabaho natin sa ibang bansa ay hindi
pang-habambuhay kabayan, kaya paghandaan natin ang panahon na tayo ay
magreretiro na at muling magbabalik-bayan.
Kung nais nating maging maayos ang ating buhay-pinansyal
kahit sa panahong tayo ay wala ng hanap-buhay, sundin lamang natin ang mga
hakbang sa itaas.
Ayaw mo naman sigurong umuwi sa Pinas na wala ka man lang
naipon o naipundar na mga investments, ‘di ba?
Ang aking adbokasiya ay maturuan ang kapwa ko OFW na matutong
humawak ng kanilang perang pinagpaguran at matutunan ang ibat-ibang paraan ng
pagpapalago nito.
Sinisiguro ko na kapag ang lahat ng mga OFW ay natutong
mag-invest, maraming pamilya ang aasenso at makakapiling na ang kanilang mga
mahal sa buhay na hindi na kailangan pang lumisan sa sariling bayan para lang
kumita ng malaki sa ibang bansa.
Kung naniniwala ka sa aking adhikain, ibahagi mo rin ito sa
ibang kababayan nating OFW o sa mga pamilyang may kamag-anak na nagtatrabaho
abroad.
Gamitin ang mga "sharing icons" na makikita mo sa kaliwang bahagi ng ating site. Salamat! =)
Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog
Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)
Read Also:
-7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW Ang Naghihirap
-5 #MalingDiskarte Ng Mga OFWs Pagdating Sa Pera
-10 Tips Sa Pagsasaayos Ng Ating Buhay-Pinansyal
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com
-7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW Ang Naghihirap
-5 #MalingDiskarte Ng Mga OFWs Pagdating Sa Pera
-10 Tips Sa Pagsasaayos Ng Ating Buhay-Pinansyal
***
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW! P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
3 comments:
Thanks for sharing financial tips! Really helpful:)
Thanks for sharing financial tips! Really helpful :)
Salamat po sa information. Malaking tulong to para sa aming OFW.
Post a Comment