![]() |
Photo Credit |
Mabuhay!
=)
Gusto
mo bang yumaman ka-Noypi? Basahin mo ‘to!
Halos
lahat naman ng tao ay gustong yumaman. Naghahangad ng magandang buhay hindi
lang para sa ating sarili kundi pati na rin sa ating mga minamahal.
Ang
pagiging mayaman ay iba’t-iba ang kahulugan sa bawat tao ngunit sa aking sariling
opinyon, ang tunay na mayaman ay yaong mga taong may tinatawag na “Time
& Financial Freedom”.
Yun
bang nagagawa mo na ang mga bagay na gusto mong gawin, napupuntahan mo na ang
mga lugar na gusto mong puntahan, nakakain mo na mga pagkain na gusto mong
kainin at higit na pinaka-mahalaga sa lahat ay marami ka ng oras para sa iyong pamilya
at mga mahal sa buhay.
Madalas,
alam naman natin kung paano yumaman, ngunit bakit hindi pa rin tayo yumayaman?
Ano
nga ba yung mga bagay na pumipigil sa ating pag-asenso sa buhay?
Narito
ang 10 dahilan bakit di ka pa rin yumayaman hanggang ngayon:
1. Mali ang paniniwala mo tungkol sa pera at sa
mayayaman
Kung mahilig kang manood ng teleserye sa TV, iwasan(o
bawasan) mo na ka-Noypi!
Isa sa dahilan na pumipigil sa pagyaman mo ay ang maling
paniniwala mo na ang mayayaman ay masasama gaya ng napapanood mo sa mga
teleserye.
Tandaan mo, ang pera at ang pagkakaroon nito ay hindi
masama. Nagiging masama lamang ito kung nakuha mo o ginamit mo ito sa masama.
Ngunit kung nakuha at gagamitin mo ito sa mabuti, hindi ba’t magiging mabuti
din ang dulot nito?
2. Patuloy mo pa ring ginagawa ang mga dati mong
ginagawa
Kung patuloy mo pa ring ginagawa ang mga bagay na hindi
naman magpapayaman sayo, hindi ka pa rin makakausad sa kinalalagyan mo ngayon
ka-Noypi.
Kung gusto mo ng pagbabago, gumawa ka ng bago! Mga bagong
bagay na magpapabago sa estado ng iyong buhay-pinansyal.
Kumilos ka at gumawa ng mga hakbang na maglalapit sayo sa
mga pangarap mo.
3. Wala kang malinaw na plano o mga goals sa
buhay
Isa rin sa dahilan kung bakit di ka yumayaman ay ang kawalan
ng pagpa-plano sa iyong buhay lalo na sa aspetong-pinansyal.
Kung wala kang mapa sa lugar na pupuntahan mo, malamang ay
maliligaw ka lang ka-Noypi!
Mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na mga plano o mga goals
sa buhay dahil ito ang magbibigay sayo ng malinaw na direksyon sa kinabukasan
na nais mong tahakin.
4. Hindi ka nakikihalubilo sa mga mayayaman at
successful na tao
Gusto mong yumaman? Makihalubilo ka sa mayaman!
Kung gusto mong matutong magluto, kanino ka lalapit? ‘di ba
dun sa mga taong marunong magluto!
Kung gusto mong matutong mag-sayaw, kanino ka lalapit? ‘di
ba dun sa mga taong marunong magsayaw!
Kaya kung gusto mong yumaman, lumapit ka sa mayayaman at mga
successful na tao para magpaturo at alamin kung paano sila yumaman!
5. Gusto mo ng madaliang pagyaman
Kaya ka hindi yumayaman ay dahil nagmamadali kang yumaman!
Kaya naman, nabiktima ka ng mga nagkalat na “scam” at mga
taong ganid at manloloko. Resulta lamang ito ng pagmamadali nating yumaman at
kakulangan sa kaalamang-pinansyal.
Ang pagyaman ay hindi madalian, ito ay pinaghihirapan at
pinagsusumikapan. Higit sa lahat, kung gusto mong yumaman, hasain ang iyong
kaalaman!
Mag-aral tungkol sa pera at tamang paghawak nito. Alamin
kung paano ito mapapalago sa legal at tamang paraan.
6. Marami kang palusot at reklamo kaysa aksyon
“Kaya ako mahirap dahil kurakot ang mga politiko na yan!”
“Wala akong pera pang-invest, marami pa akong
pinapaaral eh!”
“Hindi ko kayang magnegosyo, hindi ko linya ‘yan!”
Imbes na magpalusot at magreklamo, gumawa ka ng aksyon
ka-Noypi!
Ikaw ang s’yang may kontrol ng buhay mo. Huwag mong isisi sa
gobyerno ang kahirapan mo. Walang yumayaman sa kakareklamo!
At huwag ka na ring maraming palusot kung bakit hanggang
ngayon nariyan ka pa rin sa sitwasyon mo. Kung gusto mo talagang umasenso, simulan
mo sa sarili mo. Mag-aral ng mga bagong kaalaman tungkol sa pagpapayaman gaya
ng pag-iinvest at pagnenegosyo.
7. Wala kang bilib sa sarili mo na kaya mong
yumaman
Kung hindi ka naniniwala sa sarili mo, sino pang maniniwala
sayo?! Maniwala ka na kaya mo, ka-Noypi!
Kung nagawa ng iba na magbago ang estado ng buhay nila at
naiahon nila ang sarili sa kahirapan, wala ring dahilan para sabihin mong hindi
mo kaya.
Ang pagyaman ay nagsisimula sa “bilib” mo sa iyong kakayahan
at kung paano mo ito isinasabuhay upang maisakatuparan ang iyong pangarap na
yumaman.
8. Natatakot kang mag-fail kaya 'di ka
sumusubok
Kung nais mong yumaman, handa ka dapat na mag-fail o
magkamali dahil parte lamang ito ng tagumpay na iyong hinahangad.
Tandaan, walang tuwid na daan o “shortcut” patungo sa
tagumpay. Dadaan at dadaan ka talaga sa mga “failures” at “struggles”
lalo na kung nagsisimula ka palang.
Kaya naman huwag kang matakot na sumubok sa mga bagay na
magpapayaman sayo gaya ng pag-iinvest at pagnenegosyo.
‘Wag matakot na madapa at
magkamali, ang importante ay natututo tayo sa ating pagkakamali at itinatama
ito para sa ating ikakatagumpay.
9. Walang gumagabay sayo sa mga dapat mong gawin
Hindi ka pa rin mayaman ngayon dahil maaaring walang gumagabay
sayo sa mga dapat mong gawin para yumaman. Maghanap ng taong maaaring gumabay
sayo lalo na sa usaping pinansyal o paghawak ng kaperahan.
Maaari ding magsaliksik ng mga kaalaman tungkol sa pag-iinvest
at pagnenegosyo sa internet. Sa kasalukuyang panahon ay napakadali ng makakuha
ng mga sapat na impormasyon na makakatulong sayo para yumaman.
Ngunit kailangan mong kumilos ka-Noypi at gawin ang mga
kinakailangang aksyon para maabot mo ang iyong inaasam na tagumpay.
10. Ayaw mo talagang yumaman!
Sinadya kong ihuli sa listahan ito, dahil balewala ang lahat
ng nasa itaas na mga dahilan, kung ito talaga ang iyong dahilan kaya di ka
yumayaman!
Hindi ka pa rin yumayaman hanggang ngayon dahil “Ayaw” mo
naman talagang yumaman. May mga tao talagang sadyang may panata o yung
tinatawag na “vow of proverty” gaya ng mga relihiyosong tao.
Ngunit tandaan mo rin na hindi masamang maghangad ng yaman,
lalo na kung ang layunin nito ay naaayon sa kalooban ng diyos at para sa
kabutihan ng iyong kapwa at pamayanan.
***
Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog
Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)
Read Also:
-10 Tips Sa Pagsasaayos Ng Ating Buhay-Pinansyal
-7 Hakbang Para Sa Pinansyal Na Kalayaan
-Top 6 Ugaling Pinoy na Pumipigil Sa Pag-asenso
(Photo Credit : NohoDamon)
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com
-10 Tips Sa Pagsasaayos Ng Ating Buhay-Pinansyal
-7 Hakbang Para Sa Pinansyal Na Kalayaan
-Top 6 Ugaling Pinoy na Pumipigil Sa Pag-asenso
(Photo Credit : NohoDamon)
***
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW! P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
No comments:
Post a Comment