Thursday, June 25, 2015

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) – “Ang Hirap Palang Maging OFW…”


Mabuhay ang mga OFWs!

Welcome to another Kwento Mo Sa Pagong(KMSP) collection!

Habang nagba-browse ako ng aking facebook timeline, napukaw ang aking atensyon sa kwentong ito mula sa asawa ng isang OFW at ito ang nais kong ibahagi sa inyo sa araw na ito.

Kung ikaw ay isang OFW o nasa Pinas na may kamag-anak na OFW, siguradong makaka-relate ka sa kwentong ito.

Nawa’y mapahalagahan natin ang aral na nakapaloob dito.

Enjoy reading!

***
“Hon, padalhan mo naman ako, kasi may gusto akong bilhing shoes dito.”

“Sa uwi mo, ‘wag mong kalimutan yung pasalubong nina nanay at tatay ha?”

“Akala ko ba, may padala kang package? Ang tagal naman!”

“Punta tayo sa Cebu sa next vacation mo…”

Ilan lang ito sa mga walang katapusang requests ko sa asawa ko nung nasa abroad siya. At kapag walang favorable response, nagtatampo ako.

Nasasabi ko pa na tinitipid o pinagdadamutan niya ako. Dun na pumapasok ang pag-aaway namin, dahil hindi ko daw siya maintindihan. 

Nabubuwisit ako, kasi alam ko na malaki ang sahod niya, pero bakit ang higpit niya pagdating sa pera? Di ko man masunod luho ko gaya ng sapatos, mga bags, damit at iba pang gadgets? Hayyy nakuuu…

Until dumating yung time na nagdecide kami na sumunod ako sa kanya sa banyagang bansa. At last, makakasama ko na rin siya at maipabibili ko na rin mga gusto ko, bwahahaha!

Sa eroplano pa lang, naiisip ko na ang mga bagay na gagawin ko –shopping, bakasyon, dine-out, gala to the max! Paglapag ng eroplano sa Saudi Airport, wow! Ang INIT! Humid pa! Sumasakit na ang ulo ko sa biyahe pauwi sa tutuluyan naming flat (kung tawagin ang apartment).

Latang-lata ang pakiramdam ko sa init ng klima, summer daw pala kasi! Naisip ko, huwag na muna ang shopping at gala, pahinga muna…

Dumating yung time na lalabas na kami at mamamasyal, excited pa mandin ako. Pagdating namin sa Mall at nakita ko ang mga bagay na gusto kong bilhin…bigla akong nakaramdam ng panghihinayang…

Makita ko pa lang ang tag price, gumagana na kaagad utak ko sa Riyal to Philippine Peso conversion! Napansin ako ng asawa ko at tinanong nya kung alin daw ba gusto ko, sabi ko na lang, huwag na, next time na lang…

Dumaan ang mga araw at nagiging malinaw na sa akin ang araw-araw na pamumuhay ng mga OFW. Kay lungkot pala maging malayo sa pamilya, ang hirap ma-homesick!

Nakakaiyak makita ang mga pictures ng family sa FB tuwing me okasyon. Yung malungkot ka at gusto mo silang makasama kaya lang hindi naman puwede magbus pauwi ng Pinas.

Mas naiiyak ako pag naiisip ko na, kawawa naman pala ang kabiyak ko noong wala pa ako sa piling niya. Sa init at pagod maghapon sa trabaho, wala siyang choice kundi magluto pa rin pagkauwi para me makain, at gawin ang mga bagay mag-isa tulad ng paglalaba.

Bigla akong nahiya sa sarili ko…naalala ko bigla yung mga araw na nagtatampo ako sa kanya kasi hindi niya ako mapadalhan ng pera para mabili yung gusto ko.

Yung mga araw na natitiis ko siya dahil sa aking walang kabuluhang pagtatampo, natitiis ko na hindi tumawag o magtext man lang…

Yung mga araw na wala akong ginawa kundi planuhin kung ano ang mga bagay na ipabibili ko sa kanya pagdating ko dito.

Dahil pala bawat text na mabasa niya, ay laksang tuwa na ang dulot sa kanya. Bawat tawag at dinig pa lang sa boses ay ibayong lakas ang bigay sa kanya…dahil sa bawat baryang kinikita niya, wala siyang naiisip kundi ikaw na pamilya niya…

Ang hirap palang maging OFW

‘Pag nakikita ko sa mga pictures yung ngiti nila, mga magagandang lugar na pinapasyalan nila, mga pagkaing nakahain sa harapan nila, sa likod ng mga ito, nakakubli ang ‘di masukat na lungkot at pangungulila.

Marahil ayaw nila na tayong mga kaanak nila ay mag-alala kaya tunay na sitwasyon at nararamdam ay itinatago nila. Nakakaya nilang malayo at magtiis, mabigyan lang ng magandang bukas ang kanilang pamilya.

Saludo ako sa lahat ng OFW na nagtitiis para sa mga pamilya nila.

***
Mahirap talagang maging isang OFW…Agree?

Hindi talaga biro ang magtrabaho sa ibang bansa at iwan ang pamilya para lang maibigay sa kanila ang ginhawa na inaasam mo para sa kanila.

Kung ikaw ay nasa Pinas at may kaanak na OFW, matutong magpahalaga sa perang ipinapadala sayo. Gamitin ito ng tama at hindi dapat binabalewala.

Huwag din agad na magtatampo kung hindi naibibigay sa’yo ang lahat ng iyong gusto.

Sa abot ng iyong makakaya, huwag iasa sa OFW ang lahat ng mga gastusin, bagkus humanap din ng paraan kung paano siya matutulungan.

At para naman sa mga kababayan nating OFW, maging tapat tayo sa ating pamilya sa totoong kalagayan natin sa banyagang bansa. Mamuhay ng simple at pahalagahan ang bawat kinikita.

Mag-plano, mag-ipon at mag-invest para sa kinabukasan ng pamilya!

Ikaw, ka-Noypi, anong maipapayo mo para sa lahat ng pamilyang OFW?

Mag-iwan ng iyong komento sa ibaba.

Maraming Salamat! Para sa iba pang kwento at mga artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal,

Huwag mong kalimutang mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog!


To subscribe, CLICK HERE

Read Also:


 (Photo Credit: Dave Meier)



*****
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com


Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com