Thursday, September 5, 2013

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) - Are you Lola Penny or Lola Pilar?





Mabuhay mga ka-Noypi!

Narito ang kwento nila Lola Penny at Lola Pilar (mula sa panulat ni Bo Sanchez) na kapupulutan natin ng aral lalo na sa ating buhay-pinansyal.

Ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng pagpapaplano at paghahanda sa panahon ng pagreretiro.


Narito ang kwento....

Ang Kuwento ni Lola Penny

Mayroon akong isang kaibigan na nagretiro na 7 taon na ang nakakaraan .
tawagin natin siyang Lola Penny .

ang kanyang tunay na pangalan ay Lola Penang . nagbakasyon sya sa 
Amerika at nang siya ay dumating sa Pilipinas, ang tawag na sa kanya ay Lola
Penny.

Si Lola Penny ay isang balo na may 4 na anak at 6 na Apo .

Sa nakalipas na 38 taon , Si Lola Penny ay nagtrabaho bilang isang 
accountant sa isang kumpanya. Dahil siya ay magaling na accountant , siya ay
na-promote ng maraming beses at naging tagapamahala ng buong 
departamento .

At siya ay kumikita nang malaki.

Ngunit Sinabi sa akin ni Lola Penny na kahit na siya ay kumikita nang malaki , siya ay namumuhay ng paycheck to paycheck .
       
Aking napatunayan ang isang napaka- halagang prinsipyo : Ang Income o sweldo ay hindi katumbas ng Kayamanan . 

Hindi mahalaga kung magkano ang kinikita mo, ang lubos na mahalaga ay kung magkano ang kaya mong i-invest upang kumita ang pera mo na siyang magpapayaman sayo.

Oo nga’t , nakakapag-save sya ng pera. Ngunit tulad ng karamihan sa mga Pilipino , nag-iipon lamang sya para sa malaking gastos : nag-i-ipon sya para makabili ng bahay .Nag-i-ipon sya para makabayad sa pag-aaral ng mga anak . nag-i-ipon sya  para sa kasal ng kaniyang mga anak . Ngunit siya ay bigo sa pinakamalaking gastos sa lahat: Ang Pagreretiro .

Tulad ng marami , siya ay lubos na nakadepende sa kanyang Retirement Package mula sa kanyang kumpanyang pinagsisilbihan.

Nang sya ay nagretiro 7 taon na ang nakakaraan , Si Lola Penny ay nakatanggap ng 3 milyong piso .

Sa unang taon , It was heaven on Earth sa kanyang pakiramdam.

Tuwing Linggo , pinapasyal nya ang kanyang mga apo sa mall upang bumili ng mga laruan para sa kanila.

At kapag kailangan ng pera ng kanyang mga anak , lumalapit sila sa kanya.
" Mommy ,pwede ba kaming makahiram ng pera pampaayos ng aming kotse ?"
" Mommy , kulang pa kame ng P20,000 sa tuition fee ni Junior . pwede ba kameng makahiram ? "
" Mommy , ‘yong mga Apo mo lalaban  sa isang swimming competiton sa Singapore . Pwede ba sagot mo na yung pamasahe sa eroplano? "

Ngunit sa napakabilis na panahon , ang kanyang pera ay naubos ng parang bula.

Pagkatapos ng 7 taong pagreretiro , Si Lola Penny ay naging Penniless (wala ng pera).

Ito  ay hindi lamang isang kwento ;
Ito ang malupit na Katotohanan.

Sa Ngayon, Si Lola Penny ay nakadepende na lang sa kanyang 4 na anak. Ngunit alam niya na mayroon din silang mga sariling problema pagdating sa pinansyal .

Isang araw , narinig nya na kausap ng anak nyang babae ang Kuya nito sa telepono . Nasaktan sya sa kanyang narinig.

May galit sa kanyang tinig , sabi ng kanyang anak na babae, " Kuya , ikaw naman magbigay ng pera kay Mommy ! Ako na nga itong nagpatira sa kanya dito sa bahay ! Ako na nga ang gumagastos para sa pagkain nya araw-araw ! At ako pa ang bumibili ng mga gamot nya! . Noong nakaraang linggo , gumastos na ako ng P3000 para sa mga gamot nya ! Nagrereklamo na asawa ko kung bakit kami laging walang pera ! "

Nang marinig ni Lola Penny na nagrereklamo ang anak nyang babae , naiyak siya.

Para siyang sinaksak sa dibdib nung marinig nya ang mga masasakit na salitang yun .

Pakiramdam ni Lola Penny ay pabigat lang sya sa kanyang mga anak.
At nais na nyang mamatay.

****
Ito ang irony : Sa tanang buhay ni Lola Penny, bilang isang accountant , napakagaling nya sa pamamahala ng pera ng kanyang kumpanya -ngunit  hindi niya kailanman napamahalaang mabuti ang kanyang sariling pera .

Ito ay hindi lamang isang kuwento.

Ito ang malupit na katotohanan : Ayon sa mga survey , 98 % ng mga taong may edad na 65 pataas ay katulad ni Lola Penny .

Umaasa sila sa kanilang mga anak , o ang mga ito ay dumedepende sa kanilang mga maliliit na pension , o umaasa sila sa mga kawanggawa o patuloy pa rin silang nagtatrabaho – kung hindi,wala silang kakainin.

Tanging 2% lamang ang mga taong may edad na 65 pataas ang mga Financially Free.
      
 Tulad ni Lola Pilar .

*********
Ang Kuwento Ni Lola Pilar

Maaari kang magretiro sa dalawang paraan .
Maaari kang magretiro tulad ni Lola Penny o maaari kang magretiro tulad ni Lola Pilar .

Si Lola Penny ay isang kathang-isip lamang sa kwento . hindi ito ang kanyang tunay na pangalan .

Ngunit si Lola Pilar ay hindi kathang-isip.

Si Lola Pilar ay ang aking ina .
Siya ay 85 - taong gulang.

Sa Ngayon, binibigyan ko ang aking nanay ng buwanang allowance .

Ginagawa ko ito hindi dahil sa siya ay nangangailangan nito , bagkus dahil ito ang gusto kong gawin. Gusto kong ipakita ang pagmamahal ko sa kanya.

Ngunit ang katotohanan , 
hindi kailangan ng aking ina ang aking pera .

Sasabihin ko sa inyo kung bakit .

Maraming taon na ang nakalipas , ang aking ina noon ay nagtrabaho sa isang maliit na Music Store bilang isang cashier . Ang kanyang suweldo noon ay P120 sa isang buwan. 

Pagkatapos na magtrabaho sa loob ng 19 taon , siya ay nakatanggap ng Separation Pay : Tumataginting na… P2000 !

Ininvest nya ang  P2000 na natanggap nya sa Stock Market .
Noong  1966 .

At kapag meron syang extra money , nag-i-invest sya sa mga sikat  at malalaking kumpanya. Ang mga magulang ko ay bumili ng mga stock ng higanteng kumpanya ng kanilang panahon, gaya ng : San Miguel . Ayala . At iba pa .

Ang aking ama ay nagretiro sa edad na 65 . Siya ay pumanaw sa edad na 88 .

 Sa loob ng 23 taon na yun, ang aking mga magulang ay unti-unting ibinenta ang ilang bahagi ng kanilang mga stock para sa kanilang malalaking gastusin .

Nang pumanaw ang aking ama , Inihayag ng aking ina , " Ibebenta ko na ang lahat ng aking mga stock . " 

Nagulat ako na meron pa rin silang P1 Milyon mula sa huling pagbenta nila, kahit na nag-wi-withdraw na sila noon ng kanilang pera paunti-unti.

Tinanong ko sya , " Ibenenta mo lahat ?"

Ang sabi naman nya, "Oo , binenta ko . pero, nag-iwan naman ako ng konti ... "
Konti ?

" Anong konti?" Tinanong ko .

Ipinaliwanag niya , " Ah , nag-iwan ako ng kaunting investment at ikinalat ko sa iba't-ibang mga kumpanya . maliit na maliit lang naman. Di naman kalakihan. "

Ang Pag-uusap na yun ay naganap tatlong taon na ang nakakaraan .

Nito lamang nakalipas na dalawang buwan , ang sabi ko sa kanya, " Nay , ikaw ay 85 taong gulang na . mas mabuting ibenta mo ng lahat yung mga natitira mong pera sa Stock Market . Oo, alam kong maliliit lang ang mga ito. Ngunit malaki na rin kapag pinagsama sama . "

Sumang-ayon naman sya . Tinawagan nya ang kanyang Stock Broker at ang sabi nya " Maaari mo bang ibenta ang lahat ng natitira kong maliliit na mga stock?"

Umaasa sya na mga nasa P10 ,000 ang pera nya . Malaki na yung ,P20 ,000 .
Ngunit laking gulat nya sa kanyang natuklasan . Ang sabi sa kanya ng Stock Broker,"Mrs Sanchez ,ang iyong mga stock ay nagkakahalaga ng P1.2 Milyon ."

Lumapit sa akin ang aking ina sabay sabing, " Bo , mayaman na ako!"

Ang sabi ko sa kanya , " Nay , mayaman ka naman talaga eh . Ikaw lang nag-iisip na mahirap ka. "

Apatnapu't- limang taon ang nakalipas , ang aking ina ay nag-invest ng P2000 sa Stock Market . At sa paglipas ng mga taon , siya ay nag-invest ng paunti-unti,  P50 , P100 , at P200 sa mga higanteng kumpanya .

Sa buong buhay nya, ang aking ina ay hindi kailanman nakatanggap ng isang malaking halaga ng pera . Siya ay hindi kailanman nakamana ng pera . Hindi pa sya kailanman nanalo sa Lotto . Binuo nya ang kanyang yaman ng paunti-unti.

Tandaan ninyo ang katotohanang narinig ko mula kay David Bach : “Wealth is not built in days; Wealth is built in decades..”

May dalawang paraan ng Pagreretiro : Kagaya ka ba ni Lola Penny o ni Lola Pilar?

God places the two roads before you.

Penny Poverty or Pilar Prosperity?



Pumili ka .

For more investing articles & inspiring stories, Subscribe to Dizkarteng Noypi


(Disclosure: Ang kwentong ito ay hango sa orihinal na panulat ni Bro Bo Sanchez, na matatagpuan din sa kanyang website na bosanchez.ph ).


**********


P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com