Tuesday, October 29, 2013

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) -- Magkano ang oras mo?


Magandang araw mga ka-Noypi!

Maaari bang mahiram ang kapirasong “oras” ninyo para basahin ang maikling kwentong aking ibabahagi sa inyo na tiyak na tatagos sa ating mga puso(pang MMK lang?..hehe).

Ang kwentong ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng oras para sa ating pamilya at mga mahal sa buhay.

Enjoy reading mga ka-noypi!



“Magkano ang oras mo?”


[photo credit]

Isang araw, umuwi galing sa trabaho ang isang ama. Alas diyes na ng gabi nun. Pagkadating niya sa bahay, gising pa pala si bunso. Sinalubong siya nito at niyakap. Naupo siya sa sofa at binigyan ng “tsinelas na pangbahay” ni bunso. Habang naghuhubad siya ng medyas, nagtanong ang bata. 

Bunso: Papa, magkano po ang sweldo mo sa isang oras?

Papa: (nabigla sa tanong ng anak) Ha? Bakit mo naman naitanong yan?

Bunso: Sige na papa, sabihin mo sakin magkano ang sweldo mo…



Papa: Alam mo anak, hindi ko pwedeng sabihin sayo. Kahit nga si mama mo eh hindi niya alam kung magkano ang sweldo ko…

Bunso: Sige na Papa, promise di ko sasabihin kay mama.

Papa: (nakumbinsi din). Okay. Sikreto lang natin to ha? Ang sweldo ko sa isang oras ay P300. (ibig sabihin, P300 x 8 oras = P2400/day pala ang sweldo ng ama. siguro mataas ang posisyon niya sa kumpanya?hmm..)

Bunso: Wow, ang laki pala!

Papa: Anak, huwag mong lakasan baka marinig ng mama mo…

Bunso: Opo. oo nga pala papa, meron po akong hihilingin sayo….

Papa
: Sige anak, basta kaya kong ibigay. Ano ba yun?

Bunso: Pwede po bang humingi ng P150.00?

Papa: (nagtaas ng boses) Lokong bata to ah! Kaya pala nagtanong dahil gusto lang humingi… Yan ba ang natutunan mo sa paaralan?

Di nakakibo ang anak.. napahiya… dahan-dahang tumayo , biglang umiyak at tumakbo sa kanyang kwarto…

Papa: (naiwang mag-isa ang ama sa labas at biglang napa-isip) Saan niya kaya gagamitin ang P150? baka na-addict na yun sa computer games gaya ng dota, counter strike atbp… (maya-maya) nakakaawa naman… sige na nga pagbigyan ko na lang…

Biglang tumayo ang ama at kinatok ang pinto ng bunsong anak…

Papa: Anak, tahan na,  sige na, eto na ang P150 mo…

Binuksan ang pinto, nagpahid ng luha, sabik na sabik na tinanggap ang malutong na P150 paper bills, tumakbo sa kama niya at inangat ang unan. Sa ilalim pala ng unan ng bata ay maraming nagkalat na barya, binilang niya iyon at ng makita niyang sapat na, tumakbo siya palapit sa papa niya. Iniangat niya ang dalawa niyang kamay, punong-puno ng pinagsamang barya at ng P150 na paper bills at tuwang-tuwa na sinabi sa papa niya,

Bunso: “papa, eto po ang P300. Pwede ko po bang bilhin ang isang oras mo at maglaro tayo?” 




******
Napaka-halaga ng oras natin sa ating pamilya, hindi lamang mga materyal na bagay ang ikakasaya nila kundi yung mga “oras” na kapiling nila tayo.

Sabi nga “Time is Gold”!  kaya huwag natin sayangin ang bawat oras na dumadaan sa ating buhay mga ka-noypi!

Pero paano natin makakapiling ang ating mga mahal sa buhay, kung maghapon naman tayong wala sa bahay, dahil nagtatrabaho at itinataguyod ang pamilya?

At sa mga kababayan natin abroad, Bilang OFW, mahirap na malayo sa mga mahal natin sa buhay, pero ginagawa natin ito para sa kanila, para sa ikagiginhawa ng ating pamilya. Pero hanggang kailan naman tayo mananatili sa mga dayuhang bansa na ating pinagsisilbihan ngayon?

Life is too short!  Mahalaga na makasama natin ang ating pamilya, kaya huwag tayong makuntento na kumikita lang tayo abroad at naibibigay natin ang kanilang mga pangangailangan. Anong silbi ng malaking sweldo kung di mo naman sila makakasama?

Di ko sinasabing umuwi ka na kabayan, nais ko lang malaman mo na may paraan upang “mapaikli” natin ang panahon na tayo ay nagtatrabaho bilang empleyado.

Paano? Mag-impok at mag-invest sa ibat-ibang opportunities gaya ng Stock Market, Mutual funds, o di kaya’y Magnegosyo.

Sa ganitong paraan kasi, hindi na ikaw ang magtatrabaho para magkapera, kundi ang pera mo na ang magtatrabaho para sayo upang maghatid ng mas marami pang pera.
Dahil dito, hindi mo na kailangang magtrabaho ng mahabang panahon!

Dahil dito, mas marami na ang oras mo para sa iyong pamilya!

***
Nagustuhan mo ba ka-noypi ang ating kwento ngayong araw? Pwede mag-request?
Paki- “Share” mo rin ang kwentong ito sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay!
(Click the “Share” icons na makikita mo sa kaliwang bahagi ng site na ito)

You can Share it too with your Facebook friends, Twitter followers, or Google+ circles! =)

Maaari mong mabasa ang iba pang mga kwento sa ibaba : (click on the title)


Nais mo bang maging updated sa ating mga Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) collection?
Subscribe na sa Dizkarteng Noypi!  Click HERE.



**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com