Thursday, September 19, 2013

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) - Drink now or Drink forever?

               
    [photo credit]

Isang araw, may isang lalaking naligaw habang naglalakad sa isang disyerto.

Nang sumunod na araw, naliligaw pa rin siya.

Pagkalipas ng dalawang araw sa ilalim ng napakainit na araw, nauhaw ang lalaki.

Habang naglalakad, nakakita siya ng bodegang kahoy sa dako roon.

Dali-dali siyang pumunta roon, at isa lang ang nasa isip nya – Tubig!

Nang siya ay dumating roon, may nakita syang medyo may kalumaan ng poso(water pump).

Hinawakan nya yung handle at sinimulan nyang i-pump ng pataas at pababa, pero walang lumalabas na tubig mula rito.

Nanlumo ang lalaki, 
napaatras sya at nag-isip ng paraan kung ano ang dapat nyang gawin.

Nagmasid masid sya sa paligid, 

nang may nakita syang jug(lagayan ng tubig) na nababalutan na ng makapal na alikabok.

Nang kunin nya iyon, may napansin syang kapirasong papel na nakadikit sa jug

May mensahe ito na nagsasabing:

“buksan mo ang jug na ito, at may makikita kang tubig. Huwag mong inumin.kundi ibuhos mo sa poso at makukuha mo ang lahat ng tubig na kailangan mo”

Tinanggal nya ang takip ng jug.

Totoo nga, may laman nga itong tubig.kaaya-aya at nakakatuksong inumin upang mapawi na ang uhaw nya.

Imagine, kung ikaw yung lalaking uhaw na uhaw na,anong gagawin mo?

Sa loob ng dalawang araw, hindi ka nakainom ng tubig.

 Ang bibig mo ay nanunuyot na, talagang halos mamatay ka na sa sobrang uhaw.

At ngayon, hawak mo yung jug na may lamang tubig ngunit may nakalakip na mensahe na huwag mong iinumin! (Araayy!)

Pero paano kung ang mensahe ay isang biro lamang? Hindi magandang biro? 

Paano kaya kung ibinuhos mo yung tubig sa Poso pero wala namang lumabas na tubig mula rito?

Pero yung lalaki sa kwento, mas pinili nyang sumugal.
Pinikit nya ang kanyang mga mata, huminga ng malalim, at ibinuhos ang tubig sa Poso.

Hinawakan nya ang handle ng Poso at binomba ng tuloy-tuloy.

Ilang Segundo ang lumipas, maraming tubig ang dumaloy sa poso.mas marami, sa kinakailangan nyang tubig!.

Uminom sya ng tubig mula rito. Nakakita rin sya ng iba pang mga lagayan ng tubig na dinala nya sa kanyang paglalakbay.

Bago nya nilisan ang lugar, Nilagyan nyang muli ng tubig ang jug.

At nakalakip dito ang kapirasong papel na may mensaheng nagsasabing,

 “I tried it. Believe me ,it works.”
                                           
                                   
               You Have a Choice : Drink Now or Drink Forever

Ito ay isang paglalarawan kung bakit ang mga tao ay naghihirap.

Ang Perang hawak mo ngayon, gaano man yan kaliit, ay gaya ng jug sa kwento. Lage kang merong “Choice

Ang uminom na ngayon O Ang uminom ng walang hanggan.

Magkapera ngayon O Magkapera habang-buhay.

Paano? Sa pamamagitan ng Investing.

Karamihan ng mga tao ay hindi nag-i-invest.

Ginagastos nila ang lahat ng pera na meron sila.

May mga kilala akong tao na kumikita ng P10T kada buwan, P50T kada buwan o P500T kada buwan – at ginagastos nila lahat! (Oo! ,may mga kilala akong malalaki ang sweldo pero mahirap pa rin!)

Kaya naman patuloy silang naghihirap sa buhay.

Hindi mahalaga kung magkano ang kinikita ng isang tao,ang mahalaga ay kung magkano ang iniinvest nya para kumita ang pera nya.

Investment is a crazy decision.

It’s as crazy as pouring that last jug of water into the pump.

Kaibigan, May Pera ka ngayon.

Maaring maliit lang yan pero ang mahalaga meron ka.

At nasa harap ka ngayon ng tinatawag na Money Pump.

Ang totoo, mayroong 3 uri ng money pumps:

  • Business : Traditional, Franchise, Networking, etc.
  • Property : Rental Property, Buy & Sell, etc.
  • Paper : Bonds, Mutual Funds, Stock Market, etc.

Pero sa ngayon, gusto kong mag focus ka muna sa mga tinatawag na “Paper” money pumps.

Hindi lahat kayang magsimula ng negosyo agad-agad.
Hindi lahat ay kayang makakabili ng property agad-agad.

Pero halos lahat ay kayang mag invest sa tinatawag na Paper Assets.
Kaibigan, you have a Choice.

Gagastahin mo na lang ba ang konting pera na meron ka?

O ibubuhos mo sa mga tinatawag na money pumps – upang ang pera mo ay maglikha ng mas marami pang pera para sayo?


For more investing articles & inspiring stories, Subscribe to Dizkarteng Noypi

*******


(Disclosure: Ang kwentong ito ay hango sa orihinal na panulat ni Bro Bo Sanchez, na matatagpuan din sa kanyang website na bosanchez.ph ).




**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com