Sunday, October 13, 2013

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) - The SPENDER, the SAVER & the INVESTOR


Magandang araw mga ka-Noypi!

Magkwentuhan tayong muli para sa isa na namang KwentoMoSaPagong(KMSP) collection..
Narito ang isa na namang kwento na tiyak na makakarelate tayong lahat.

Mayroong tatlong klase ng tao sa kung paano niya mina-manage ang kanyang pera.
Maaring ikaw ay "Spender", "Saver" o "Investor".
Alin ka dito ka-Noypi?!?

Tara! Kilalanin natin ang magkakaibigang James, Jim at John.

Narito ang kwento....



The SPENDER, the SAVER & the INVESTOR
(by: Bro. Bo Sanchez)

[photo credit:theseekerswill.blogspot.com]


Sina James, Jim at John ay pawang mga Salesman. Silang tatlo ay nakakuha ng napakalaking  deal kaya naman, ang kanilang kumpanya ay nagbigay ng halagang Php 100,000.00 bilang kanilang kumisyon sa kanilang mahusay na trabaho. Talaga namang napakaswerte nilang tatlo, ngunit sila ay may ibat-ibang paraan ng pag-handle ng kanilang pera. Dahil si James ay “Spender”, si Jim naman ay “Saver” at si John ay “Investor”

     1.       SPENDER

[photo credit lifestyles.co.in]

Si James ay “Spender”.

Pagkatanggap niya ng tseke ng kanilang kumisyon, pinapalit nya agad ito ng “cold cash” at dumiretso sa isang sikat na restaurant at nag-invite din siya ng kanyang mga kaibigan para mag-celebrate ng kanyang swerte. Pagkatapos din nung araw na iyon, bumili siya ng high-tech na cellphone, mamahaling damit at isang pares ng designer shoes. Nang sumunod na araw, Nagpunta siya sa Boracay for holiday trip.

Sa loob ng tatlong araw, wala ng natira sa Php 100,000.00 niyang kumisyon.

Ito ang kwento ng kanyang buhay.
Pagkatapos niyang magtrabaho ng maraming taon,wala man lang siyang savings, bagkus marami siyang utang
sa kanyang mga credit cards .

Madalas nating nakikita ang mga “Spenders” kahit saan. Nawa’y hindi ka isa sa kanila.


    2.       SAVER

[photo credit : www.fairloanrate.com]


Si Jim ay “Saver”.

Si Jim ay nagtungo sa banko hawak ang kanyang Php 100,000.00 na tseke.

Kinausap nya ang isang friendly na teller ng banko na may ngiti sa kanyang labi at sinabing “Miss, wala akong planong galawin ang pera ko sa loob ng mahabang panahon,magkano ang interes na maibibigay mo sa akin?”

Tumango ang babae at sinabing “Sir, ilagay natin ang pera mo sa time deposit account. Bibigyan kita ng 5% interest every year. Yan na ang pinakamataas na mabibigay ko sayo, Sir”.
“Okay!” sabi ni Jim, Pagkapirma ng deposit slip, Masaya niyang nilisan ang banko.

Pagkalipas ng tatlumpo’t anim na taon, Siya ay 65-years-old na. Nagretiro siya sa edad na 60 at nakakuha ng retirement package mula sa kanyang kumpanya, at ginastos lang din niya iyon sa loob ng limang taon,at naghirap na ngayon ng tuluyan. Hanggang sa maalala niya ang kanyang “time deposit”.

Binisita nya ang banko kung saan sya nagdeposito ng pera.Nakita niya ang  “friendly teller” na nag-approach sa kanya nuon(hehe.wink! )
“Hi!, nagdeposito ako ng Php 100,000.00,  36 years na ang nakalipas,” Sabi niya.” At ngayon, gusto ko ng kunin ang pera ko.magkano naba ito ngayon?”
“Teka lang po sir, titignan ko”.
Tiningnan ng Teller sa kanyang computer, pagkatapos ng ilang minuto tumingin ito kay Jim at sinabing “Sir, mayroon na kayong Php 400,000.00”

Ang retiradong salesman ay nanlumo. “Pagkalipas ng tatlumpo’t anim na taon, Php 400,000.00 lang itinubo ng pera ko? Baka nagkamali ka lang,Miss?

“Hindi nako Miss,sir. Lola na ako at saka wala pong mali…”(wink!)

Naaawa ako sa mga Savers. Savers are good, disciplined, honest people.
Ngunit talo pa rin sila sa larangan ng kaperahan.


    3.       INVESTOR

[photo credit : www.easivisa.com]


Si John ay “Investor”.

Hindi siya dumiretso ng banko. Pumunta siya sa lugar kung saan nilalagay ng banko ang kanilang pera. Sa madaling salita, he bypasses the bank. Sa tatlong salesmen, tanging si John lang ang nag-aral about proper way of investing.
Natutunan niya na nilalagak ng mga banko ang kanilang mga pera sa ibat-ibang investment vehicles gaya ng mutual funds, bond funds, equity funds at stocks.
Kaya naisip niya, kung nagagawa ng banko, pwede niya ring gawin.

Kaya si John ay naglaan ng ilang araw para mag research ng mga pinakamahusay na mga mutual fund companies sa bansa at binisita ang isa sa mga ito.

Siya ay lumapit sa isang babae at nagtanong “ Hindi ko pa ito nagagawa mula pa noon, gusto kong mag invest sa mutual funds. Magkano ang interes na maibibigay mo sa akin?”

Umiling ang babae. “Hindi po to gaya ng banko, hindi po namin maiga-guarantee sa inyo ang aming interest rates. Depende po kasi yan sa pagtaas at pagbaba ng presyo sa merkado”.
“Hindi ba yan nakakatakot?" nagtaas ng kilay si John.

“Oo,nakakatakot nga – kung plano mong maginvest sa maikling panahon lamang. Ngunit kung ang plano mo ay mag-invest sa mahabang panahon, huwag kang matakot.Gaya ng mga nakarang taon, nakapagbigay kami sa aming mga investors ng average of 9-12% growth”.

“Sige, plano kong mag-invest ng long-term.” Aniya. “Subalit,kailangan ko bang mag-invest ng milyon para makasali sa inyong mutual fund? Wala akong milyon!”

Tumawa ang babae. “ Sir, ang minimum para makapaginvest ka sa aming mutual funds, ay Php 5,000.00 lang!”

Nanlaki ang mata ni John.”Ano? ganun kaliit? Eh di lahat ay kayang makapag-invest!”

“Mutual funds are great equalizer. Ang tawag ng iba dito, sikreto ng mayayaman, at ngayon pwede na rin sa mga mahihirap. Hindi parehas ang trato ng mga banko sa mga tao, kapag may naglagak sa banko ng limang milyon,binibigyan nila ng mas malaking interes kumpara sa mga taong naglagay lang sa banko ng limang-libo. Ngunit dito sa mutual funds, hindi mahalaga kung magkano ang nilagay mo, limang milyon man o limang libo, kikita ka ng parehong interes”.

“This is incredible,” aniya. “bakit hindi lahat ng tao ay alam ito?

Sabi ng babae, “ Sa Pilipinas, mas mababa pa sa 1% ng mga Pilipino ang nagiinvest sa mutual funds, habang 99% ang nagiinvest sa mga banko. Ngunit sa Amerika,sa ngayon, 70% na ang nagiinvest sa mutual funds,habang 30% naman ang nagiinvest sa mga banko lang. The Philippines is 30 years behind America, but we’re getting there…”

Kaya naman ininvest na ni John ang kanyang Php 100,000.00 at umuwing masaya.

Pagkalipas ng tatlumpo’t anim na taon, sa edad na 65, Nais ng balikan ni John ang kanyang investment sa Mutual fund. Kaya bumalik siya sa mutual fund company kung saan niya inilagak ang kanyang pera, at nakita niya ang parehong babae na nag approached sa kanya noon, Tinanong niya ito, “Ano ng nangyari sa aking investment sa nakalipas na 36 taon?”
Sabi ng babae,”Sa totoo lang, mayroong maganda at hindi magandang taon . may mga taon na ang iyong pera ay kumita lang ng 7% pero may mga taon naman na kumita ito ng hanggang 20% at higit pa. Kaya sa nakalipas na 36 taon, nag average ka ng 12% kada taon”.

“Maganda na ba iyon?” tanong niya.

“Ayon sa aming records…..”  ngumiti ang babae, “ ang iyong Php 100,000.00, ngayon ay nagkakahalaga na ng ..…Php 6.4 Million!, ngayon sabihin mo sa akin kung maganda na ba” sabay kindat. ;)

“Napakaganda!” abot-tenga ang ngiti ni John.

Kaibigan, ngayon ay alam nyo na kung bakit ang mga banko ay may magaganda ,matataas at mamahaling mga gusali.

Ang Php 100,000.00 mo ay inilagak nila sa ibat-ibang investment vehicles kung saan maaari silang kumita ng hanggang Php 6.4 million, pero ang balik lang sayo ay Php 400,000.00 lang.

Magkano kinita ng banko? 6 million!

Kaya sa susunod,kapag ang banko niyo ay inalok kayo ng kape para kayo ay magdeposito sa kanila ng Php 100,000.00, isipin ninyo kung magkano ang katumbas na halaga ng isang tasang kape, 6 million lang naman!
Ito ang aking malaking katanungan : Kung para lang naman sa inyong Retirement fund, bakit ka pa mag-iinvest sa banko? Bakit hindi mo iinvest ang pera mo kung saan iniinvest ng mga banko ang mga pera dito?

Kaya mo rin mag-invest dito. Kahit sino ka pa.


(Basahin ang iba pang inspiring na mga kwento mula sa KMSP, punta ka DITO)

For more investing articles & inspiring stories, Subscribe to Dizkarteng Noypi
HAPPY INVESTING MGA KA-NOYPI !!!


**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com