Sunday, September 29, 2013

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) - Kurot o Dakot?



Welcome mga ka-Noypi!


Isa na namang nakaka-inspired na kwento ang ating matutunghayan sa araw na ito.

Una ko syang nakita sa Facebook nang ire-post ng isang friend ko..

At aking napag-alaman na ang kwento ay hango sa isang libro mula sa panulat nina Vic at Avelynn Garcia..

It is an eye-opener to me. Kaya gusto ko rin i-share sa inyo upang kapulutan natin ng aral...

Kurot Principle is all about delaying gratification.minsan may mga pagkakataon na may mga bagay at mga gawain

na kelangan nating hindi muna bilhin o hindi muna gawin na kung saan mas lalo lang tayong napapagastos at mas malala,
nababaon pa tayo sa utang..

minsan kelangan natin ng konting sakripisyo, kung ginhawa naman ang ating matatamo sa hinaharap.

Dapat nating matutunan How to separate the Wants from Needs..Unahin natin ang mga bagay na talagang kinakailangan natin.

Sa kwentong ito, ating mapapag-alaman ang pagkakaiba ng KUROT sa DAKOT!

Enjoy Reading mga ka-Noypi!




Kurot o Dakot?



[photo credit] http://www.unleashinternational.com


********
Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. 

To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili 


ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings.


 Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, kurot lang 


‘yon sa kanyang savings.


May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth 

P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng 


cellphone. Anong tawag dun? Dakot na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya!

May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings. P1,000 

lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun? Utang na ‘yun!

Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? Kurot, dakot, o 

utang?

Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang 

gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong


 yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat 


kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako,


 yayaman ka.

Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy.

 Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot! Tayo ang 


gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita…



Pinoy vs. Chinoy Businessman


May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at

 isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000.

Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? 

Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? 


Idadagdag niya sa puhunan.

So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 

pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!



Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy 

kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili


 siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. 


Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang 


puhunan niya? P160,000 na!

A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000! Ang Pilipinong 

mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-


downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin 


niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000!

Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano 

ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang 


ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya. One day, Chinoy was 


able to save P1 million! So ginawa niya, he approached one supplier and said,


 “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng 


discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang 


dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!”



Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%.

Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na


lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga 


ibinebentang produkto.

It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho 

sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili? 


Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? 


Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? 


Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? 


Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng


 P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya. Si 


Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang!



After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na 

gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano?


 P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang


 cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na


 lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin 


niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang kuwento ng 


bansang Pilipinas!

Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga 

Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng 


dakot! Sila, kurot lang ng kurot!

Mayroon kaming naging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo 

‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba 


‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 


million na savings! So kurot lang ‘yun! Nandiyan ka pa ba?




Isang Kahig, Isang Tuka


Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa 

squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig,


 isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.



What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba 

ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho 


ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo? 


Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka!



Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng 

maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka


 lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming 


Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.



Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng 

kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin ng 


trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan 


munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.

Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot 

work. You are already old. Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. 


Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo.



Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang!

 Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka-Nike shoes, huwag mong 


husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of 


the day, what is happening to other people is not important. What’s more 


important is what is happening to you.



The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet

 life. You should mind your own business and work with your hands, just as 


we told you.”

For more investing articles & inspiring stories, Subscribe to Dizkarteng Noypi


**********

P.S.1  The book “Kontento ka na ba sa kaPERAhan mo?” is available at National Bookstores and Powerbooks. It is written by Vic & Avelynn Garcia under Unleash International Corporation.


To learn more check out their site

or check their Facebook page


P.S.2 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.3  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    


Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com