Wednesday, October 16, 2013

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) -- Gintong manok o Gintong itlog?


Magandang araw mga ka-Noypi!

Magkwentuhan ulit tayo! with another inspiring KMSP collection.
Nais kong ibahagi sa inyo ang isang kwento na sumasalamin sa ating buhay.
Kung paano natin hina-handle ang perang meron tayo ngayon.

You have a Choice.

You can "spend" your money right away to buy some stuffs!

OR

You can "create" Money Machine to produce more money for you!

Pumili ka.

Gintong manok o Gintong itlog?

Sama-sama tayong ma-inspired sa kwentong ito mga ka-Noypi at tuklasin ang kahalagahan ng paglikha ng mga tinatawag na "money machines".

Enjoy Reading!




Gintong manok o Gintong itlog?
(Excerpts from Bo Sanchez’ Choose to be Wealthy)


[photo credit]



Isang araw, may isang Alien Ship na napadpad sa planet Earth. 
Nakita ng mga Alien ang kahirapan sa planeta.
Naawa ang mga ito, kaya napagdesisyunan nilang tumulong sa mga mahihirap na tao.

Nag-iwan sila ng isang “espesyal” na manok.
Nagmasid-masid sila,at ang napili nilang pagbigyan ng napakagandang regalong ito ay si Mang Pong,  isang mahirap na magsasaka. 
At sa kalagitnaan ng gabi, inilagay nila ang manok sa bakuran ni Mang Pong. At sa isang kisap-mata, lumipad sa malayong kalawakan ang Alien Ship.

Nang si Mang Pong ay nagising kinaumagahan, may napansin siyang kakaibang nilalang na gumagala sa kanyang bakuran sa likod ng kaniyang maliit na kubo.
“Saan nanggaling itong kakaibang hayop na ito?” Tanong ni Mang Pong. “Napakalaki at mayroong gintong pakpak!”.

Ngunit mayroon pang mas kakaibang nangyari. Nang tumayo ang manok, Nakita ni Mang Pong ang isang itlog na kumikinang sa ilalim nito, Ang manok ay nangitlog.di lamang basta ordinaryong itlog, kundi gintong itlog!

Nasabik si Mang Pong sa kanyang nakita.Binenta ni Mang Pong ang gintong itlog at bumili ng maraming pagkain, damit at mga kasangkapan sa kanyang munting kubo.
Napakasarap ng buhay niya nung araw na iyon!

Nang sumunod na buwan, Hindi makapaniwala si Mang Pong sa nakikita ng kaniyang mga mata.

Dahil ang Manok, ay muli na namang nangitlog ng ginto! Dali-dali siyang nagpunta ng bayan at ibinentang muli ang gintong itlog at bumili ng i-Pod,  Laptop, Jacuzzi at 60-inch plasma TV. Talaga namang napakasarap ng buhay ni Mang Pong.

At sa ikatlong buwan, inaasahang muli ni Mang Pong ang gintong itlog. At hindi naman siya nabigo, kaya’t dumiretso ulit siya ng bayan at muling ibinenta ang ginintuang itlog, at bumili pa ng mas maraming gamit para sa sarili.

Subalit nang sumunod na araw, Masyadong nainip si Mang Pong, Naisip niya na kailangan niya pang maghintay ng isang buwan na naman para sa susunod na itlog. Ngunit gusto niyang bumili ng sariling Helicopter at sarili niyang helipad. Kailangang kailangan niya ng maraming gintong itlog!

At nakaisip siya ng magandang ideya----iyon ang akala niya.
Sabi niya, “Saan nanggagaling ang itlog? Sa loob ng Manok!”
Kaya naman sinakmal niya ang alien na manok, kumuha ng matalim na kutsilyo, hiniwa at binuksan ang tiyan ng kawawang manok.

Pero, Alas! Wala ni isa mang gintong itlog na nakita si Mang Pong sa loob nito!
At ngayon, patay na ang manok!

Napaiyak na lang si Mang Pong sa pagkawala ng kaniyang manok at mga gintong itlog nito.
At unti-unti,  Ibinenta ng kawawang magsasaka ang kaniyang mga damit, ang kaniyang mga kasangkapan, ang kaniyang i-Pod, Laptop, Jacuzzi at ang kaniyang wide-screen TV.

At paglipas ng isang taon, Naghirap nang muli ang kawawang magsasaka.
Isang araw, habang naglalakad si Mang Pong sa bayan, may nakausap siyang lalaki na dating mahirap, na ngayon ay ubod ng yaman na. At ang taong iyon ay labis na nagpasalamat sa kaniya.

“Bakit ka nagpapasalamat sa akin?” Tanong niya.
“Natatandaan mo pa ba ang ibinenta mo sa akin na gintong itlog?” aniya.
“Oo naman, siyempre!” sabi ni Mang Pong.
“Napisa ang itlog…” aniya.
“Anong ibig mong sabihin na napisa ang itlog?” tanong ni Mang Pong.
“Inilagay ko ito sa incubator. Pagkatapos ng 12 buwan ng pagaalaga, napisa ito at lumabas ang manok, Napaka espesyal na manok! Sobrang laki at may ginintuang pakpak. Ngunit higit sa lahat, nangingitlog ito ng ginto!”

Natulala na lang si Mang Pong sa kaniyang mga narinig dahil hindi siya makapaniwala.
Ang bawat itlog na kaniyang ibinenta—mabigyan ng tamang kundisyon at pagaalaga—ay maaaring maging manok.

Kung inalagaan lamang niya ang mga itlog at hinayaang mapisa—disin sana'y mayroon na siyang maraming manok na nangingitlog ng ginto para sa kanya araw-araw.

Pagkalipas ng maraming taon, Nagbalik ang Alien Ship sa planet Earth.
Masaya nilang natuklasan na mayroong mga tao na yumaman.
Ang mga yumaman ay yaong mga taong nagmamay-ari ng gintong manok na nangingitlog ng gintong itlog!
Ngunit , sa kabilang banda, nalungkot sila na marami pa ring tao ang patuloy na naghihirap.
Kasama na dito, si Mang Pong!



Money or Money Machines?

Ito ang kwento ng buhay ng mga mahihirap.
Mas pinipili nila ang mga gintong itlog(money) kaysa sa manok na nangingitlog ng mga ito(money machines).

Tandaan ninyo ang aral na ito: Bawat gintong itlog ay mayroong manok sa loob nito.

May pera ka ngayon?

Sa loob ng bawat coin o paper bill ay tinatawag na money machine.

Kailangan mo lang itong “i-incubate” ng mga ilang araw.

So you have a CHOICE.

You can “spend” the egg or you can make the egg become a chicken.


For more investing articles & inspiring stories, Subscribe to Dizkarteng Noypi


**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com