Friday, June 12, 2015

7 Hakbang Para Sa Pinansyal Na Kalayaan


[Photo Credit]


Mabuhay ang Pilipinas! =)

Sa araw na ito, ang mga pinoy ay nagdiriwang ng ika-177 taon ng “Independence Day” o Araw ng Kalayaan!

Ngunit, sa pinansyal na aspeto… Malaya nga ba si Juan Dela Cruz?

Malaya ka nga ba?...Kung ibang tao ang nasusunod kung magkano ang kikitain mo, kung kailan ka papasok at kung anong oras ka uuwi?

Malaya ka nga ba?...Kung araw-araw kang nagko-commute para pumasok sa trabaho at nakikipagsiksikan sa MRT?

Malaya ka nga ba?...Kung ikaw ay isang OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa habang nangungulila sa’yo ang pamilyang iniwan mo?

Para sa akin, ang “Tunay na Kalayaan” ay ang pagkakaroon ng maraming oras na makasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay habang naibibigay mo pa rin sa kanila ang lahat ng kanilang pangangailangang pinansyal.

Ngunit paano natin makakamit ito kung patuloy pa rin nating ipinagpapalit sa iba ang ating oras at pagod para kumita ng pera?

Narito ang 7 hakbang upang makamit ang kalayaang pinansyal:

1. Maniwala sa Diyos at sa Sarili

Ang unang hakbang upang makamit natin ang financial freedom ay ang maniwala sa Diyos at sa Sarili.

Ang lahat ay nagsisimula sa “paniniwala”. Kung naniniwala ka na makakamit mo ang kalayaang pinansyal, Ipagkakaloob sayo ng Diyos ang mga bagay, mga tao o mga resources na kailangan mo para matupad ito.


2. Planuhin ang Buhay-Pinansyal

Napaka-importante ng pagpa-plano, ika nga “If you fail to plan, you are planning to fail.”  Planuhin at i-monitor ang iyong mga gastusin, mag-budget at mag-save ng ilang bahagi ng iyong kinikita.

Huwag gumastos ng higit sa iyong sweldo at umiwas sa mga ‘bad debts’ o sa pag-utang gaya ng pag-gamit ng credit card na lalong magpapahirap sayo na makamit ang hinahangad mong financial freedom.


3. Maghanap ng dagdag na pagkakakitaan

Mayroon ka bang talentong itinatago na pwede mong pagkakitaan bukod sa iyong trabaho? Bakit hindi mo i-convert ang iyong passion into profit! Makakadagdag din ito sa pagpapalago ng iyong kaperahan.

Maaari ka ring magsimula ng isang online business dahil maliit lamang ang puhunan dito ngunit malaki ang potensyal na pwede mong kitain. Maging maingat lamang sa pagpili ng produktong ibebenta o sa kumpanya na iyong sasalihan at siguruhing ito ay legal at mapagkakatiwalaan.


4. Mag-invest sa Kaalamang-Pinansyal

Hindi sapat ang pag-iipon para mapalago ang ating kaperahan. Kaya naman dapat mong alamin ang ibat-ibang uri ng investment na makakapagpalago nito sa paglipas ng panahon.

Mainam din na dumalo sa mga seminars o trainings na magtuturo sa atin ng tamang paghawak ng ating kaperahan at upang makaiwas sa mga nagkalat na financial scams. Be a financially literate!


5. Maglaan ng pondo para sa Emergency Fund

Ngayong handa ka ng mag-invest, ipinapayo ng lahat ng mga eksperto na maglaan muna ng tinatawag na Emergency Fund(See 10 Tips sa pagbuo ng Emergency Fund) o isang uri ng pondo ng pera na nakalaan lamang sa mga hindi inaasahang pagkakataon gaya ng kalamidad o biglaang pagkakasakit ng pamilya. Mag-ipon mula tatlo(3) hanggang anim(6) na buwanang gastos para dito.

Mabuti ng maging handa sa lahat ng oras upang walang pagsisihan sa bandang huli. Mainam din ito upang hindi mo magalaw ang iyong pera sa iyong mga investments.


6. Proteksyunan ang sarili at mga ari-arian

Kung ayaw mong mabalewala ang lahat ng iyong mga pinaghirapan, kumuha ng insurance para sa iyong sarili at sa iyong mga ari-arian gaya ng bahay at sasakyan.

Walang sinumang makapagsasabi sa kung ano ang pwedeng mangyari sa atin, kaya naman mahalaga na maging protektado tayo at ang ating pamilya. Makipag-usap sa isang propesyunal na insurance agent at kumuha lamang ng insurance na nararapat sa iyong pangangailangan.


7. Mag-invest sa Stocks, Business, Real Estate at iba pa

At syempre pa, higit sa lahat, Kapag mayroon ka na ng lahat ng nabanggit sa itaas, simulan mo ng mag-invest sa mga investment instruments na magpapalago ng iyong kaperahan. Nariyan ang Stocks, Bonds ,Mutual Funds, UITF, Real Estate , Traditional businesses at iba pa.

Maglaan ng atleast 20% ng iyong income kada buwan para sa iyong investments at gawin ito hanggang sampung taon o higit pa. Ang pag-iinvest ay nangangailangan ng matinding disiplina sa sarili at patuloy na pag-aaral sa ibat-ibang investments at paghahanap ng paraan sa mabilis na paglago nito.

*****
That’s it ka-Noypi! Sama-sama nating abutin ang pinakahahangad nating Pinansyal na Kalayaan!  =)

Mabuhay tayong lahat!


Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog

Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi para makatanggap via email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal.


To subscribe, CLICK HERE



Read Also:





***
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com