Magandang araw ka-Noypi!
Mag-kwentuhan tayong muli sa isa na namang makabuluhang kwento sa Kwento Mo Sa Pagong(KMSP) inspiring stories collection.
Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang OFW na magkaiba ang naging kapalaran dahil na rin sa pagkakaiba ng kanilang naging mga kaugalian pagdating sa paghawak ng pera nilang pinaghirapan.
Kilalanin natin sina Romy at Cristina…
Si Romeo B. Gatin o mas kilala sa pangalang Romy ng kanyang mga ka-pamilya’t kaibigan ay isang Civil Engineer na nagtapos sa isang kilalang unibersidad sa Batangas. Dahil sa kanyang talino at malawak na karanasan sa Construction industry ay agad natanggap na magtrabaho sa ibang bansa sa isang malaking kumpanya sa Singapore.
Masayang-masaya si Romy dahil sa wakas ay makakapag-trabaho na rin sya abroad at kikita ng malaki. Ang offer sa kanya ng kumpanya ay P300,000 kada buwan sa loob ng 3 taong kontrata at iba pang benepisyo gaya ng libreng accommodation at medical insurance. Samantalang nung siya ay nagtatrabaho sa Pinas, hindi nya mapagkasya ang kanyang 20,000 na sweldo sa isang buwan.
Sobrang overwhelming para sa kanya ang makatanggap ng ganito kalaking sahod, kaya nasambit nya sa sarili na “Wow! Mabibili ko na ang mga bagay na hindi ko nabibili noon. Napaka-swerte ko naman. Salamat Lord.”
At ganun nga ang nangyari, nang matanggap ni Romy ang kanyang unang sweldo, ay agad nagpunta ng mall para bumili ng mga bagay na di nya nabibili dati nang sya ay nasa Pilipinas pa. Bumili sya ng bagong sapatos, mamahaling relo , laptop at brand new na i-phone 6 (kahit gumagana pa naman ang kanyang lumang cell phone). Namili din sya para sa kanyang asawa at anak , ng mga bagong damit at laruan, inilagay sa balikbayan box at agad ding ipinadala sa kanyang mag-ina.
Sobrang saya ni Romy nung araw na yun, ngunit may bigla syang naalala,
“Oo nga pala, may utang pa pala ako kay pareng Resty, pinambayad ko ng placement fee sa agency. Di bale, sa susunod na sweldo na lang siguro ako magbabayad.” Sambit sa sarili ni Romy.
Nang sumunod na buwan, ay ganun pa rin ang nangyari. Pagkatanggap ng sweldo, derecho ng mall at namili ng kung anu-anong bagay para sa sarili si Romy. Sa pagkakataong ito, kumuha pa ng hulugang sasakyan si Romy, para nga naman makapasyal sya sa magagandang lugar sa Singapore kasama ng tropa.
Naulit ng naulit ang pangyayaring ito sa loob ng mahigit dalawang taon. Bili dito, bili doon. Pasyal dito, pasyal doon. Hanggang isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, nag-deklara ng bankruptcy ang kanilang kumpanya. Lahat ng empleyado ay natanggal at isa na dun ay si Romy.
Kawawang Romy. Hindi nya naisip na hindi habang-buhay ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Ang masaklap pa nito, wala syang kaipon-ipon at baon pa sa utang. Mayroon naman syang naiuwing pera mula sa separation pay na natanggap nya mula sa kumpanya. Ngunit ano ang nangyari sa pera nya? Sa isang kisap-mata ay naubos lang din ng parang bula dahil hindi nya natutunan kung paano ito hahawakan ng tama.
Ang Matipid Na Cashier

Kilalanin naman natin si Ma.Cristina Cahera o “Tina”. Isang simpleng dalaga na may pangarap na umasenso sa buhay. Madiskarte at matipid pagdating sa pera, Kuripot sabi ng iba, dahil sa t’wing mamimili sa Divisoria ay panay ang “tawad” nito sa mga tindera.
Mabait na ate si Tina sa kanyang dalawang kapatid, inaasahan sa pamilya, sapagkat may edad na rin ang kanyang ama’t ina at hindi na kayang magtrabaho pa.Pero hindi iyon naging hadlang para sa kanya, bagkus ay lalo syang nagsusumikap para sa kanila. Kaya naman pilit nyang pinagkakasya ang kanyang sweldo bilang kahera sa isang mall, at sa gabi pag-uwi ng bahay ay nagagawa pang ‘rumaket’ ni Tina sa kanyang online business para lang maibigay sa pamilya ang mga pangangailangan nila.
Nakakatawid man sa pang-araw araw ay hindi naman sapat ang kinikita ni Tina para makapag-ipon. Kaya naman nang mabalitaan nya na may oportunidad papuntang Dubai bilang Cashier ay nag-apply agad sya. Maswerte namang natanggap si Tina na makapag-abroad. Masakit man para sa kanya na malayo sa pamilya ay tiniis nya ito. Sabi ni Tina sa sarili, “Pagkakataon ko na ito, kikita ako ng mas malaki sa Dubai, kaya naman sasamantalahin ko rin ang pagkakataon na makapag-ipon ako.”
Nagsimula ng mag-trabaho si Tina bilang Kahera sa isang malaking Hotel at sumasahod ng P30,ooo kada buwan. Dahil nakikitaan ng kasipagan at pagiging magalang sa mga customer, madalas ay nabibigyan si Tina ng malaking tip mula sa mga customer ng Hotel. Itinatabi ito ni tina sa isang savings account.
Biglang naalala ni Tina na mayroon syang nabasa online mula sa isang blog site na hindi daw sapat ang savings account para lumago ang pera dito. Kaya naman binalikan ni Tina ang kanyang nabasa at natuklasan nya na mainam pala na ilagay ang Pera sa isang investment na magpapalago nito sa paglipas ng panahon.
Dahil sa kagustuhang mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya, Inaral ni Tina ang pag-iinvest sa Stock Market at napag-alaman nya, na hindi lang pala ito para sa mayayaman. Sa maliit na halaga kada buwan ay maaari na palang mag-invest dito.
Patuloy na inaral ni Tina ang ibat-ibang investment gaya ng Stock Market, Mutual Fund, at iba pa sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro at pagdalo sa mga seminars ukol sa tamang paghawak at pagpaplano ng kaperahan.
Nagsimula na ngang mag-invest si Tina sa Stock Market. Kada buwan, nagtatabi siya ng P5,000 at iniinvest sa mga kilalang kumpanya. Ginawa nya ito na may disiplina at patuloy na nag-invest sa loob ng 20 taon.
“Ang sarap pala ng feeling na maging ‘shareholder’ ng mga kumpanya.” Nangingiting sambit ni Tina sa sarili.
Pagkalipas ng ilang taon, Sa wakas, nagbunga din ang kanyang pagti-tyaga. Naging milyonarya na si Tina at natupad na niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Namuhay pa rin sya ng simple at ibinahagi nya rin ang kanyang kaalaman sa iba. At higit sa lahat, patuloy na nananalig sa Diyos at tumutulong sa kapwa.
***
Sa kwentong ito, patunay lamang na kahit ang pawang mga propesyunal at edukadong tao ay maaari ring mahulog sa bitag ng maling pag-gamit ng kaperahan na lalong magbabaon sa kanila sa kahirapan.
Marami sa mga kababayan natin ang umuuwing luhaan dahil hindi nila alam kung paano pamahalaan ng tama ang kanilang kaperahan. Ang laki ng sweldo ay hindi rin maituturing na mataas ang estado mo sa buhay. Ang tunay na basehan ay ang iyong kaalaman at kakayanan kung paano mo palalaguin ang pera na mayroon ka ngayon na maghahatid sayo ng “tunay na kalayaan” sa hinaharap.
Nagpapatunay lang din ito, na ang kahirapan ay hindi hadlang, basta ikaw ay may pangarap at determinasyon na maabot ito. Maging wais at disiplinado sa paghawak ng ating pera nang sa gayo’y lahat tayo’y umasenso. =)
Ano ang opinyon mo kabayan?
Mag-iwan ng iyong komento sa ibaba mula sa aral na napulot natin sa kwentong ating natunghayan ngayong araw.
Huwag mo rin palang kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi! =)
Hanggang sa susunod na kwentuhan ka-Noypi! ;)
To Subscribe, CLICK HERE
Disclaimer: Kung may pagkakahawig man ang mga tauhan sa kwento sa totoong buhay, ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
(Photo credit : Google images)
Disclaimer: Kung may pagkakahawig man ang mga tauhan sa kwento sa totoong buhay, ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
(Photo credit : Google images)
Read Also :
-Are You Lola Penny or Lola Pilar?
-Si Gloria, si Kunat, Si Berto, Si Wally at Si Manny
-Kurot o Dakot?
*********
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com
-Si Gloria, si Kunat, Si Berto, Si Wally at Si Manny
-Kurot o Dakot?
*********
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com
No comments:
Post a Comment