Wednesday, May 13, 2015

Paano mag-open ng UITF account? (Featuring: BDO Easy Investment Plan)



Good day, Tambayer!

Ngayong alam na natin kung ano ang UITF  at paano mag-invest dito, pag-usapan naman natin ngayong araw kung paano ka makakapag-open ng UITF account(w/ BDO, in particular) para magsimulang lumago ang iyong perang pinaghirapan pagkalipas ng ilang taon.

To recall, ang UITF o Unit Investment Trust Fund ay isang investment vehicle na karaniwang ino-offer ng mga banko para sa publiko at isang mainam na alternatibo ng pag-iinvest kung hindi ka pa handang sumabak ng direkta sa Stock Market (Read : Paano mag-invest sa UITF).

Nababagay ito sa mga ka-Noypi nating walang oras para aralin ang pasikot sikot ng Stock Market at ng iba pang investment instruments.

Para magabayan ka sa iyong pag-iinvest sa UITF, narito ang mga hakbang na kailangan mong gawin:

Step 1)Pumili ng banko

Maraming banko ang nag-ooffer ng UITF. Nariyan ang BDO, BPI, Metrobank, PNB, Security Bank , Unionbank, at iba pa. Para sa kumpletong listahan ng mga banko na miyembro ng UITF  Philippines, click HERE.

Ngunit ang pag-uusapan natin ngayong araw ay kung paano mag-open ng UITF account sa BDO.

Step 2) Ihanda ang mga requirements

Personally, nag-open ako ng UITF account sa BDO sa pamamagitan ng kanilang investment program na tinatawag na Easy Investment Plan (EIP) na kung saan pwede kang mag-invest sa UITF in a fixed amount of investment & fixed schedule of contribution.

Narito ang mga requirements kung ikaw ay mag-oopen ng account para sa BDO UITF Easy Investment Plan (EIP):
        1.)  One(1) EIP Application Form which includes the EIP Terms and Condition and Automatic Debit Arrangement Form
       2.) One(1) set of UITF Customer Account Record
       3.) One(1) set of Signature Card  
       4.) Account Opening Kit:
  •      Investor Profile Questionnaire (IPQ)
  •      Client Investment Suitability (CIS)
  •      Risk Disclosure Statement (RDS)
  •      Declaration of Investor/s
  •      Omnibus Participating Trsut Agreement
       5.) One(1) 1X1 picture
       6.) Photocopy of two(2) valid IDs

Step 3) Punan ang mga kinakailangang forms

Bukod sa application forms na ibibigay sayo ng teller para iyong personal details, mayroon din siyang ibibigay sayo na Investor Profile Questionaire(IPQ) na kailangan mong sagutan upang matukoy ang iyong goal at risk appetite pagdating sa pag-iinvest.

Huwag kang mag-alala, walang maling sagot dito, sinisiguro lang ng banko na alam mo ang pinapasok mo. =)

Dito sa questionnaire na ito, matutuklasan mo sa sarili mo kung anong uri ka ng investor. Ikaw ba ay conservative, moderate or aggressive investor? At syempre, dapat “match” ang mapipili mong uri ng UITF sa iyong risk appetite.

Kung ikaw ay isang conservative investor o yung taong takot mag-take ng malaking risk, ‘wag kang mag-iinvest sa mga high risk investment gaya ng UITF-Equity Fund at baka atakihin ka sa puso pag nakita mong nalulugi ang investment mo. Ha-ha. =)

Step 4) Pumili ng UITF na nababagay sayo

Sa nakaraang post, nalaman natin ang ibat-ibang uri ng UITF na pwedeng paglagyan ng ating pera at depende ito sa ating goal at risk appetite.

·        UITF- Fixed Income Fund
Ito ang uri ng UITF na kung saan ang pondo ay iniinvest ng Fund Manager sa mga fixed-income investment vehicles gaya ng bonds, government securities, treasury bills, money market, etc.

**Goal = At least 3 years (Short term)
**Risk Appetite = Moderate

·        UITF- Equity Fund
Ito naman ang uri ng UITF kung saan ang pondo ay iniinvest ng Fund Manager ng direkta sa stocks at bumibili ng shares ng mga publicly-listed companies ng Philippine Stock Exchange(PSE).

**Goal = More than 3 years (Long Term)
**Risk Appetite = Aggressive

·        UITF- Balanced Fund
Ito naman ang uri ng UITF kung saan ang pondo ay iniinvest ng Fund Manager sa kumbinasyon ng fixed-income securities at stocks.

**Goal = More than 3 years (Medium-to-Long term)
**Risk Appetite = Balanced

Step 5) Mag-decide kung magkano ang nais mong i-invest

Sa BDO Easy Investment Plan (EIP), maaari kang mag-invest ng “fixed amount” na gusto mo kada buwan at automatic ng ikakaltas ng BDO sa iyong savings account(kung saan naka-enrolled ang iyong EIP account) ang iyong investment amount every month. (Note: Maaari rin i-link ang iyong EIP acount sa iyong existing Checking/Payroll account).

Ang minimum investment dito ay P1,000 lang every month, kaya naman wala ka ng pwedeng idahilan pa para hindi mag-invest. =)

Note: Hindi ka obligado na mag-pondo kada buwan para sa iyong investment amount. Kung walang laman ang savings account mo, wala rin silang ikakaltas! Pero mainam na panatilihing may pondo ito at gawing habit ang pag-iipon at pag-iinvest at the same time! =)

Step 6) Pumili ng petsa kung tuwing kailan mag-iinvest

Mayroon kang options kung kailan mo gustong ikaltas ng BDO ang investment amount na gusto mo.

  •       Isang beses sa isang buwan (5th , 10th , 15th , 20th , 25th  or 30th)
  •       Dalawang beses sa isang buwan(5th & 20th  , 10th & 25th  or 15th & 30th )

Step 7) Mag-decide kung kailan kakaltasin ang unang investment

Magdesisyon kung kailan ang eksaktong petsa na kung saan ikakaltas ng banko ang iyong unang investment amount( Let say, May 25th), then every 25th of the month, automatic ng ikakaltas ng banko ang investment amount  para sa napili mong UITF.

Mainam din na mag-set ng time frame kung kailan mo ire-redeem ang iyong earnings sa iyong UITF investment(Let say, after 10 years).

Step 8) Pondohan ang iyong Savings/Checking/Payroll account

Siguruhing laging may laman ang iyong savings account(or checking/payroll account), lalo na sa araw ng kaltasan upang mapanatiling naka-invest sa napili mong UITF at ma-maximize ang earning potential nito.

Step 9) Kunin ang iyong Certificate of Participation(COP)

Kapag ang iyong investment amount ay umabot na ng P10,000 , ang katumbas nito ay isang Certificate of Participation(COP) na nagpapatunay na ikaw ay nagmamay-ari ng ilang units ng isang UITF at kung magkano na ang iyong kinita(o lugi).

Halimbawa, ang nakakaltas na investment amount sa iyong account ay P2,000 kada buwan, makakatanggap ka ng Certificate of Participation(COP) pagkalipas ng limang(5) buwan dahil ang halaga na ng iyong investment ay umabot na ng P10,000.

Maaari mong kunin ang certificate na ito kada limang buwan or hayaang maipon at saka na lang kunin sa banko kung kailan mo gusto.

Step 10) I-redeem ang iyong earnings sa UITF

Finally! Heto na ang pinakahihintay mo ka-Noypi. =)

Kapag dumating na ang itinakda mong araw para kunin ang iyong earnings (Let say, after 10 years), maaari mo ng i-redeem ito at gamitin ang iyong kinitang pera sa kung anuman ang mga goals mo para dito.

Kailangan mo lang fill-upan ang form na Notice of Redemption (to download, click here) at mag-decide kung ipapa-transfer mo ba sa savings account mo yung earnings mo o mas gusto mo ang cold cash..hmmm. ;)

Congratulations!  Pengeng balato! Hahaha. Joke! =)
***
That’s it pansit! :D

Kung nagustuhan mo ang ating artikulo, huwag mong kalimutang i-share sa iyong mga facebook friends, twitter followers at google+ cirles! =)

Ooopps! Para lagi kang updated sa makabuluhang mga artikulo na gaya nito, Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi blog!

To subscribe, CLICK HERE

Disclaimer : This article is for Information Purpose Only. Invest at your own risk!

Read Also:


 (Photo Credit:www.bdo.com.ph/personal/trust-and-investments/easy-investment-plan)

***
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com