Welcome mga ka-Noypi!
Mabuhay ang mga OFW Worldwide!!!
Bilang OFW, ang pagta-trabaho natin sa dahuyang bansa ay pansamantala lamang, kaya naman, samantalahin din natin ang pagkakataon na tayo ay kumikita ng higit sa kinikita natin nung tayo ay nagtatrabaho pa sa Pinas.
Alam ko na tayo ay nagsusumikap upang maitaguyod natin ang ating pamilya at umaasa sila sa ating mga padala. Ngunit, hindi habambuhay ay nagtatrabaho tayo, kaya naman marapat lamang na paghandaan natin ang ating kinabukasan at ng ating mga mahal sa buhay.
Ilang taon na ba tayong nagtatrabaho abroad? Napapansin mo bang paulit-ulit lamang ang proseso? Pagdating ng sweldo, ipinapadala mo halos lahat ng iyong pera sa iyong pamilya, at hindi ka pa man nakakasweldo para sa susunod na buwan, ubos na ang iyong pinadala.
Upang maiwasan ang ganitong paulit-ulit na senaryo, Simulan na nating mag-impok at mag-invest. Alamin kung paano natin mapapalago ang perang pinaghirapan natin, nang sa gayo’y sa muli nating pagbabalik-bayan ay mabigyan natin ng masaganang buhay ang ating pamilya.
Marahil tinatanong mo ngayon, kung paano ba natin mapapalago ang ating pera? Kung ikaw ay matagal ng tumatambay dito sa Dizkarteng Noypi, marahil alam mong iminumungkahi ko ang pag-iinvest sa stock market, ngunit may mga nagtatanong sa akin na paano daw kung hindi pa siya handang sumabak sa mundo ng Stock Market, Ano ang iba pang alternatibo sa stock market ang pwede niyang pag-investan? Ito ang ating tatalakayin sa araw na ito.
Enjoy Reading! Huwag kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi!
Alternatibo sa Stock Market: Iba pang investment options para sa mga OFW
![]() |
photo credit |
1.) Mutual Fund
Kung hindi ka pa handa na direktang mag-invest sa stock market o kasalukuyan mo pa lamang itong inaaral, isa ang Mutual Fund sa pinaka-mainam na alternatibo para dito na kung saan ang iyong pera (kasama ang pera ng iba pang investors) ay maingat na inilalagak ng tinatawag na “Fund Manager” sa ibat-ibang investment vehicles gaya ng stocks, bonds, government securities at iba pa.