Monday, February 24, 2014

Alternatibo sa Stock Market: Iba pang investment options para sa mga OFW



Welcome mga ka-Noypi!

Mabuhay ang mga OFW Worldwide!!!

Bilang OFW, ang pagta-trabaho natin sa dahuyang bansa ay pansamantala lamang, kaya naman, samantalahin din natin ang pagkakataon na tayo ay kumikita ng higit sa kinikita natin nung tayo ay nagtatrabaho pa sa Pinas.

Alam ko na tayo ay nagsusumikap upang maitaguyod natin ang ating pamilya at umaasa sila sa ating mga padala. Ngunit, hindi habambuhay ay nagtatrabaho tayo, kaya naman marapat lamang na paghandaan natin ang ating kinabukasan at ng ating mga mahal sa buhay.

Ilang taon na ba tayong nagtatrabaho abroad? Napapansin mo bang paulit-ulit lamang ang proseso? Pagdating ng sweldo, ipinapadala mo halos lahat ng iyong pera sa iyong pamilya, at hindi ka pa man nakakasweldo para sa susunod na buwan, ubos na ang iyong pinadala.

Upang maiwasan ang ganitong paulit-ulit na senaryo, Simulan na nating mag-impok at mag-invest. Alamin kung paano natin mapapalago ang perang pinaghirapan natin, nang sa gayo’y sa muli nating pagbabalik-bayan ay mabigyan natin ng masaganang buhay ang ating pamilya.

Marahil tinatanong mo ngayon, kung paano ba natin mapapalago ang ating pera? Kung ikaw ay matagal ng tumatambay dito sa Dizkarteng Noypi, marahil alam mong iminumungkahi ko ang pag-iinvest sa stock market, ngunit may mga nagtatanong sa akin na paano daw kung hindi pa siya handang sumabak sa mundo ng Stock Market, Ano ang iba pang alternatibo sa stock market ang pwede niyang pag-investan? Ito ang ating tatalakayin sa araw na ito.

Enjoy Reading! Huwag kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi!


Alternatibo sa Stock Market: Iba pang investment options para sa mga OFW

photo credit


                                                                                              
      1.)    Mutual Fund

Kung hindi ka pa handa na direktang mag-invest sa stock market o kasalukuyan mo pa lamang itong inaaral, isa ang Mutual Fund sa pinaka-mainam na alternatibo para dito na kung saan ang iyong pera (kasama ang pera ng iba pang investors) ay maingat na inilalagak ng tinatawag na “Fund Manager” sa ibat-ibang investment vehicles gaya ng stocks, bonds, government securities at iba pa.



Sa halagang P5,000 (kasing halaga ng pag-open ng account sa COL Financial, isang online stock broker), maaari ka ng makapag-open ng account sa Mutual Fund.

Ang advantage ng pag-iinvest sa Mutual Fund, hindi mo na kailangang bantayan ang galaw ng merkado at ang iyong pera ay pinamamahalaan ng isang professional fund manager. Ngunit ang disadvantage naman nito ay medyo may kalakihan ang “management fee” kung ikukumpara sa pag-iinvest ng direkta sa stock market via online stock broker.

Para sa mga nais mag-open ng account ng Mutual Fund, mangyari lamang na bisitahin ang website ng Philippine Investment Funds Association o PIFA sa www.pifa.com.ph  para sa kumpletong listahan ng mga accredited mutual fund companies sa Pilipinas.

      2.)    Unit Investment Trust Fund (UITF)

Ang  Unit Investment Trust Fund o UITF ay isa ring mainam na alternatibo sa Stock Market investing. Gaya rin ito ng Mutual Fund na kung saan ay ipinagsasama-sama ang pondo mula sa ibat-ibang investor o tinatawag na “pooled funds” at inilalagak sa ibat-ibang investment vehicles gaya ng stocks, bonds, government securities, at iba pa.

photo credit

Ang UITF ay karaniwang ini-o-offer ng mga banko at napakaliit lamang ng investment para dito. Alam mo bang sa halagang P1,000 kada buwan ay maaari ka ng mag-invest para dito? Kaya kung nais mong mag-open ng account ng UITF, mangyari lang na magtungo sa iyong paboritong banko sa inyong lugar.

In my case, nung nagbakasyon ako sa pinas, nag-open din ako ng account ng Unit Investment Trust Fund(UITF) via Banco De Oro(BDO). Napakaliit lamang ng investment(Starting from P1,000) at sobrang convenient dahil ang pag-pondo ay “automatic” na dahil ang aking account sa UITF ay connected sa aking BDO savings account. Buwan-buwan, automatic ng kinakaltas ng BDO ang P1,000 na pondo para sa aking UITF account(saving & investing at the same time!).

Mag-inquire na sa pinakamalapit na banko sa inyong lugar!

Para sa mga nais mag-open ng account ng Unit Investment Trust Fund(UITF) sa BDO, pwede kang mag-inquire sa kanilang website, click HERE.


      3.)    Bonds (Treasury Bonds & Corporate Bonds)

 Ang Bonds ay isa pang magandang alternatibo sa stock market. Ito ay isang investment instrument na ginagamit ng mga kumpanya o ng gobyerno upang  “umutang” sa publiko para sa pagpapalawig ng kanilang pondo.

photo credit
Kung nais mo ng medyo ligtas at siguradong kita(fixed rate of interest), ang pag-invest sa Bonds ang isang magandang alternatibo kaysa ilagay ang lahat ng perang ating pinaghirapan sa simpleng savings account lamang.Tandaan, ang savings account ay hindi maituturing na investment dahil ang interest na makukuha natin dito ay kinakain lamang ng inflation. Karaniwang nasa 1%-2% lamang kada taon ang interest sa isang simpleng savings account habang ang inflation rate ay nasa 5%. Samantalang ang Bonds ay nagbibigay ng mas mataas na interest mula 8% o higit pa kada taon. (Ngunit kailangan pa rin natin ng savings account para sa ating “Emergency Fund” ).

Paano tayo kikita bilang investor sa Bond Fund?

Halimbawa, nag-invest ka ng halagang P100,000 sa isang partikular na Bond Fund na may 8% coupon rate kada taon na may maturity date na hanggang sampung(10) taon. Makakatanggap ka ng halagang P8,000 taon-taon hanggang sa susunod na sampung taon na walang kahirap-hirap at makukuha mong muli ang “principal money” na P100,000 na iyong in-invest after the maturity date. It is purely “passive income” every year para sayo bilang investor.

Sa mga kababayan nating OFW, maari nyo itong ikonsidera kapag nagbakasyon kayo sa Pinas. Bumisita na sa pinaka-malapit na banko sa inyong lugar at mag-inquire tungkol sa Bonds, na inaalok ng gobyerno o ng malalaking kumpanya.

***

Ito ang mga popular na alternatibo kung ikaw ay hindi pa handang mag-invest ng direkta sa stock market ngunit marami pang ibang investment opportunities ang maaaring paglagyan ng ating pinaghirapang pera gaya ng Real Estate,Traditional Business, Forex, Insurance,  Network Marketing at iba pa.

Nawa’y nakatulong sa inyo ang post na ito mga ka-Noypi na maliwanagan kayo sa mga alternatibong paraan ng pag-iinvest bukod sa stock market.

Ang post na ito ay hindi lamang para sa kababayan nating OFW, ito ay para sa lahat ng mga taong nais ng pagbabago sa estado ng kanilang buhay-pinansyal. Kung nais mo ng pagbabago, gumawa ka ng bago! Take charge of your financial future, start to invest now!

Kung may natutunan ka sa post na ito, maaari bang ibahagi mo rin ito sa iyong mga kaibigan at mahal sa buhay?
“Fight POVERTY! Spread financial LITERACY!”
Share this post to your facebook friends, twitter followers & google+ circles..:)

See you in my next post mga ka-Noypi!

To receive updates of new posts in your email, Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi!

Read Also:





(DISCLOSURE: I'm not an "expert" or financial adviser nor licensed stockbroker. Invest at your own risk).



HAPPY INVESTING EVERY JUAN!!! :)
**********


 P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories direct to your email. SUBSCRIBE NOW!

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
 
P.S.3      Do you want to gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?
 Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best 

 decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people 

 become rich"


 Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now 

 investing in the Stock Market each month!


I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now!


Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com