Kamustasa mga ka-Noypi! :)
Unang blog post sa taong 2014..:)
Bagong Taon. Bagong Pag-asa.
Kung hindi mo man natupad ang mga goals mo nung nakaraang taon, huwag ka mawalan ng pag-asa.
Ito ang bagong simula upang ayusin ang mga bagay na hindi mo nagawa sa nakalipas na taon gaya ng pag-iipon at pag-iinvest. Ika nga “New year is another blank page of your life, write your goal on it”
Simulan mo ang iyong financial journey dito sa Dizkarteng Noypi at matutong mag-invest sa Stock Market. Kung hindi ka pa ready na mag-invest sa Stock Market , marami pang ibang investment vehicles na pwede mong pasukin. Ang mahalaga ay “Magsimula Ka”. Nariyan ang Mutual funds, UITF, Bonds at iba pa.(tatalakayin natin ang mga ito sa mga susunod na araw).
Anyway, back to our topic for today which is kung paano pondohan ang ating COL account kung tayo ay nasa labas ng bansa (or nasa malayong probinsya). Ito ay para sa mga kababayan natin na nakapag-open na ng account sa COL Financial. Kung di ka pa nakapag-open ng account, punta ka DITO.
How to fund your COL account while abroad
May apat na paraan upang mapondohan ang COL account, gaya ng mga sumusunod:
· Online Bills Payment
· Over-the-Counter Bills payment
· Direct Payment at COL Financial Business Center
· Overseas Remittance
Halos lahat ng ito ay applicable kung ikaw ay nasa Pinas, ngunit sa kabilang banda kung ikaw naman ay nasa labas ng bansa, Ang option mo na lang ay either through Online Bills Payment or via Overseas Remittance, at ito ang pag-uusapan natin sa araw na ito.
(Kung ikaw ay nasa Pinas, Read my previous post “Step-by-Step guide kung paano mag-open ng account with COL Financial”, or click HERE)
OPTION 1 : Online Bills Payment
Bilang OFW, mas convenient para sa atin kung mayroon tayong bank account ng either BPI, BDO or Metrobank. Madali nating mapopondohan ang ating COL account through Online Bills Payment.
Narito ang Step-by-Step procedure kung paano i-enroll ang COL Financial as a biller at kung paano ito pondohan:
1.) Bank of the Phillipine Islands (BPI)
Personally, I’m using BPI Online Bills Payment facilities, Kaya ipapakita ko sa inyo ang screen shots kung paano i-enroll ang COL Financial bilang “Biller” at pagkatapos nito, pwede na nating pondohan ang ating COL account.
To Enroll COL FINANCIAL as a “biller”
STEP 1: I-type mo sa iyong browser ang website ng BPI : www.bpiexpressonline.com
STEP 2: i-Click ang Personal Log-in, i-type mo ang iyong username at password.
STEP 3 : Under Payments & Reloading, i-click mo ang Bills Payment at pagkatapos, ang Enroll All Other Bills.
STEP 4 : Punan ang mga kinakailangang detalye:
- Your ATM Card Number
- Joint Account Indicator(JAI) No. (Ito yung 2-digit na makikita mo sa kanang bahagi ng iyong ATM card).
- Bill Information (Hanapin ang COL Financial, Inc.(COL) sa listahan ng mga Company Name).
- Reference Number (i-type mo dito ang iyong COL account number).
STEP 5 : Click the Submit button.
Makakareceive ka ng confirmation email from BPI kung “successful” ang iyong transaction.
Pagkatapos nating i-enroll ang COL Financial as a biller, pwede na nating pondohan ang ating COL account.Narito ang mga hakbang:
To Fund COL FINANCIAL Account:
Step 1: Under Payments & Reloading, go to Bills Payment, pagkatapos, i-click ang Pay Bills Today.
Step 2: Punan ang mga kinakailangang detalye:
- Pay
i-click mo ang arrow down at piliin ang COL account number mo (ex. COL 12345678)
- The amount of
i-type ang amount na nais mong ipondo sa iyong COL account (ex. 10000)
- From my account
i-click ang arrow down at piliin kung saang account mo gustong ikaltas ang pondo para sa iyong COL account (ex. SAVINGS ACCOUNT)
- Additional Reference Number
Huwag punan ang bahaging ito.hayaan lamang na blanko.
- Remarks
Ito ay reminder lamang para sa iyo upang maalala mo ang iyong transaction (ex. Funding for January 2014)
Step 3: i-click ang Submit button .
Kung walang problema ang iyong transactions, makakareceive ka ng email confirmation mula sa BPI kung successful ang iyong funding.
2.) Banco De Oro (BDO)
I’m not using BDO for funding of my COL account, kaya this time,walang screenshots na available.
STEP 1: I-type mo sa iyong browser ang website ng BDO : www.mybdo.com.ph
STEP 2: I-click ang Add Company/Biller icon.
STEP 3: Punan ang mga kinakailangang mga detalye:
- Company/Biller Name
hanapin ang COL Financial, Inc.(COL) sa listahan ng mga Company Name.
- Subscriber Number
i-type ang iyong COL Account number (ex. 1234-5678)
- Subscriber Name
i-type ang iyong buong pangalan (ex. Juan Dela Cruz)
- Preferred Nickname
i-type kung anong gusto mong itawag sa transaction mo upang madali mo itong matandaan.
STEP 4: i-check ang box under Online Banking.
STEP 5: i-click ang Submit button.
STEP 6: i-click ang OK button ng confirmation dialog box.
STEP 7: i-click ang Pay Bills icon.
STEP 8: Punan ang mga kinakailangang detalye:
- Pay from
i-click mo ang arrow down at pumili ng account number kung saan ibabawas ang pondo.
- Pay this Company/Biller
i-click mo ang arrow down at piliin ang COL Financial Inc. sa listahan ng mga company.
- Amount
i-type ang amount na nais mong ipondo sa iyong COL account (ex. 10000)
- Remarks
Ito ay reminder lamang para sa iyo upang maalala mo ang iyong transaction (ex. Funding for the month of January).
STEP 9: i-click ang OK button ng confirmation dialog box.
Kung walang problema ang iyong transaction, makakareceive ka ng confirmation e-mail mula sa BDO na nagsasabing successful ang iyong funding.
3.) Metrobank
Sa Metrobank, wala ng enrollment process, kaya naman pwede mo na agad mapondohan ang iyong COL Account. Narito ang mga hakbang.
STEP 1: I-type mo sa iyong browser ang website ng Metrobank : www.metrobank.com.ph
STEP 2: Under e-Banking Solutions, i-click ang Pay Bills.
STEP 3: Under Special Bills, Piliin ang COL FINANCIAL GROUP, INC.
STEP 4: Ilagay ang iyong COL Account Number under Subcriber/Account number field.
STEP 5: Ilagay ang iyong telephone or cellphone number.
STEP 6: Piliin kung saang account mo gustong makaltas ang pondo.
STEP 7: Ilagay ang halaga na nais mong ipondo sa iyong COL Account.
STEP 8: i-click ang Immediate Payment.
Kung walang problema ang iyong transaction, makakareceive ka ng confirmation e-mail mula sa Metrobank na nagsasabing successful ang iyong funding.
OPTION 2 : Overseas Remittance
Ang isa pang option para mapondohan ng mga kababayan nating OFW ang kanilang COL Account ay sa pamamagitan ng Overseas Remittance.
Upang mapondohan ang iyong COL Account, mag-wire transfer sa account ng COL FINANCIAL GROUP, INC. sa kanilang BDO account. Mainam na isulat sa kapirasong papel ang mga impormasyon sa ibaba sa tuwing magpopondo ng iyong account at ipakita sa ahente ng remittance center upang mas maging mabilis ang transaction ng pagtransfer ng iyong pera.
Narito ag kumpletong impormasyon na maari mong isulat at ipakita sa remittance center:
BANK NAME: Banco de Oro
ADDRESS: Ortigas Exchange Branch G/F East Tower Philippine Stock Exchange Centre, Exchange Road Ortigas Center, Pasig City, Philippines 1605
SWIFTCODE: BNORPHMM
ACCOUNT NUMBER: 343-016190-2
IN FAVOR OF: COL Financial Group, Inc. (formerly CitisecOnline.com Inc.)
ADDRESS: 2401B East Tower PSE Centre, East Tower, Exchange Road, Ortigas Center, Pasig City, Philippines 1605
For Further Credit: [Indicate your name, COL Account no. and Address]
(Note : You can download & print this in pdf file, click here)
PAALALA : Pagkatapos mong mag-wire transfer, i-email sa COL ang resibo sa remit@colfinancial.com upang ma-credit ito sa iyong COL Account.
Makakatanggap ka ng email confirmation mula sa COL Financial kung pumasok na ang pondo sa iyong COL account.
Kung nais mong mas mapabilis ang pag-credit ng pondo sa iyong account, maaring mag-email sa deposits@colfinancial.com at ilakip ang scanned copy ng resibo. Ang pondo ay karaniwang pumapasok sa loob ng 24 oras maliban na lamang kung tumapat ito ng holidays o weekends.
CONGRATULATIONS! :)
Kapag may pondo na ang iyong COL account, maaari ka ng makapagsimulang mag-invest sa stock market at mabili ang mga stocks ng mga company na gusto mo.
Pagkatapos nito, ang sunod na dapat mong gawin ay i-familiarize ang sarili mo sa COL Financial trading interface.Makakatulong sayo ang previous post ko na “Ready, INVEST..Go!” , basahin mo DITO.
Hanggang sa muli mga ka-Noypi! Goodluck sa ating investing journey! :)
Kita-kits tayong muli sa mga susunod na post!
Huwag kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi! ;)
(DISCLAIMER : I am not affiliated nor paid by COL Financial to recommend them. I'm just a happy & satisfied client. I just only share with you what I have experienced with their service & their dedication to help every investor especially, the newbies).
Read Also:
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com