Mabuhay mga ka-Noypi!
Kamustasa? ;)
Welcome to another KMSP story......!
Pagdating sa paghawak ng pera, may limang klase ng tao sa mundo. Sino ka kaya dito?
Ikaw ba ay si…..
Gloria Gastadora?
Kunat Kuripot?
Bertong Bulag?
Wally Waldas?
O si…
Manny Mapagmahal?
Alamin ang kanilang mga kwento na naglalarawan sa ating tunay na buhay at sumasalamin sa ating katangian pagdating sa pamamahala ng ating pananalapi.
Enjoy reading! Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi!
Si Gloria, si Kunat, si Berto, si Wally at si Manny
![]() |
photo credit |
# 1) Gloria Gastadora :
Si Gloria Gastadora ay namumuhay sa 100% ng kanyang income.Ibig sabihin, lahat ng kinikita nya ay napupunta lamang sa gastos. Minsan ,nagagawa nya pang mangutang ng pera , kaya naman umaabot pa sa 120% ang kanyang expenses. Hindi siya kailanman pumalya sa mga Midnight Sales, lagi siyang “present” ika nga kapag may ganitong mga pagkakataon. Ang kanyang mga credit cards ay sarado na rin dahil sa labis na pag-gamit nito .Kahit pa naisin nyang mag-alay sa diyos o yung tinatawag na “tithing” or mag-invest para sa kanyang kinabukasan ay hindi nya na magawa. Obviously, wala na siyang naiaalay sa simbahan kung hindi ang baryang sukli pagkatapos ng kaniyang mga gastusin.
# 2) Kunat Kuripot :
Si Kunat ay matipid na tao. Namumuhay siya sa 80% ng kaniyang income, dahil ang 20% ng kaniyang kinikita ay sine-save niya para sa kaniyang kinabukasan. Namumuhay siya ng may takot. Para sa kaniya, mas safe kapag alam niyang marami siyang pera sa banko. Oo nga’t safe na ilagay niya ang kaniyang pera dito, subalit ang ilagay ang lahat ng kaniyang pinaghirapan sa banko, ay hindi magandang ideya. Kapag siya ay nagretiro, Matutuklasan na lamang niya na ang kaniyang savings ay hindi sapat. At gaya ni Gloria Gastadora, ang naiaalay lamang niya sa simbahan ay barya-barya, dahil na rin sa takot niya para sa kaniyang kinabukasan.
# 3) Bertong Bulag :
Bata pa lamang si Berto ay wais na pagdating sa pera. Pagka-graduate niya ng kolehiyo, Nag-open na siya ng account sa Mutual Fund. Nag-invest na rin siya sa mga tinatawag na "blue chips" na mga kumpanya sa Stock Market, naglalagay siya sa kaniyang account ng maliit na halaga at ginagawa niya ito ng regular, buwan-buwan. Nagtayo rin siya ng negosyo, at maganda naman ang itinakbo nito. Yumaman si Berto. Ang problema lang, hindi pa rin siya makapag-alay sa Diyos o makapag-tithing, dahil para sa kaniya, ito ay gastos lang. Hindi niya na-realize na ang pag-aalay sa Diyos ay isa ring maituturing na investment—Ang pinaka-ligtas at pang-matagalang investment sa lahat.
# 4) Wally Waldas :
Si Wally ay sadyang mapagbigay sa kapwa. Sobrang galante niya pagdating sa ibang tao, ngunit hindi sa kaniyang sarili. Sapagkat hindi siya nag-invest para sa kaniyang kinabukasan. Nais lamang ni Wally na ipamahagi ang kaniyang pera sa ibang tao, kaya naman ang nangyayari, naaabuso na ang kaniyang kabaitan. Pinapayuhan na siya ng kaniyang malalapit na kaibigan, na ang kaniyang ginagawa ay hindi na nakakatulong sa iba, bagkus nagiging mga “parasites” na lamang ito na umaasa sa kaniyang ibinibigay. Ngunit nagbingi-bingihan lamang siya at hindi pinakinggan ang mga payo sa kaniya. Kalaunan, hindi na makapagbigay si Wally, kahit sa simbahan, dahil naubos na ang kaniyang pera.
# 5) Manny Mapagmahal :
Si Manny ay nag-aalay sa Diyos, nagbibigay sa ibang tao, at sa kaniyang sarili. Pagka-tanggap niya ng kaniyang sweldo, ang unang bagay na kaniyang ginagawa ay itinatabi ang 10% nito para sa “tithing”. Pangalawa, itinatabi naman niya ang 20% at inilalagak sa mga investments—gaya ng stocks, mutual funds, mga negosyo at real estate. Nagtatabi din siya para sa kaniyang “Emergency Fund”—tatlo hanggang anim na buwan ng kaniyang sweldo ang inilalagak niya sa banko. Ang pangatlo niyang ginagawa ay nililimitahan niya ang kaniyang pag-gastos sa 70% ng kaniyang income.
Sa ngayon, masagana na ang buhay ni Manny. Nakakapag-bigay na siya ng 20% para sa “tithing”, ini-invest ang 30% at namumuhay sa 50% ng kaniyang income. At kahit pa sa kaniyang pagtanda, ay maipagpapatuloy pa rin niya ang ganitong gawain, dahil na rin sa umpisa pa lang, ay natuto na siyang humawak ng kaniyang pera. (Kung interesado kang maging katulad ni Manny Mapagmahal, halika na, Sali ka na sa TrulyRich Club, ang samahan na kung saan, ay ginagabayan ni Bo Sanchez, upang maging “TrulyRich” ang lahat ng mga miyembro nito).
***
Ngayon, tatanungin kita ka-Noypi, sa kanilang lima, SINO KA?
Kagaya ka ba ni Gloria Gastadora?
O di kaya ni Kunat Kuripot?
Baka katulad mo si Bertong Bulag?
O ni Wally Waldas?
O namumuhay ka ng kapareho ni Manny Mapagmahal?
Maaaring ang kwento nila ay kwento din nating lahat…Ikaw, anong kwento mo? Paki-share mo naman sa amin..;)
I-comment mo na sa ibaba kung paano ka humawak ng iyong pera. :)
***Para maging updated sa mga latest chikka happenings, este Kwento (wink!), mag-Subscribe na sa Dizkarteng Noypi! ***
(credits: Bo Sanchez' "What's the Best Investment in the World?". Follow him at bosanchez.ph)
**********
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com