Wednesday, November 13, 2013

Ready, INVEST… Go!



Welcome sa Mundo ng Stock Market mga ka-Noypi!
Ready ka na ba to buy your first Stock?

Pero teka, wait, sandali…nakapag-open ka na ba ng account sa COL?

(Para sa mga magsisimula pa lang mag-invest sa stock market, read my post "Stock Market for beginners" CLICK HERE).

Para sa mga ka-noypi nating masigasig at nag-take na ng action at handa ng sumabak sa mundo ng Stock Market at ngayon ay nakapag-open na ng account with COL, BINABATI KITA!

Tambay ka lang dito ka-noypi, sasamahan kita sa iyong investing journey tungo sa hinahangad mong time & financial freedom!

Nakapag-open na ako ng account with COL, so what’s next?


Ready, INVEST… Go!

[photo credit]


Bago ka magsimulang bumili ng iyong unang stock, alamin muna natin ang mga basic terminologies & codes na maeencounter natin sa pag-browse natin sa COL website. Hindi naman mahalaga na i-memorize mo ang lahat ng ito, dahil hindi naman lahat ay magagamit natin sa ating investing strategy at para din hindi magmukhang kumplikado ang pag-iinvest natin. Anyway, mas maiintindihan natin ang mga ito kapag nagsimula na tayo sa pag-invest sa stock market.

  1. STOCK CODE or STOCK SYMBOL
Sa Stock Market, bawat kumpanya ay may naka-assign na code o symbol para dito. Ito ay kadalasang binubuo ng isa hanggang limang letra o kumbinasyon ng letra at numero. Ang ilang halimbawa ay ang mga sumusunod :

STOCK CODE /STOCK SYMBOL
COMPANY
JFC
Jollibee Food Corporation
AP
Aboitiz Power Corporation
BPI
Bank of the Philippine Island
ABS
ABS-CBN Corporation
GMA7
GMA Network, Inc.
BLOOM
Bloomberry Resorts Corporation
MER
Manila Electric Company(Meralco)
2GO
2GO Group, Inc.


  1. MARKET PRICE
Ito ang presyo ng bawat isang “share” ng isang partikular na stock ng kumpanya (listed companies). If the Market is open, maaaring kahit sa ilang segundo lang ay pwedeng mabago ang presyo nito depende sa mga desisyon ng mga buyers at sellers ng particular na stock.

STOCK CODE
COMPANY
STOCK PRICE
AC
Ayala Corporation
581.00
BDO
Banco De Oro
77.00
EEI
EEI Corporation
10.36
SM
SM Investments Corporation
754.00
MEG
Megaworld Corp.
3.54
TEL
Philippine Long Distance Telephone Co.
2754.00
*Note : Prices can change, time to time. Visit COL Financial or PSE website for the stock prices update.


  1.  STOCK QUOTE (BID & ASK)
Makikita mo ang table na ito kapag nais mong bumili(buy) o magbenta(sell) ng stock ng isang kumpanya. Tandaan, bago mangyari ang isang “buy” or “sell”, ang mga buyers at sellers ay dapat na magkasundo sa presyo (bidding process). Siyempre kung ikaw ang buyer, mas gusto mong mabili yung stock sa mababang halaga. Sa kabilang banda, kung ikaw naman yung seller, mas gusto mong mabenta yung stock mo ng mas mataas na halaga.


[photo credit : COL Financial]


  • BID PRICE – Ito ang presyo kung saan nais ng buyer na mabili ang partikular na stock. Ayon sa larawan sa itaas, ang pinakamataas na presyo ng stock na handang bilhin ng buyer ay sa halagang 4.12


  • BID SIZE – Ito ang dami ng shares na handang bilhin ng buyer sa partikular na presyo ng stock. Halimbawa sa itaas sa unang row, handang bilhin ng buyers ang 93,000 shares ng stock sa halagang 4.12


  • ASK PRICE – Ito naman ang presyo kung saan nais ibenta ng seller ang partikular na stock. Ayon sa larawan sa itaas, ang pinakamababang presyo ng stock na handang ibenta ng seller ay sa halagang 4.14


  • ASK SIZE – Ito ang dami ng shares na handang ibenta ng seller sa particular na presyo ng stock. Halimbawa sa itaas sa unang row, handang ibenta ng sellers ang 230,000 shares ng stock sa halagang 4.14

  1. STOCK TICKERS
Napapansin nyo ba yung mga makukulay na letra at numero na gumagalaw sa PSE board? Ito ang mga tinatawag na tickers. Nagbabago ang mga kulay ng mga letra at numero nito from time to time dahil na rin sa galaw ng presyo sa Stock Market. Kulay berde kung tumaas ang presyo nito kumpara kahapon, kulay dilaw kung hindi nagbago ang presyo nito mula kahapon at kulay pula kung bumaba naman ang presyo nito kumpara kahapon. Tingnan ang larawan sa ibaba:

[photo credit : COL Financial]


  1. BOARD LOT & PRICE FLUCTUATIONS
These are standard increments set by Philippine Stock Exchange(PSE). Ang layunin nito ay upang maging mas madali at systematic ang lahat ng mga transactions ng mga investors. Ang “minimum” amount ng shares na pwede mong bilhin o ibenta ay nakadepende sa market price ng isang stock. Tignan ang Board Lot Table sa ibaba :

[photo credit : COL Financial]
(Source: www.colfinancial.com)
Ex. A market price of P3.00/share will allow you to buy/sell a minimum of 1,000 shares or in added increments of 1,000. Any order size below its Board Lot is known as an Odd Lot and can only be traded in the Odd Lot market. The Odd Lot Market may have different pricing schemes than the Main Market.
The Price Fluctuation column shows the minimum increments of which a stock price can change.
Ex. A stock price at P3.00 may accept orders to post up or down by increments of P0.01; at P12.00 it may move up or down by P0.02.

  1. ORDER ENTRY
Congrats ka-noypi! Dito na magsisimula ang “partnership” nyo ng mga bigating businessmen sa bansa..:) pwede ka ng pumili ng kumpanya at bumili ng stocks nila. Here’s how :
Mag log-in ka sa iyong COL account, i-type mo ang iyong username at password. Pagkatapos, i -click mo yung “Trade” tab sa main menu bar, at punta ka sa “Enter Order” tab, gaya ng nasa larawan sa ibaba.

[photo credit : COL Financial]

Pag-click mo ng “Enter Order”, another window will appear. Punan mo ang mga kinakailangang detalye gaya ng  stock code, # of shares, & price then click Preview Order button para ma-review mo mga detalye ng iyong order (buy or sell).

[photo credit : COL Financial]


  1. PREVIEW SUMMARY
Dito mo makikita ang summary ng iyong “proposed” trade. Tandaan, hindi pa ito official hanggat hindi mo pa kinu-confirm ang trade by entering your password. I-review mo munang maigi ang iyong transactions, at kapag nakapag-desisyon ka na, click mo na yung Place Buy Order button. Pwede mo ring i-cancel or i-modify ang iyong order.


[photo credit : COL Financial]


  1. MODIFYING ORDERS
Maaari mong i-cancel or i-modify ang iyong order(buy or sell) by clicking on the View/Modify Order under Trade tab. Click mo yung “Cancel” kung nais mong tanggalin ang iyong order at pwede mo ring i-click ang “Modify” kung meron ka lamang nais baguhin na ilang detalye ng iyong trade gaya ng pagbabawas o pagdagdag ng Number of shares.

[photo credit : COL Financial]


Kamusta ang mga ilong natin ka-noypi, hindi pa ba nagdudugo? Nosebleed ba?!?…haha..:)
Don’t worry, hindi mo naman kailangang maintindihan lahat agad-agad. Unti-unti ,matututunan din natin ito kapag nagsisimula na tayong mag-invest sa Stock Market. Sa ngayon ang importante ay nag-take na tayo ng action. Sa mga hindi pa nakakapag-open ng account with COL Financial, you can proceed to their website, HERE.

(DISCLAIMER : I am not affiliated nor paid by COL Financial to recommend them. I'm just a happy & satisfied client. I just only sharing with you what I have experienced with their service & their dedication to help every investors especially, the newbies. Also to mention, I'm not an "expert" or professional financial adviser nor licensed stockbroker.take it at your own risk.)


May natutunan ka ba ngayong araw ka-noypi? Bakit hindi mo rin ibahagi sa iyong mga kaibigan ang post na ito..

Help me in my advocacy, spread financial literacy to every juan!

Share it to your friends on Facebook, Twitter, & Google+
ßYou can “share” this post using the floating share icons at the Left side.. :)

Nais mo bang maging updated sa mga posts about stock market gaya nito? Click mo ‘to--> Subscribe to Dizkarteng Noypi

Related Posts :






HAPPY INVESTING MGA KA-NOYPI!!! :)



**********
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com



Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com