Tuesday, December 31, 2013

Bakit hindi nag-iinvest ang mga Filipino?


Kamustasa mga ka-Noypi? :)

Ilang oras na lang, bagong taon na!!! Happy New Year Every Juan!!! :)

Siguro may mga bago ka na namang New Year’s Resolution…Well, bago nga ba? O pareho pa rin nung nakaraang New Year’s Resolution mo, na hindi mo naman natupad?hmmm..hehe. ;)

Anyway, Congratulations sa mga nakatupad ng kanilang New Year’s Resolution  sa taong 2013. :)

Matatapos na ang taon...Nag-invest ka na ba?

Sana kasama sa listahan mo ang pagsasaayos ng iyong buhay-pinansyal kabayan. Kung nais mo ng pagbabago sa iyong estadong kinatatayuan ngayon, puwes kailangan mong kumilos at planuhing mabuti ngayong taon ang iyong pananalapi. Ika nga sa kasabihan “If You FAIL to Plan, You PLAN to Fail”

Bilang year-ender ng Dizkarteng Noypi sa taong 2013, nais kong ibahagi sa inyo ang mga dahilan kung bakit “daw” hindi nakakapag-invest ang mga Pinoy!

Credit goes to the original source ng post na ito. Nakita ko ito sa aking facebook newsfeed at dahil ito ay eye-opener para lahat ng mga Pinoy, ibinahagi ko ito sa aking mga facebook friends & followers ng DizkartengNoypi fan page but I decided na i-post ko rin ito dito upang mas marami pang Pinoy ang maabot ng “mensahe” sa post na ito.

Narito...


Bakit hindi nag-iinvest ang mga Filipino?


photo credit : betterphils.blogspot.com


JANUARY: Nagbabayad pa ng utang ng dumaang pasko. Kinulang pa ang 13th month pay, daming namasko at pinapasko eh. 

FEBRUARY: Valentines day! Kakain sa labas, syempre yong sosyal na place. May regalo. Tapos chinese new year pa nga pala.
MARCH: Graduation time! Syempre ipaghahanda ng bonggang-bongga.
APRIL: Summer vacation! Travel dito, travel doon. Pupunta sa beach…
MAY: Hayss….enrollment na naman. Taas na ng matrikula sa school (nagtaka ka pa?)
JUNE: Simula na ng uma-umagang baon. Kelangan mo na rin bumili ng mga bagong gamit sa school, magbayad ng mga fees gaya ng school bus at iba pa.
JULY: Nagbabayad ka pa ng utang mo, kinapos ka sa pang tuition di ba?
AUGUST: Ghost month! Di magandang mag invest…
SEPTEMBER: mmmm…Mag-i-invest na sana, kaya lang narinig ang… whenever i see girls and boys selling lanterns on the street… ber month na pala!! Wag muna, marami kang pag-gagamitan sa pasko.
OCTOBER: Naghahanda ka na sa halloween. Syempre bakasyon uli, out of town.

NOVEMBER: 2nd sem na! Magbabayad ka na naman sa school. Di bale, malaki naman matatanggap mo next month. Bumale ka na lang sa boss mo.
DECEMBER: Pasko na  Kaso, nagastos mo na yong pera mo last month. Umutang ka na lang muna. Kailangan maidaos ng masagana ang pasko. Pano na lang kung maraming mamasko sa inyo. Baka sabihin POOR ka…
****

Medyo nakakatawa pero masakit dahil totoo. Hindi tayo nauubusan ng mga dahilan upang isantabi ang pag-iipon at pag-iinvest. Pero sana sa darating na taong 2014 ay magkaroon ka na ng “time” na simulang ayusin ang iyong finances. Learn how to save & invest. Magbasa ka ng mga blog about financial literacy, maraming mga dedicated pinoys na handang i-guide ka sa usaping pinansyal.

“Delay the Gratification. Do Not Delay the Success. Start to Save & Invest…NOW!”

Hanggang sa muli mga ka-Noypi! Nawa’y pagpalain tayong lahat sa taon ng kabayo at sipain ng swerte! Hehehe. :)

Patuloy lamang kayo sa pag-Tambay dito at huwag kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi! :)


Read Also :







HAVE A BLESSED & PROSPEROUS NEW YEAR EVERY JUAN!!! :)




**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".


Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com