Merry Christmas mga ka-Noypi! :)
Ilang araw na lang pasko na! may regalo ba ako sa inyo? Hmm…hehe.. ;)
Bilang pamaskong handog ng Dizkarteng Noypi, itatampok natin ngayong araw na ito ang kwento ng isang dating janitor sa Saudi Arabia na ngayon ay isa sa pinaka-tanyag na parol-maker sa pilipinas.
Na-featured na siya sa My Puhunan ng ABS-CBN at umani na ng maraming awards sa parol-making contest.
Kilalanin natin si Mang Rolando Quiambao!…:)
Narito ang kaniyang kwento…
Dating Janitor, ngayo’y tinaguriang “Parol King” ng Pampanga
![]() |
photo credit |
Si Mang Rolando Quiambao ay ipinanganak at lumaki sa San Fernando, Pampanga.Dahil sa hirap ng buhay, napilitan siyang mag-abroad at namasukan bilang janitor sa Saudi Arabia upang matustusan ang pang-araw araw na pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Pagkalipas ng 3 taon, nagdesisyon si Mang Rolando na umuwi na ng Pilipinas.
“Dahil passionate kami sa mga parol eh lagi kong iniisip noong janitor ako ay ang lantern festival. Isa sa mga nagpauwi sa akin ‘yang mga parol na ‘yan kasi name-miss ko ang Christmas sa atin,” ika niya.
At sa kaniyang pagbabalik, bumili siya ng pampasaherong jeep , upang magsilbi nyang hanap-buhay na mapagkukunan niya ng pang gastos sa araw-araw. Ngunit hindi sya nagtagumpay sa ganitong hanap-buhay kaya naman naghanap sya ng ibang source of income at nauwi sa pagbebenta ng mga parol na gawa ng kaniyang pamangkin, ngunit nahihirapan ang kaniyang pamangkin na magawa ang lahat ng order ng mga client, kaya naman, dito na nagsimula ang karera ni Mang Rolando sa pag-gawa ng mga parol.
Nagsimula lamang siya sa maliit na puhunan na P450.00 noong 1986. Nagkaroon siya ng malaking oportunidad ng kinumisyon siya ng noo’y Mayor ng San Fernando na si Reynaldo Aquino at inatasang mag-decorate sa mga poste ng ilaw ng lungsod.
“Tinanong ako ni Mayor Aquino kung kaya ko daw bang pasayahin ang buong San Fernando ngayong Pasko,sa pamamagitan ng pag-de-decorate sa mga poste ng ilaw. Ito ay isang atas na halos imposible para sa akin noon, dahil ang San Fernando ay nasalanta ng lahar ng mga panahong iyon”. Ika ni Ginoong Quiambao.
Ngunit dahil sa pagiging malikhain ni Mang Rolando at sa tulong at suporta ng gobyerno ng San Fernando, nagtagumpay si Ginoong Quiambao na madekorasyunan ang mga poste ng ilaw ng lungsod para sa darating na kapaskuhan.
"Noong sinindihan namin ang San Fernando, nagbalik ang lakas ng loob ng mga businessman at ng mga tao, parang ginawa nilang symbol of hope na magbalik sila sa mga bahay nila" . ika ni Mang Rolando.
![]() |
photo credit |
Pagkatapos ng oportunidad na iyon na dumating sa buhay ni Mang Rolando, nagtuloy-tuloy na ang swerte para sa kaniya. Kaliwa’t kanan ang gustong magpa-decorate sa kanya kahit ang ibang local government gaya ng Metro Manila at Lucena City.
Si Ginoong Quiambao ang muling bumuhay sa nakasanayan ng Giant Lantern Festival sa lungsod ng San Fernando. Nagbukas sya ng isang shop na kung saan ay nakapaglikha ng hanap-buhay para sa kanyang mga kababayan, at nag-co-conduct ng mga trainings sa mga ito at lumalahok sa mga exhibit para sa mga higanteng parol sa pilipinas at maging sa labas ng bansa.
photo credit |
Si Mang Rolando ay apat na beses na nagwagi sa kumpetisyon sa pag-gawa ng mga higanteng parol sa Pampanga. Kaya naman hindi kataka-taka na mahirang siyang “Hall of Famer” sa Giant Lantern Festival sa Pampanga at tawaging "Parol King". Ang kaniyang malikhaing pag-gawa ng mga parol ang siyang nagpasikat at nagpayaman kay Ginoong Quiambao. Bukod pa dito, ang kanyang “RolRen’s Lantern” ang nangungunang supplier ng parol sa bansa at nag-e-export na rin pati sa Amerika at Europa.
“Hindi ko itinuturing na negosyo ang pag-gawa ng parol, para sa akin, ito ang aking passion, masaya ako sa ginagawa ko” - Mang Rolando
Naniniwala si Mang Rolando na kung mayroon kang kakayahan o skill, hindi mo dapat ito itago, bagkus ay ibahagi mo ang iyong kaalaman sa iba, kaya naman sa ngayon,ay patuloy pa rin syang nagtuturo at nag-co-conduct ng mga trainings sa pag-gawa ng mga higanteng parol upang maipagpatuloy ang kaniyang nasimulan.
RolRen’s Lanterns and General Merchandise
1142, 11th Ave., Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, Pampanga
Telephone numbers: (045) 963-1710 / (045) 862-5156 / (0922) 821-6959 / (0932) 853-0272
Renita Quiambao, Proprietress
Rolando Quiambao, Lantern Maker/Designer
1142, 11th Ave., Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, Pampanga
Telephone numbers: (045) 963-1710 / (045) 862-5156 / (0922) 821-6959 / (0932) 853-0272
Renita Quiambao, Proprietress
Rolando Quiambao, Lantern Maker/Designer
Mabuhay ka Mang Rolando Quiambao!
(source : abs-cbnnews.com & sunstar.com.ph)
***
Disclaimer : I'm not connected with RolRen's Lantern nor paid by them to recommend their business.
Para maging updated sa mga susunod na tampok sa Uzapang BIZ-NEZ, huwag kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi! :)
Read Also :
MALIGAYANG PASKO MGA KA-NOYPI !!! :)
**********
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com