Nagtatrabaho ka at nagsisikap all these past few years para sa mas magandang financial situation ng buhay mo at yung mga kaibigan mo ay nakikita sa’yo na maganda ang kinalalabasan ng lahat ng efforts mo.
Then suddenly, isa sa mga kaibigan mo ay dumadaing sayo regarding his money problems at umaasa siya na matutulungan mo siya sa pagpapahiram mo ng pera sa kanya.
Ngayon, tinanong mo sarili mo kung anong gagawin mo pero hati yung desisyon mo. Gusto mong matulungan yung kaibigan mo pero sa isang banda, tinatanong mo naman sa sarili mo kung mababayaran ka ba nung nangungutang sayo.
Usually, yung mga nakakausap natin ng maluwag patungkol sa mga bagay na pinansyal ay yung mga malalapit sa atin. Pero kung yung nangungutang sayo ay hindi mo kilala or sa pangalan mo lang kilala at hindi naman kayo talaga close na magkaibigan, para hindi siya maoffend, pwede mong sabihin “Alam mo, alam ko na nangangailangan ka. Pasensya ka na pero hindi kasi ako nagpapautang sa mga kaibigan ko.”
Pwede mo ‘tong sabihin para hindi nakakaoffend at hindi mo inaatake yung mismong tao na humihingi sayo ng tulong.
Pero..
Paano naman yung mga kakilala mo na ng mahabang panahon? Ganoon din ba ang sasabihin mo o for the sake of friendship eh pagbibigyan mo na sila kaagad sa kanilang request?
Siguro pwede mong masabi sa sarili mo na “Friendship is more important than money. Matagal bago makadevelop ng pagkakaibigan at kaya ko naman ulit kitain yung pera”. This is true pero kailangan mo ring maintindihan na sa mga pagkakataon na may problema ang kaibigan mo sa pananalapi, hindi laging ang pagpapautang ang pinakamagandang option para tumulong.
So paano mo malalaman kung dapat ka bang magpautang? At papaano nito maaapektuhan yung sarili mong mga gastusin?
1. Alamin kung saan gagamitin.
Kapag ang isang kaibigan mo ay manghihiram sa iyo ng pera, tanungin mo kung saan gagamitin. Seryoso mo siyang tanungin dahil gusto mong makakuha ng tapat na sagot galing sa kanya.
Pagkatapos mo siyang tanungin, huwag ka agad magdedesisyon. Sabihin mo sa kanya na aalamin mo muna kung kaya ba ng budget mo na pautangin siya ng hinihiram niyang halaga. Sa ganitong paraan, magkakaroon pa siya ng ibang paraan para makahanap ng pera.
- Kung sa kabila ng sinasabi nya na siya ay may financial problem habang nagkakape sa starbucks, aba, siguradong mayroong mali.
- Maaaring tignan mo kung ano yung source niya ng income at magkano ang pursiyento ng hinihiram niyang pera saiyo. Dito makikita mo kung may kakayanan ba siyang magbayad o wala.
2. Bago mo siya sagutin ng matamis mong OO (ang cheesy)
Handa ka na ba talaga na pahiramin ang kaibigan mo ng pera? Siguro tanungin mo muna sarili mo.
Tanungin mo muna yung sarili mo, what if yung kaibigan mo ay hindi ka binayaran? I-assess mo kung ano yung maaaring maging epekto patungkol sa pagkakaibigan ninyo. Ano yung gagawin mo kung sakaling hindi siya talaga makapagbayad? Kaya mo bang tanggapin yung mga consequences, if ever bumalik siya sayo at muling manghihiram ng pera, kaya mo nang sabihing “hindi”?
Kung naconsider mo na yung mga bagay na tulad nito then maaaring handa ka na for worst case scenario. Pero kung nagaalangan ka parin, then maaring magreconsider ka ng iyong decision at siguro tulungan mo na lang siya sa ibang paraan.
Tandaan mo na hindi masamang magtanong kung paano siya makakabayad. Fair lang na tanungin mo siya kung paano siya makapag-generate ng maibabayad niya sayo. Kung hulugan ba or single payment. Pwede mo din tanungin kung ano yung payment schedule.
Kapag ang halaga ng inuutang ng kaibigan mo ay may kalakihan, if he's really in good faith na makapagbayad sayo, it's always best na gumawa kayo ng kasunduan sa papel. Para if ever magka "amnesia siya", maari mong ipakita yung papel na pinirmahan niya.
Kung mga business related naman yung reason niya kung bakit siya nangungutang, maiintindihan niya na kailangan daanin sa formal at legal na paraan ang mga bagay-bagay para hindi magkaroon ng gusot ang inyong mga transaction. Maaari mo din magamit yung kontrata na pinaka proof ng inyong pagkakaibigan.
3. If you really have to say NO
Minsan mas okay na humindi ka na lang sa umpisa kaysa paasahin mo lang yung kaibigan mo. Mas okay na kung hindi mo kaya ay maiexplain mo ng maayos yung sarili mong financial situation.
Kung tingin mo ay nanghihiram lang ng pera yung kaibigan mo para gamitin niya sa mga luho niya, ang isang pinakamagandang bagay na mitutulong mo sa kanya ay iparealize sa kanya yung mga mali niya. Pero be careful to do it in a nice way.
Minsan ang pagtulong ay dalawang bagay. Pagtulong na tama at pagtulong na mali. Magingat ka baka matulungan mo yung kaibigan mo na makagawa pa ng mas nakakasira sa kanya. Kung maipapaliwanag mo sa kanya ng maayos yung mga bagay na ganito, kung siya ay tunay na kaibigan, then he should understand.
4. Kapag tinakbuhan ka ng nangutang sayo?
Edi wow. Congratulations! Joke, pinapasaya lang kita.
Alright, kidding aside..
If this thing already happened to you then I feel sorry for you especially kung hindi ka handa at negative ang naging impact sa iyo nung tinakbuhan ka ng nangutang sayo. Pero here are possible things you can do in this kind of situation:
- Kung may written agreement kayo, then that's the number one na pwede mong gawan ng action. Take some legal actions pero please huwag ka magtatanim ng masamang budhi sa nangutang sayo. I know it's a bit hard pero yung pagtatanim sa kapwa will not do you good. It will only add harm to your health at lalo ka lang maiistress. So smile always.
- Kung walang written agreement, one of the things you can do is find him through his relatives or close friends. Then try to talk things out and settle kung ano man yung mapagusapan.
- If you can let go of that money to simply fly away, especially if it's quite big, then honestly, sobrang stable mo sigurong tao at gusto kitang makilala. Not all people have that capacity to stay calm in this kind of situations
- Another thing you can do is simply consider this incident as a learning. Always be positive you can always bend things in your head and look at things with an optimistic perspective. It's an opportunity for you to train your emotions not to react violently in bad situations. Kapag natutunan mo yung skill na ito, it's worth more than the money na nawala sayo.
Kung ano pa man ang dahilan kung bakit ka nya tinakbuhan (baka may putok ka?) eh make it sure na icompose mo lagi ang sarili mo. Oo nakakagalit pero again, walang madudulot na maganda sayo yung galit at dadagdagan lang nito yung problema sayo. baka magkasakit kapa, doble problema lang. Always look into the positive side of things and say to yourself na kaunti na lang yung mga tao na sinusuklian ng mabuti yung mga masamang ginagawa ng iba sa kanila.
***
About the author: Louren is the founder and the publisher of PowerPinoys where he writes about business and finance related topics. He is also a web developer who works for clients local and abroad.
Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog
Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)
Read Also:
-Huwag ka munang mag-invest sa stock market KUNG...
-Handa ka na bang mag-invest sa Stock Market?
-Stock Market for Beginners
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the Truly Rich Club! I joined the Truly Rich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the Truly Rich Club now! at www.TrulyRichClub.com
-Huwag ka munang mag-invest sa stock market KUNG...
-Handa ka na bang mag-invest sa Stock Market?
-Stock Market for Beginners
***
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW! P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the Truly Rich Club! I joined the Truly Rich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the Truly Rich Club now! at www.TrulyRichClub.com
No comments:
Post a Comment