Magandang araw, ka-Noypi!
Marami akong nakakausap na gusto ng mag-invest sa stock
market lalo na ng mga kagaya kong OFWs.
Ikaw, nag-invest ka na ba o gusto mo ring matutong
mag-invest?
Basahin mo hanggang dulo ang artikulong ito at sundin ang
mga tips sa ibaba.
Natutuwa ako na marami ng Pinoy ang nagnanais na maayos ang
kanilang kaperahan at palaguin ito sa pamamagitan ng pag-iinvest. Ngunit lagi
kong pinapaalala na hindi ito ganun kadali(at hindi rin naman ganun kahirap)
ngunit may may mga bagay lang na dapat munang isaalang-alang bago magsimulang
mag-invest dito.
Narito ang 6 bagay na dapat mong gawin bago ka magsimulang
mag-invest sa Stock market:
1. Mag-invest muna sa sarili
“Investing in
yourself is the best investment you will ever make. it will not only improve
your life, it will improve the lives of all those around you.” --Robin Sharma
Ang pinaka-importanteng investment sa lahat ay ang investment
mo sa iyong sarili. Kailangan mong i-improve ang sarili mo. Mag-acquire ng mga
bagong knowledge at skills lalo na sa usaping pananalapi gaya ng investments at
negosyo. Hindi ito kailanman mananakaw sayo at ito ang sandata mo para ikaw ay
magtagumpay sa buhay.
Hindi hadlang kung anuman ang estado mo sa buhay at kung
hindi ka man nakatuntong ng kolehiyo, mas importante ang pagpupursige mong
matuto. Sa ating kasalukuyang panahon, nariyan na ang internet at napakadali ng
makakuha ng mga sapat na impormasyon na makakatulong sayo para matutunan ang
mundo ng investments.
Maaari ka ring magbasa ng mga libro tungkol sa pagnenegosyo
at pamumuhunan o di kaya’y dumalo sa mga seminar na nagtuturo sa tamang
pagpaplano ng ating pananalapi at ng ibat-ibang investments na makakapagpalago
ng ating kaperahan.
2. Alamin ang iyong goals
"People with
goals succeed because they know where they're going."-- Earl
Nightingale
Importante na alam mo ang dahilan kung bakit ka mag-iinvest
in the first place. Kung wala kang malalim na dahilan o tinatarget na mga
goals, malamang ay hindi ka rin mamo-motivate na mag-invest for long term.
Tandaan, ang pagiinvest ay may kaakibat na disiplina at mahabang pasensya.
Mas madali at magiging magaan para sayo na mag-invest ng
pera kada buwan kung mayroon kang motivation at goals. Alamin ang mga goals mo
kung bakit gusto mong mag-invest. Saan mo gagamitin ang perang kikitain ng
iyong investment at kailan mo ito kukunin para sa plano mong pag-gamitan ng
iyong pera.
Tandaan mo rin na ang “investing” ay pang long term, ibig
sabihin dapat handa kang mag-invest at maghintay ng 10 o kahit hanggang 20 taon
para lumago ang pera mo sa stock market.
3. Bayaran ang utang
“Debt is like any
other trap, easy enough to get into, but hard enough to get out of.”--Henry
Wheeler Shaw
Kung mayroon ka pang mga pagkakautang, maiging bayaran muna
ang mga ito bago mag-invest. Huwag na huwag ka ring mangungutang para lang may
pang-invest sa stock market dahil tandaan mo, ang stock market ay nagtataglay
ng mataas na risk. Ibig sabihin, wala itong ginagarantiyang kita. Maaari kang
kumita at maaari ka ring malugi lalo na kung sa maikling panahon ka lang
mag-iinvest at wala ka pang sapat na kaalaman dito.
Kung wala kang utang na kailangang bayaran, maaari kang
makapagtabi ng ilang bahagi ng iyong sweldo para sa investment mo sa stock
market. Maglaan ng at least 10-20% ng iyong income para pang-invest mo every
month sa Stock Market, kung wala ka ng pagkakautang.
At higit sa lahat kung nabayaran mo na ang iyong mga utang, makakatulog
ka na ng mahimbing sa gabi dahil wala kang iniisip na obligasyon na dapat mong
bayaran. Agree?
4. Maglaan ng Emergency Fund
“There’s always
something coming in a few months that will cost money. So be prepared, build an
Emergency Fund”
Isa rin sa lagi nating pinapaalala sa ating mga readers ay
ang pagbuo ng Emergency Fund. Isa ito sa importanteng bagay na dapat mong gawin
bago pasukin ang anumang investments. Tinalakay na natin ang kahalagahan nito
sa ating nakaraang blog post( Kung hindi mo pa ito nabasa, punta ka DITO).
To recall, ang Emergency Fund ay isang uri ng pondo na
nakalaan lamang sa mga hindi inaasahang gastusin gaya ng biglaang pagkawala ng
trabaho, pagkakasakit ng pamilya, at iba
pa. Importante na mayroon ka nito upang hindi mo magalaw ang pera mo sa iyong
stock market investment kapag may mga emergency na kinakailangan mo ng pera.
Maglaan ng pondo para sa Emergency Fund na katumbas
ng mula 3 hanggang 6 na buwang gastusin mo sa isang buwan. Halimbawa, kung gumagastos
ka sa isang buwan ng halagang P10,000 ang kailangan mong ipunin para sa pondo ng
iyong Emergency Fund ay P30,000 hanggang P60,000.
5. Magdagdag ng extrang pagkakakitaan
“Never depend on
single income. Make investments to create a second source. --Warren Buffett
Bukod sa pag-buo ng Emergency Fund, makakatulong din kung maghahanap
ka ng extrang pagkakakitaan or another source of income para may extra money ka
na pang-invest every month sa stock market.
Matutong dumiskarte kung paano madadagdagan ang iyong
kinikita kada buwan. Gamitin ang iyong ‘spare time’ para kumita ng extra
income. Ngayon, pwede ka ng kumita kahit hindi ka na umalis ng bahay dahil
marami ng opportunity online na pwede mong umpisahan.
Maaari kang magbenta online ng sarili mong products or kung
wala kang sariling produkto o serbisyo na pwedeng i-alok online, pwede mong
subukan ang tinatawag na “affiliate marketing” o ang pagbebenta ng
produkto o serbisyo ng ibang tao at kumita ng commissions sa pagbenta nito.
6. Aral Muna, Bago Invest
“Intelligence
solves problems and produces money. Money without financial intelligence is
money soon gone.” --Robert Kiyosaki
At ang pinaka-importante sa lahat, aralin mo muna ang
pasikot-sikot ng stock market. Walang saysay kung basta mo na lang papasukin
ang mundo ng stock market nang hindi mo man lang alam kung paano ba ito
gumagana.
Alamin ang mga PROs & CONs ng pag-iinvest dito, sinu-sino
o anong mga ahensya ang nagpapatakbo nito, ang ibat-ibang mga estratehiya na
ginagamit sa pag-iinvest dito at kung ano ang nabagagay sa iyong risk-appetite.
Aralin din ang fundamentals at financial stability ng mga kumpanya na nais mong
pag-investan at bilhan ng shares. (Start HERE)
Kung wala kang sapat na oras para pag-aralan kung anong mga
kumpanya ang dapat mong bilhin o pag-investan, mayroong mga available na mga membership
sites na handang gumabay sayo para tulungan kang magdesisyon sa iyong
pag-iinvest sa stock market gaya ng Truly Rich Club at Pinoy Investor.
Nababagay ito sa mga OFW at mga negosyante na walang oras
para mag-aral ng fundamental analysis o masusing pag-aaral sa mga kumpanya na
kabilang sa Philippine Stock Exchange(PSE).
Disclaimer: I am an affiliate member of the
TrulyRich Club & Pinoy Investor. As a member, I will get commission from
every new member sign up using my affiliate links that can be found in this
site.
***
Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog
Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)
Read Also:
-Huwag ka munang mag-invest sa stock market KUNG...
-Handa ka na bang mag-invest sa Stock Market?
-Stock Market for Beginners
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the Truly Rich Club! I joined the Truly Rich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the Truly Rich Club now! at www.TrulyRichClub.com
-Huwag ka munang mag-invest sa stock market KUNG...
-Handa ka na bang mag-invest sa Stock Market?
-Stock Market for Beginners
***
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW! P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the Truly Rich Club! I joined the Truly Rich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the Truly Rich Club now! at www.TrulyRichClub.com
No comments:
Post a Comment