Sunday, March 6, 2016

5 Habits Na Ginagawa Ng Mga Successful Na Tao (At Kung Bakit Kailangan Mo Ring Gayahin)




Gusto mo rin bang maging successful, ka-Noypi?

Tapusin mo hanggang dulo ang artikulong ito.

Lahat naman siguro tayo ay gustong maging successful (Sino ba namang ayaw, ‘di ba?)
Pero paano nga ba tayo magiging successful sa buhay o sa larangan na ating ginagalawan?

Ang pinaka-madaling sagot ay ang gayahin kung ano ang mga ginawa o ginagawa ng mga taong naging matagumpay na sa kanilang larangan.

Narito ang 5 habits o ginagawa ng mga successful na tao na kailangan mo ring gayahin kung gusto mo ring maabot ang pinaka-aasam asam mong tagumpay.


1.) Naglalaan ng mga goals at nagpaplano

Mahirap abutin ang isang bagay na gusto mong maabot nang hindi mo alam kung ano talaga ang gusto mong abutin! (Tama ba?). Para kang naglakad sa disyerto ng walang direksyon at hindi mo alam ang iyong patutunguhan.

Ang lahat ng mga successful na tao ay nagpa-plano ng mabuti at naglalaan ng mga malinaw at specific na mga goals na nais nilang ma-achieve. Alam nila sa sarili nila kung ano ang gusto nilang makuha at paano nila ito kukuhanin.

Kaya kung gusto mo ring yumaman at maging successful sa buhay, maglaan ng mga financial goals at planuhing mabuti ang mga hakbang na kailangan mong gawin para maabot ang iyong mga pangarap.

Maging malinaw at tiyak sa kung anong nais mong marating. Isulat sa papel o gumawa ng tinatawag na "vision board" upang madalas mo itong makita at ipaalala sayo ang iyong mga pangarap na nais mong matupad sa takdang panahon.


 2.) Namumuhay ng simple at mapagkumbaba

Hindi mo kailangang mamuhay ng sobrang luho para matawag kang mayaman.  Ang mga tunay na mayayaman at successful na tao ay yaong mga namumuhay ng simple at mapagkumbaba.

Malaki ang pagkakaiba ng mga “Tunay na Mayaman” sa mga taong “Mukhang Mayaman” lang o yung mga taong namumuhay ng magarbo para lang magmukhang mayaman. Nakatira sa magarang bahay at nagmamaneho ng magagarang sasakyan pero baon naman pala sa utang (May kakilala ka bang ganyan?).

Isang halimbawa ng “Tunay na Mayaman” ay si Warren Buffett, isa sa top billionaire sa buong mundo. Nananatiling mapagkumbaba at namumuhay ng payak sa kabila ng tagumpay at yamang tinatamasa nya sa buhay.

Sa katunayan, hanggang ngayon, nakatira pa rin sya sa simpleng bahay na nabili nya noon pang 1958 kahit pa may kakayahan na syang bumili ng malaking bahay at iba pang materyal na bagay.


3.) Patuloy na ini-educate ang sarili para maging financially-literate

Para sa mga mayayaman at successful na tao, ang pag-aaral ay walang katapusan. Ang edukasyon ang pinaka-pundasyon kung bakit sila nagtagumpay at kung bakit ka rin magtatagumpay sa buhay. 

Patuloy nilang ine-educate ang kanilang sarili lalo na sa pinasyal na aspeto dahil alam nila ang kahalagahan ng pagiging financially literate at alam nilang ito ang magdadala sa kanila sa tagumpay.

Kaya kung ikaw yung tao na gustong maging successful sa kung anuman ang iyong larangang ginagalawan ngayon, kailangan mo ng patuloy na pag-sagap ng mga bagong kaalaman at mga kinakailangang skills o kakayahan para makuha mo ang iyong mga financial goals.

Mag-research sa internet upang makapulot ng mga bagong knowledge, magbasa ng mga libro at umattend ng mga seminars na makakatulong sayo para madagdagan ang iyong kaalaman at lalo pang mapaghusay ang iyong kakayahan.


4.) Naghahanap ng extrang pagkakakitaan at nag-iinvest

Kung gusto mong yumaman, hindi sapat ang isang source of income lang. Kailangan mong maghanap ng extrang pagkakakitaan o pagkakaroon ng 2nd source of income.

Kung ikaw ay empleyado, huwag makuntento sa pagiging empleyado lamang sa buong buhay mo. Dahil tandaan mo, walang empleyado ang yumaman na umaasa lang sa kanyang sweldo.

Matutong mag-invest at magnegosyo dahil ito ang paraan upang hindi mo na kailanman ipagpalit ang oras mo para kumita ng pera.

Dahil kung ikaw ay nagne-negosyo at nag-iinvest, ang pera mo na ang pinagtatrabaho mo para sayo at sa ganitong paraan, mas marami ka ng oras para sa sarili mo at sa pamilya mo.

Mapapadali din ang pag-abot mo sa iyong mga financial goals at sa inaasam mong tagumpay sa buhay.


5.) Nagte-take ng massive actions para sa mga pangarap

Ang lahat ng mga successful na tao ay mga Action-Takers. Walang mga nagtagumpay na hindi kumikilos para makuha ang mga pangarap nila. Kaya kung nais mo ring maabot ang mga pangarap mo, kailangan mo ring kumilos, ka-Noypi!

Umpisahan mo na…Ngayon! Gumawa ng maliliit na hakbang na maglalapit sa iyong mga goals. Kung ang iyong goal ay maging milyonaryo sa iyong pagreretiro, mag-take ka ng massive action ngayon para aralin ang ibat-ibang investments.

Ang pag-iipon ay hindi sapat para maabot mo ang iyong mga financial goals. Aralin ang ibat-ibang paraan para palaguin ang iyong pananalapi gaya ng pagnenegosyo at pag-iinvest.

Alamin mo kung paano mag-invest sa stocks, mutual fund, bonds, UITF at iba pang investments dahil ito ang isang paraan upang mas mabilis kang yumaman at magtagumpay sa buhay.

***

Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog

Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)


To subscribe, CLICK HERE


Read Also:

-10 Dahilan Bakit Di Ka Pa Rin Yumayaman Hanggang Ngayon

-Top 6 Ugaling Pinoy na Pumipigil Sa Pag-asenso

-10 Tips Sa Pagsasaayos Ng Ating Buhay-Pinansyal 





***
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the Truly Rich Club! I joined the Truly Rich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the Truly Rich Club now! at www.TrulyRichClub.com


Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com