Sunday, October 9, 2016

5 Smart Things Na Pwedeng Gawin sa 13th Month Pay Mo


photo credit

October na, mas madalas na ang playlist na puro Christmas songs sa malls, at nagsisimula na maglabas ng wishlist ang ibang tao. Kadalasan, ang pera na natatanggap tuwing Pasko ay ginagamit na pambili ng regalo, o di kaya ng sangkap na gagamitin para sa ihahain sa Noche Buena.

Ang 13th Month pay mo ay pwedeng ilaan din sa mga bagay na ito, ngunit meron din ibang bagay na pwedeng paglaanan nito. Pwede mong sabihin na “I deserve a reward, pinaghirapan ko ‘to.” May point rin naman yun, pero kung gusto mo ng mga mas matagal at mas malalaki na reward. 

Here are 5 smart things na pwedeng gawin sa 13th Month pay mo.

1.) Mag-buo ng emergency fund

Ibang usapan ang ipon at ang emergency fund. Ang ipon ay nilalaan para sa iba’t-bang kagustuhan o pangarap gawin. Ang emergency fund ay ginagawa para sa panahon na kailangan ng pera biglaan, katulad ng kapag biglang nawalan ng trabaho, o di kaya may pangyayari na di inaasahan.

Ang isang emergency fund ay ginagawa para merong pangastos sa panahon na gipit sa pera. Kadalasan, ang isang kumpletong emergency fund ay nakakabuo ng apat hanggang anim na buwan na panggastos sa pang araw-araw at ng mga kabayaran sa bahay.


2.) Dagdagan ang ipon

Kapag nakapag-ipon ka na, kadalasan may temptation na gastusin yun para sa mga bagay na gusto mo. Kung may mga pangarap ka na gawin, katulad ng pag-travel abroad, or pagsimula sa pagpapatayo ng sariling bahay.
Kung gusto mo na mas maaga makapunta sa ibang bansa o makuha ang iba mong pinapangarap, mas maganda na mag-laan ng parte ng 13th Month pay mo para sa ipon mo.

3.) Bayaran ang mga utang

Kung may utang ka, kahit gaano kalaki o kaliit, mas mainam na bayaran agad ang mga ito. Kung may credit card ka, tama lang na bigyan ito ng attention para maubos ang balance mo. Kung hindi naman kasing-structured ng credit card ang utang mo, mas maganda na rin na bayaran ito agad.
Mas madali nang mag-ipon kapag wala ka na inaalala na kailangang bayaran maliban sa bills. Mas dadami rin ang pera na pwedeng ilaan sa ibang bagay na mas makakabuti sa iyo.

4.) Mag-invest

Kung wala ka namang utang at naisayos na ang iyong emergency funds, pwede kang magsimulang mag-invest. Madaming paraan para makapag-simula na mag-invest na nakadepende sa kung gaano kalaki ang pera na kaya mo ipasok sa iyong investment.
Mas makakabuti na alamin mo muna ang iyong risk appetite at mag-research tungkol sa iba’t-ibang investment vehicles na pwedeng pasukan – katulad ng Mutual Funds, at ng Stocks.

5.) I-reward ang iyong sarili

Hindi naman bawal na mamili ka ng gusto mong bagay, pero mas makakabuti pa rin na ang pagkakagastusan ng pera mo ay tatagal ng paggamit, o di kaya ay isang “once in a lifetime experience.”
Depende na rin sa iyo ang pag-reward sa sarili mo para sa hirap, pawis, at dugo na nilaan mo sa trabaho. Ang kailangang alalahanin kung sakali ang plano mo ay ihati ang iyong 13th Month pay para sa ipon, investment, at emergency fund, pwede rin siyang halimbawa ng pag-reward sa lahat ng effort mo.

Huling hirit

Ang “smart thing” na pwede mong gawin sa perang natanggap ay pwede rin gawin sa iyong regular na sahod, o di kaya ay unti-unting gawin kada sahod. Naka-depende talaga ito sa iyong disiplina sa pag-budget at paggastos.



Author Bio:


Kyle Kam is a Digital Marketing Specialist of MoneyMax.ph, a financial comparison website aiming to help Filipinos save money through diligent comparisons of financial products.


***

Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog

Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)


To subscribe, CLICK HERE


Read Also:

-5 Financial Tips Para Sa Mga OFW Ngayong Pasko
-Anong Gagawin Mo Sa Christmas Bonus Mo?
-10 Tips Sa Pag-buo Ng Emergency Fund


***
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the Truly Rich Club! I joined the Truly Rich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the Truly Rich Club now! at www.TrulyRichClub.com 

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com