Welcome Tambayers!
Na-miss nyo ba ang kwentuhan natin dito sa KMSP inspiring stories collection?
Tara, magkwentuhan tayong muli mga ka-Noypi! ;)
Isa na namang kwentong may kabuluhan, katuturan at kapupulutan ng aral
ang ating matutunghayan..
Enjoy Reading! Huwag kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi!
***
Narito ang kwento...
Sa isang tahimik na nayon , nakatira ang mag-amang Jose at Ryan.
Si Mang Jose ay kilala sa kanilang lugar bilang isang mahusay na guro ng Matematika. Ilang beses syang nagawaran bilang pinakamahusay na guro sa buong bayan. Siya ay likas na matalino at kahanga-hanga ang galing pagdating sa usaping pinansyal. Katunayan, isa rin syang negosyante na nagmamay-ari ng maliliit na negosyo sa kanilang bayan.
Kaya naman ganun na lamang ang paghanga sa kanya ng kanilang mga kapit-bahay at mga kaibigan. Kakaretiro nya lang nung nakaraang taon upang matutukan ang kanyang mga negosyo at maalagaan ang kanyang nag-iisang anak na si Ryan. Nung isang taon din kasi, pumanaw ang kanyang asawa na si Lyn dahil sa malubhang karamdaman.
Si Ryan, pitong-taong gulang, grade 1 at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan kung saan dating nagtuturo ang kanyang ama na si Jose. Dito pinaaral ni Jose ang kanyang anak dahil na rin naging malaking bahagi ang eskwelahan sa kanyang buhay noong siya ay nagtuturo pa dito.
Araw-araw, naglalakad lamang si Ryan sa tuwing papasok sa eskwelahan dahil hindi naman ito kalayuan sa kanilang bahay. Araw-araw din ay napapadaan siya sa tindahan ni Aleng Nena kung saan laging nakatambay ang Tanod na si Allan kasama ng iba pang tanod ng barangay.
Minsan habang naglalakad si Ryan patungo sa kanyang eskwelahan, tinawag siya ni Allan..
“Bata, halika ka nga dito. ‘Di ba tatay mo si Jose, yung pinaka-mahusay na guro ng Math?”
“Opo.” marahang sagot ni Ryan.
“Kung magaling ang tatay mo sa Math, dapat magaling ka rin..Patunayan mo nga!.” Hamon ni Allan habang dumudukot ng barya sa kanyang bulsa.
Inilapat ang kanyang dalawang kamay sa harap ni Ryan. Ang kanang kamay ay may baryang piso at habang sa kaliwa naman ay ang limang piso.
“Sige nga, kunin mo sa aking kamay ang mas mataas na halaga, Piso o Limang Piso?”
Masayang kinuha ni Ryan ang PISO. Sabay nagtawanan sila Allan at ang iba pang tanod na nakapaligid sa bata.
“Hahahahaha..Akala ko matalino ka. hindi naman pala eh. Ang tatay mo magaling na guro sa Math, tapos hindi mo alam kung alin ang mas malaki na halaga, ang Piso ba o ang Limang Piso?!? Sayo na yang piso mo!” Sambit ni Allan habang nagtatawanan ang lahat ng tanod.
Tahimik na umalis na lamang ang batang si Ryan at pumasok na sa Eskwela…
Naulit ng naulit ang ganitong eksena.
Araw-araw kapag nakikita ng mga tanod si Ryan, palagi itong pinapipili kung alin ang mas mataas ang halaga, ang Piso o ang Limang Piso. Palaging pinipili ng bata ay ang Piso. At syempre pa, palagi syang pinagtatawanan ng mga ito.
Naging usap-usapan na sa buong bayan na ang anak ng isang magaling at matalinong guro ng Matematika ay hindi alam kung alin ang mas malaking halaga ng pera.
Nakarating na rin ang balitang ito sa mismong ama ni Ryan na si Jose nang minsang napadaan siya sa tindahan ni Aleng Nena at tinawag siya nito.
“Jose, alam mo bang tampulan ngayon ng tukso ang anak mong si Ryan!” sabi ni Aleng Nena.
“Ha? Bakit naman?” tanong ni Jose.
“Eh papano yang anak mo, naturingan daw na anak ng isang matalinong guro sa buong bayan tapos hindi alam kung alin ang mas malaki ang halaga. Lagi siyang pinapipili sa pagitan ng Piso at Limang Piso at ang lagi nyang pinipili ay ang Piso.” Kwento ni Aleng Nena.
Malungkot na bumalik ng bahay si Jose. Nasaktan sa mga negatibong naririnig tungkol sa kanyang anak.
Pagdating nya sa bahay, naabutan nya doon si Ryan na gumagawa ng kanyang assignment.
Tinawag nya ito upang kausapin.
“Ryan, anak, pumarito ka nga saglit!” sabi ni Jose.
“Bakit po ‘tay, may problema po ba?” tanong ni Ryan.
“Sabihin mo nga sa akin, Alin ang mas mataas na halaga, ang Piso o ang Limang Piso!?!”
Tanong ni Jose na tila napataas pa ang boses nito.
“Limang Piso po!” sagot ni Ryan.
“Tama! ‘Eh, Ano tong nababalitaan ko na pinagtatawanan ka raw ng mga tanod ng barangay dahil hindi mo raw alam kung alin ang mas mataas na halaga sa pagitan ng Piso at Limang Piso?!” Nagtatakang tanong ni Jose sa anak.
Ipinaliwanag ng anak kung bakit ganun na lamang ang impresyon ng lahat sa pangyayari.
“Sa tuwing papasok po ako sa Eskwelahan, lagi po akong tinatawag ni Mang Allan at ng mga tanod. Sa harap ng maraming taong naroon, Pinapipili nya ako sa hawak nyang mga barya. Sa isang kamay, hawak niya ang Piso at sa kabilang kamay naman ay ang Limang Piso. Sinasabi niya sa akin na kunin ko ang mas mataas na halaga at ang kinukuha ko ay ang Piso. Pagtatawanan nila ako at pagkatapos nun papasok na ako sa Eskwelahan. Araw-araw ito nangyayari ‘Tay, kaya naman sinasabi nilang bakit daw ang anak ng isang matalinong guro ay hindi alam ang halaga ng pera”. Paliwanag ng anak.
Lalong nalito si Jose. Alam ng anak nya na mas mataas ang halaga ng Limang Piso kaysa sa Piso pero bakit ang pinipili ng anak ay ang mas mababang halaga.
“Bakit hindi yung Limang Piso ang kunin mo?” tanong ni Jose.
Hinila ng bata ang kanyang ama sa kwarto nito at ipinakita ang isang lumang kahon ng sapatos na punong puno ng baryang tig-pi-piso at sinabi sa kanyang ama, “Kapag pinili ko ang Limang Piso, tapos na ang laro! Hindi na nila ako pagtatawanan at hindi na rin ako kikita ng pera!” :)
At diyan po nagtatapos ang ating kwento.. :D
Want more? Subscribe to Dizkarteng Noypi Now!
P.S.1 Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!
P.S.2 Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.
P.S.3 Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time? Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people become rich".
Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month! I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com
No comments:
Post a Comment