Nagtatrabaho ka at nagsisikap all these past few years para sa mas magandang financial situation ng buhay mo at yung mga kaibigan mo ay nakikita sa’yo na maganda ang kinalalabasan ng lahat ng efforts mo.
Then suddenly, isa sa mga kaibigan mo ay dumadaing sayo regarding his money problems at umaasa siya na matutulungan mo siya sa pagpapahiram mo ng pera sa kanya.
Ngayon, tinanong mo sarili mo kung anong gagawin mo pero hati yung desisyon mo. Gusto mong matulungan yung kaibigan mo pero sa isang banda, tinatanong mo naman sa sarili mo kung mababayaran ka ba nung nangungutang sayo.
Usually, yung mga nakakausap natin ng maluwag patungkol sa mga bagay na pinansyal ay yung mga malalapit sa atin. Pero kung yung nangungutang sayo ay hindi mo kilala or sa pangalan mo lang kilala at hindi naman kayo talaga close na magkaibigan, para hindi siya maoffend, pwede mong sabihin “Alam mo, alam ko na nangangailangan ka. Pasensya ka na pero hindi kasi ako nagpapautang sa mga kaibigan ko.”
Pwede mo ‘tong sabihin para hindi nakakaoffend at hindi mo inaatake yung mismong tao na humihingi sayo ng tulong.
Pero..
Paano naman yung mga kakilala mo na ng mahabang panahon? Ganoon din ba ang sasabihin mo o for the sake of friendship eh pagbibigyan mo na sila kaagad sa kanilang request?
Siguro pwede mong masabi sa sarili mo na “Friendship is more important than money. Matagal bago makadevelop ng pagkakaibigan at kaya ko naman ulit kitain yung pera”. This is true pero kailangan mo ring maintindihan na sa mga pagkakataon na may problema ang kaibigan mo sa pananalapi, hindi laging ang pagpapautang ang pinakamagandang option para tumulong.
So paano mo malalaman kung dapat ka bang magpautang? At papaano nito maaapektuhan yung sarili mong mga gastusin?