Saturday, December 14, 2013

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) -- Ang itim at Puting Bato

 


“Ang itim at Puting Bato”

(photo source : http://smilepls.com )

Maraming taon na ang nakaraan, may isang mahirap na magsasaka sa isang baryo na may malaking pagkakautang sa isang moneylender. Isang matanda at pangit na moneylender na nais pakasalan ang anak na babae ng pobreng magsasaka. Kaya nakaisip sya ng isang “proposal” upang mapangasawa nya ang anak nito.

Ang sabi nito, mapapatawad nya ang magsasaka at ang pagkakautang nito kung magpapakasal sa kaniya ang anak na babae ng magsasaka. Nagulat ang mag-ama sa tusong panukala ng moneylender. May naisip na plano ang moneylender, sinabi nito na pupulot siya ng itim na bato at puting bato at ilalagay ito sa isang bag na walang laman, at pagkatapos nito, bubunot ang babae sa bag at kukunin ang isa sa mga  bato.

  1.        Kapag nabunot ng babae ang itim na bato, ang babae ay kanyang mapapangasawa at kakalimutan na ang pagkakautang ng ama nito.
  2.        Kapag nabunot naman ng babae ang puting bato, hindi nya kailangang pakasalan ang moneylender at kakalimutan na rin nito ang pagkakautang ng ama.
  3.        Ngunit kapag hindi sya bumunot ng alin man sa mga bato, ipapakulong nito ang kanyang ama.


Nakatayo sila sa isang batuhan malapit sa sakahan. Habang sila ay nag-uusap, yumuko ang moneylender  at pumulot ng dalawang bato. Nang pinulot nito ang mga bato, napansin ng matalim na mga mata ng babae na parehong itim na bato ang pinulot ng moneylender at saka inilagay sa isang bag. Pagkatapos, pinabunot nya ang babae ng isa sa mga bato sa loob ng bag.

Imagine, kung ikaw yung babae, ano ang gagawin mo? Kung may maipapayo ka sa kanya, anong sasabihin mo?

Kung aaralin mo ang sitwasyon, mayroong tatlong posibilidad na mangyari:

  1. Hindi pipili ng bato ang babae.    
  2. Ipapakita ng babae na mayroong dalawang itim na bato sa bag at sasabihing nandaya ang moneylender.
  3. Pipili ang babae ng bato at isasakripisyo ang sarili para lang masagip ang kanyang ama sa kanyang pagkakautang at posibilidad na pagkakakulong nito.


Anong maipapayo mo sa babae na dapat niyang gawin?

Well, ganito ang ginawa nya…

Inilagay ng babae ang kanyang kamay sa bag at bumunot ng bato. Pasimple nya itong inilaglag sa batuhan kung saan mabilis itong naihalo sa iba pang mga bato roon.

“Oh, pasensya na, nailaglag ko ang bato, hindi ako naging maingat” ika nya. “Pero hayaan na natin yun, tignan na lang natin kung anong kulay ang natira sa loob ng bag, malalaman natin kung anong kulay ang nahulog na dapat na siyang nabunot ko.”

Dahil nga kulay itim ang natira sa loob ng bag, ibig sabihin, ang inaasahang mabunot nya ay ang kulay puting bato.

At dahil ayaw din naman umamin ng moneylender na nandaya sya, ginawa ng babaeng posible ang bagay na inaakala nating imposible!

Moral of the Story

“Most complex problems do have a solution. It is only that we don’t attempt to think.”

Kapag alerto ang ating isip, matalas at kalmado, mas nakakapag-isip tayo ng paraan kung paano susulosyunan ang anumang problema. Kapag ang utak mo ay tuliro, wala itong kakayanang mag-isip ng positibo at ang lahat ay nagiging blangko at miserable na para bang wala ng solusyon kang naiisip na mauuwi sa iyong pagkaka-depressed at kung minsan nauuwi pa sa pagpapakamatay.

“If we can understand the problem, the answer will come out of it because the answer is not separate from the problem!”

Gayundin, ang importanteng bagay tungkol sa problema ay hindi ang kanyang solusyon, kundi ang kakayanan nating humanap ng solusyon!

Sa susunod na makakaharap ka ng problema, sikapin mong mag-isip ng malinaw,matalas at kalmado…at siguradong mahahanap mo ang pinaka “da best” na solusyon para dito. :)
***

Nagustuhan mo ba ka-Noypi ang kwento natin sa araw na ito? Ibahagi mo rin ang kwentong ito sa iyong mga kaibigan sa facebook, twitter or google+…… ;)

Hanggang sa susunod na kwento mga ka-Noypi!

Tambay lang dito para sa mga susunod pang mga kwentong may kwenta at kapupulutan ng aral..:)



HAVE A BLESSED DAY TO EVERY JUAN!!!  :)
**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".


Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com