Mabuhay ang mga OFWs!
Welcome to another Kwento Mo Sa Pagong(KMSP) collection!
Habang nagba-browse ako ng aking facebook timeline, napukaw ang aking atensyon sa kwentong ito mula sa asawa ng isang OFW at ito ang nais kong ibahagi sa inyo sa araw na ito.
Kung ikaw ay isang OFW o nasa Pinas na may kamag-anak na OFW, siguradong makaka-relate ka sa kwentong ito.
Nawa’y mapahalagahan natin ang aral na nakapaloob dito.
Enjoy reading!
***
“Hon, padalhan mo naman ako, kasi may gusto akong bilhing shoes dito.”
“Sa uwi mo, ‘wag mong kalimutan yung pasalubong nina nanay at tatay ha?”
“Akala ko ba, may padala kang package? Ang tagal naman!”
“Punta tayo sa Cebu sa next vacation mo…”
Ilan lang ito sa mga walang katapusang requests ko sa asawa ko nung nasa abroad siya. At kapag walang favorable response, nagtatampo ako.
Nasasabi ko pa na tinitipid o pinagdadamutan niya ako. Dun na pumapasok ang pag-aaway namin, dahil hindi ko daw siya maintindihan.
Nabubuwisit ako, kasi alam ko na malaki ang sahod niya, pero bakit ang higpit niya pagdating sa pera? Di ko man masunod luho ko gaya ng sapatos, mga bags, damit at iba pang gadgets? Hayyy nakuuu…
Until dumating yung time na nagdecide kami na sumunod ako sa kanya sa banyagang bansa. At last, makakasama ko na rin siya at maipabibili ko na rin mga gusto ko, bwahahaha!
Sa eroplano pa lang, naiisip ko na ang mga bagay na gagawin ko –shopping, bakasyon, dine-out, gala to the max! Paglapag ng eroplano sa Saudi Airport, wow! Ang INIT! Humid pa! Sumasakit na ang ulo ko sa biyahe pauwi sa tutuluyan naming flat (kung tawagin ang apartment).
Latang-lata ang pakiramdam ko sa init ng klima, summer daw pala kasi! Naisip ko, huwag na muna ang shopping at gala, pahinga muna…
Dumating yung time na lalabas na kami at mamamasyal, excited pa mandin ako. Pagdating namin sa Mall at nakita ko ang mga bagay na gusto kong bilhin…bigla akong nakaramdam ng panghihinayang…
Makita ko pa lang ang tag price, gumagana na kaagad utak ko sa Riyal to Philippine Peso conversion! Napansin ako ng asawa ko at tinanong nya kung alin daw ba gusto ko, sabi ko na lang, huwag na, next time na lang…