Welcome Tambayers! :D
Sa ating nakaraang post, pinag-usapan natin ang ibat-ibang alternatibo ng pag-iinvest sa Stock Market at isa na nga rito ay ang Mutual Fund.
Kung hindi ka pa handang mag-invest ng direkta sa stocks o wala kang oras, pasensya o sapat na kakayahang i-monitor ang takbo ng merkado, maaari mong ikonsidera ang pag-iinvest sa Mutual Fund.
Ano nga ba ang Mutual Fund at paano kumikita ang mga nag-iinvest dito?
Enjoy reading! Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi!
Ano ba ang Mutual Funds?
Mutual Funds
Ang Mutual Funds ay isang uri ng investment instrument na kung saan ang pera ng mga investors (individual & corporate investors) ay pinagsasama-sama (pooled funds) at ito ay pinangangalagaan at inilalagak ng tinawatag na “Fund Manager” sa ibat-ibang klase ng investments gaya ng Stocks, Bonds, Money Market at iba pa upang lumago ang pera ng mga nag-iinvest dito.
Ayon kay Aya Laraya, isang investment advocate, Kapag nag-iinvest ka ng direkta sa Stock Market, para kang nagmamaneho ng sarili mong kotse at ikaw ang may kontrol ng manibela. Maari kang lumiko pa-kaliwa, pa-kanan, magdahan dahan or bilisan ang iyong takbo, nasa diskarte mo na yan. Pero dapat alam mo na sa iyong pagbyahe ay mayroon kang susuunging risk o panganib, kaya dapat marunong kang mag-ingat sa iyong pagmamaneho.
Ngayon, napakadali ng mag-invest ng direkta sa Stock Market sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa isang online stock broker gaya ng COL Financial, BPI trade, First Metrosec at iba pa kung saan ikaw mismo ang bumibili at nagbebenta ng iyong shares/stocks gamit lamang ang iyong computer at internet connection. Pero tandaan, Aral Muna Bago Invest!
Sa kabilang banda, kung hindi ka pa marunong “magmaneho” o kasalukuyan ka pa lamang na nag-aaral kung paano mag-invest sa Stock Market, dito papasok ang Mutual Fund!
Sa Mutual Fund, para kang sumasakay sa isang “jeep”, at kasama mo ang iba pang “pasahero” na pareho din ng ruta ng pupuntahan mo. Gaya din sa Mutual Fund na kung saan ang mga investor ay ang mga pasahero ng jeep at ang Fund Manager ay ang Drayber nito. Ipinagkakatiwala natin sa Drayber ang ating destinasyon, gaya ng pagtitiwala natin sa Fund Manager ng ating pera upang maging ligtas at lumago ang halaga nito, at gaya ng pagsakay ng jeep, kailangan nating magbayad ng pamasahe, gayundin, ang pag-iinvest sa Mutual Fund, na may kaukulan ding kabayaran o investment money.
Paano ako kikita sa pag-iinvest sa Mutual Fund?
Ang kabuuang pondo ng Mutual Fund ay hinahati hati sa maliliit na bahagi ayon na rin sa dam1 ng mga nag-iinvest dito at tinatawag ito na “share”. Ang bawat share ay may kaukulang halaga at tinatawag na Net Asset Value Per Share o NAVPS (calculated daily based on the fund’s total value divided by the total number of outstanding shares)
Maaari tayong kumita sa Mutual Fund sa pamamagitan ng tinatawag na “Price Appreciation”. Kapag tayo ay nag-iinvest sa Mutual Fund, tayo ay bumibili ng “share” ng partikular na uri ng Mutual Fund (more on this, later) base sa presyo ng NAVPS o Net Asset Value Per Share.
Ang NAVPS ay tumataas o bumababa depende kung saan iniinvest ng Fund Manager ang pera ng mga nag-iinvest dito.