Sunday, April 20, 2014

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) – Tuyo, Itlog o Sardinas?



http://sponsormoredownlines.com/?ap_id=engrjv18

Mabuhay!

Anong ulam mo ngayon ka-Noypi?  Gaya pa rin ba kahapon? Hmmm. (Ako ang ulam ko ay “pangat”, pangat-long init na kasi! Haha).  Just kidding. :D

Nagsasawa ka na ba? Gaya ng buhay mo na paulit-ulit lang ang takbo?
Aba’y baguhin mo na! Ika nga “Kung gusto mo ng pagbabago, gumawa ka ng bago!”  :D

Paano? Sa pamamagitan ng pagkilos! Ang pagpaplano ay hindi sapat kung hindi mo naman ito sasamahan ng aktwal na pagkilos… “A Plan without action is just a dream”

Welcome sa isa na namang nakakatuwa ngunit makabuluhang kwento sa Kwento Mo Sa Pagong(KMSP) inspiring  stories collection! :D


Enjoy reading! Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi!



Kwento Mo Sa Pagong (KMSP) – Tuyo, Itlog o Sardinas?
(Excerpt from “You Are Where You Are Because…” by Bo Sanchez)

photo credit


Isang araw, mayroong tatlong Construction Worker na nagtatrabaho sa tuktok ng isang gusali.

Alas-12 ng tanghali, tumunog ang bell—At ang tatlong lalaki ay umupo para kumain ng kanilang pananghalian.

Binuksan ng  unang construction worker ang kaniyang lunch box at nakitang ang laman nito ay tuyo. Ang sabi niya “Araw-araw na lang kumakain ako ng tuyo. Sawang-sawa na ako sa tuyo!  Kapag bukas, tuyo pa rin ang ulam  ko, tatalon na ako sa gusaling ito at mamamatay!”

Binuksan ng pangalawang construction worker ang kaniyang lunch box at nakitang ang laman nito ay itlog. Ang sabi niya “Araw-araw na lang kumakain ako ng itlog. Sawang-sawa na ako sa itlog!  Kapag bukas, itlog pa rin ang ulam  ko, tatalon na ako sa gusaling ito at mamamatay!”

Binuksan ng pangatlong construction worker ang kaniyang lunch box at nakitang ang laman nito ay sardinas. Ang sabi niya “Araw-araw na lang kumakain ako ng sardinas. Sawang-sawa na ako sa sardinas!  Kapag bukas, sardinas pa rin ang ulam  ko, tatalon na ako sa gusaling ito at mamamatay!”

Nang sumunod na araw, nagpunta ulit ang tatlong lalaki sa kanilang mga trabaho sa tuktok ng gusali.

Nang tanghalian na,
Umupo ulit ang tatlong lalaki para kumain.

Nang buksan ng unang lalaki ang kaniyang lunch box, napasigaw siya “Tuyo! tuyo na naman!” pagkatapos ay tumalon sa gusali at namatay.

Nang buksan ng pangalawang lalaki ang kaniyang lunch box, napasigaw siya “Itlog! itlog na naman!” pagkatapos ay tumalon sa gusali at namatay.

Nang buksan ng pangatlong lalaki ang kaniyang lunch box, napasigaw siya “Sardinas! sardinas na naman!” pagkatapos ay tumalon sa gusali at namatay.

At diyan nagtatapos ang kwento…  :D


EPILOGO :

Sa burol ng tatlong lalaki, inaalo ng tatlong biyuda ang isat-isa habang nag-iiyakan.

Nagpahid ng luha ang unang biyuda at sinabing “Hindi ko alam na ayaw pala ng asawa ko ng tuyo. Ang buong akala ko, iyon ang paborito niya. Kaya palagi akong naglalagay ng tuyo sa kaniyang lunch box araw-araw.”

Ang pangalawang biyuda ay umiiyak, “Ako rin! Hindi ko rin alam na ayaw na pala ng asawa ko ng itlog. Kaya palagi ko siyang pinaghahandaan ng itlog araw-araw.”

Ang pangatlong biyuda ay umiiyak ngunit sinabing “ Hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan ninyong dalawa…”

“Baakitttt?” tanong ng dalawang biyuda.

Sagot niyaDahil ang asawa ko mismo ang naghahanda ng kaniyang sariling baon tuwing umaga…”

**
Nakakatawa ba?

Tuwing umaga, ang pangatlong construction worker mismo ang nagluluto ng sardinas at inilalagay niya sa kanyang lunch box. Subalit pagdating ng pananghalian, Pagbukas niya ng kanyang lunch box, nagugulat pa rin siya at nagrereklamo, Sardinas na naman?!”

Ganitong ganito ang eksena sa karamihan sa atin.

Hindi nila alam na Tayo mismo ang naghahanda ng ating sariling pananghalian.

Huwag kang magreklamo kung nabuburo ka na sa trabaho mo, kung bakit hindi pa rin tumataas ang sweldo mo, o kung bakit ganyan pa rin ang sitwasyon mo hanggang ngayon…Dahil…Tayo ang naghahanda ng ating sariling pananghalian.

Paano? Sa pamamagitan ng PAGKILOS.

Subalit ito ay isang magandang balita.

Kapag napagtanto mo na tayo mismo ang naghahanda  ng ating sariling pananghalian, at kapag hindi mo ito nagustuhan, eh ‘di maghanda ka ng iba!!!



source credit : Bo Sanchez
**

Nagustuhan mo ba ang ating kwento ngayong araw ka-Noypi?

Ibahagi mo rin ito sa iyong mga kaibigan, kapatid, kapuso at kapamilya! :D
You can use the “share icons” na matatagpuan nyo sa blog na ito..

Maraming Salamat po. :)

Hanggang sa muli..Kita-kits ulit tayo sa susunod na kwentuhan..

Huwag kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi!


Read Also:





HAVE A BLESSED DAY MGA KA-NOYPI!!! :)




**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com