Friday, March 21, 2014

Kwento Mo Sa Pagong (KMSP)- Si Mang SAY, Mang SAK, at Mang SWA


http://sponsormoredownlines.com/?ap_id=engrjv18


Mabuhay!

Welcome to another KMSP inspiring story!

Nagmamadali ka bang yumaman ka-Noypi? Alam mo ba na sa ating pagmamadali ay lalo lang tayong nagkakamali?!

Dahan-dahan lang. Sabi nga ni Bro.Bo, “Dream big dreams, but always start small. Be patient with your progress. Never hurry your growth

Huwag magmadali. Magplanong mabuti at gawin ang mga nararapat gawin.
Magbubunga rin ang lahat ng itinanim natin. Darating din ang tamang panahon para sa atin.

Nais kong ibahagi sa inyo ang isang kwento na tumatalakay sa kahalagahan ng pagiging matiyaga natin pagdating sa paghihintay ng ating pag-asenso sa buhay.

Enjoy Reading! Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi!



Kwento Mo Sa Pagong (KMSP)- Si Mang SAY, Mang SAK, at Mang SWA

(Excerpt from “Be patient with your progress, align yourself to God’s timing” by Bo Sanchez)
photo credit

Noong 16th century, mayroong naaaaaaaaaapaka-yamang haciendero na nagmamay-ari ng halos ng buong probinsya. Subalit tumatanda na siya at wala siyang mga anak na pwedeng magmana ng kaniyang napakalawak na mga lupain. 

Kaya nagdesisyon siya na ipamahagi na lamang ito sa kaniyang tatlong tapat na magsasaka, sina Mang Say, Mang Sak at Mang Swa.

Isang araw, ipinatawag niya ang mga ito sa kanyang bahay upang kausapin. Nakatayo sa balkonahe ang tatlo kasama ng matandang mayaman, nakatanaw sa napakalaking lupain na nakapalibot sa kanila. At sinabi nito sa tatlong magsasaka, “Ipinagkakaloob ko sa inyong tatlo ang lahat ng aking pag-aaring lupain”

Naluha sa sobrang kagalakan ang tatlong magsasaka at lubos na nagpasalamat sa matandang mayaman.

At iniabot nya sa bawat isa ang pulang bandera. Mang Say, mapapasayo ang lupain sa gawing hilaga. Mang Sak, Mapapasayo naman ang gawing Silangan. Mang Swa, mapapasayo naman ang gawing Kanluran. Narito ang dapat gawin ng bawat isa sa inyo. Alas-8 ng umaga ngayon. Simulan nyong maglakad ng kahit gaano kalayo na kaya nyong lakarin, at kung saan nyo itinanim ang banderang iyan, iyan ang magsisilbing hangganan ng inyong pag-aaring lupain. Mayroon lamang akong isang kundisyon, kailangan nyong bumalik dito sa aking bahay ng Alas-5 ng hapon para pumirma ng kontrata na magpapatunay na sa inyo na ang lupain na iyan.Lakad na! “

Si Mang SAY ay naglakad ng isang oras

Nagsimulang maglakad si Mang Say ng marahan, maingat at may halong pag-aalinlangan. Habang papalayo ay lalo namang bumabagal ang kanyang paglalakad. At bawat hakbang, tila nakakaramdam siya ng pagkabalisa. Hindi siya mapakali habang naglalakad, panay ang lingon nya sa bahay ng matandang mayaman sa kanyang likuran. Bakas sa kanyang mukha ang takot at pangamba. Di kalaunan, ang bawat hakbang niya ay naghahatid ng sakit sa kanyang pakiramdam. At pagkalipas ng tatlumpong minuto, hindi na siya makaabante pa. Itinanim nya ang pulang bandera sa lupang kaniyang kinatatayuan at nagsimulang naglakad pabalik sa bahay ng may-ari ng mga lupain.

Bandang alas-9 ng umaga, dumating siya sa bahay ng matandang mayaman. Laking gulat ng matanda nang makita niya si Mang Say. Tinanong niya ito, “Mang Say, bakit bumalik ka agad? Sigurado ako, napakaliit lamang ng iyong pag-aaring lupain. May nalalabi ka pang pitong oras upang ariin ang marami pang lupa!”

Nakayuko at marahang sumagot si Mang Say. “ Patawarin niyo ako, masyado na akong nababahala na magkaroon ng ganito kalaking lupain. Sa aking palagay, hindi ako karapat-dapat na mag-ari ng kahit na ano. Isa lamang akong mahirap na magsasaka. Ang aking ama ay isang mahirap na magsasaka. Lahat ng aking tiyuhin ay mahirap na magsasaka. Ang aking Lolo ay mahirap na magsasaka. Ang Tatay ng aking Lolo ay mahirap na magsasaka…”

Napa-buntong hininga na lamang ang matanda na may halong panghihinayang habang inaabot kay Mang Say ang kanyang kontrata, “Kung iyan ang iyong gusto, ‘Yan ang makukuha mo. Pumirma ka dito at ang lahat ng lupang nilakaran mo ay sa iyo na.”

Ngunit sina Mang Sak at Mang Swa ay patuloy paring tumatakbo…

Si Mang SAK ay naglakad ng apat na oras

Hindi gaya ni Mang Say, Walang naging problema si Mang Sak habang naglalakad.
Sa katunayan, mabilis siyang naglakad, pakanta-kanta pa at napakasaya habang tinatahak ang kaniyang direksyon. Dahil alam niya, na napakaimportante ng araw na iyon. Ito ang araw na maaring magpabago sa kaniyang buhay… habambuhay!

Sa totoo lang, naglakad siya ng napakabilis sa loob ng apat na oras, mula alas-8 ng umaga hanggang Alas-12 ng tanghali. Pagkatapos niyang itanim ang hawak niyang pulang bandera sa lupa, nagpahinga muna siya sa loob ng isang oras, upang maireserba nya ang kaniyang hininga pagbalik sa bahay ng matanda. Bandang ala-una ng hapon, Naglakad na siya pabalik sa bahay ng may-ari ng mga lupain, at dumating doon saktong alas-5 ng hapon.

Naghihintay sa kaniya ang Matandang may-ari ng mga lupain, na may ngiti sa kaniyang labi.
“Magaling! Mang Sak, Napakalawak ng nakuha mong lupain…”

“Marami pong salamat, Sir. Dahil sa inyo, mayaman na ako. At gaya nyo, marami na rin akong matutulungang kapwa ko mahirap.” Ika ni Mang Sak.

Iniabot ng matanda ang kontrata kay Mang Sak.

”Pumirma ka dito at ang lahat ng lupa na nilakaran mo, mapapasayo na Mang Sak!” Sabi ng matanda.

Habang pumipirma ng kontrata si Mang Sak, Nakatanaw ang matanda sa kalayuan sabay tinanong si Mang Sak, “Napansin mo ba si Mang Swa? Lagpas na ng alas-5 ng hapon ngayon.”

“Sir, bigyan mo pa siya ng mga ilang minuto pa. Baka mahuhuli lang siya ng kaunti.” Sabi ni Mang Sak.

Hindi pa humihinto sa pagtakbo si Mang Swa

Sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyari kay Mang Swa.

Hindi gaya ni Mang Sak, Hindi lang basta naglakad si Mang Swa. Tumakbo siya!

Hindi siya tumigil sa pagtakbo kahit Alas-12 ng tanghali. Ayaw niyang huminto.
Sinasabi ng isip niya na “Tumigil ka na!”  ngunit sinasabi naman ng damdamin nya, “Sige, Takbo pa!”

Sinasabi ng isip niya na tumigil na siya sa pagtakbo dahil kailangan niya ng sapat na oras upang makabalik sa bahay ng matandang mayaman. Subalit sinasabi ng damdamin niya na,
“Huwag mong palampasin ang pagkatataong ito para makapag-ari ka ng maraming lupain!, minsan lang ito mangyayari sa buhay mo! Biruin mo, lahat ng mahahakbangan mo ay mapapasayo!”

Bandang Ala-una ng hapon, tumatakbo pa rin siya ng pagkalayo-layo, nabubulag ng kanyang paghahangad na makapag-ari ng maraming maraming maraming lupain…

Bandang Alas-dos ng hapon, tumatakbo pa rin siya ng pagkalayo-layo.
Bandang Alas-tres ng hapon, tumatakbo pa rin siya ng pagkalayo-layo.(Ito ang masaklap na katotohanan para sa taong sakim. Akala niya kapag binilisan niya, makakapag-ari siya ng maraming marami, pero ang totoo, mas marami ang mawawala sa kaniya.)

Bandang Alas-kwatro ng hapon, napilitan ng itanim ni Mang Swa ang pulang bandera sa lupang kinatatayuan niya, tumalikod sabay sabi sa sariling, “Mas bibilisan kong tumakbo pabalik! Kaya ko ‘to!”

Ngunit posible nga ba? Paano siya makakatakbo sa parehong distansya na tinakbo niya sa loob ng walong oras at ngayon, mayroon na lamang siyang nalalabing isang oras para makabalik?!

Babala: Ang taong nabubulag ng kaniyang kasakiman ay hindi na nakakapag-isip ng tama!

Bandang Alas-5 ng hapon, maraming kilometro pa ang layo sa bahay ng matandang mayaman, Si Mang Swa na tumakbo ng siyam na oras na walang tigil, ay humawak na sa kaniyang naninikip na dibdib at tumumba sa lupa. Hindi na kinaya ng puso niya ang sobrang pagod. Inatake sa puso si Mang Swa. Namatay siya sa mismong lupa na sana ay mapapasa-kanya.

Sa bandang huli, binigyan pa rin naman ng kapirasong lupa ng matandang mayaman si Mang Swa. Hindi kalakihan. Sa katunayan, may sukat lamang ito na 4’ x 8’, yun ang mismong pinaglibingan sa kaniya.

***
Ang tatlong Aral :

Aral mula sa kwento ni Mang Say : Tanggapin ang biyaya

Siyanga pala, ang buong pangalan ni Mang Say, ay Mang Sayang.

Marami ang mga kagaya ni Mang Sayang sa mundo. Hindi nila naiisip na nais ng diyos na bigyan sila ng kasaganahan sa buhay, ngunit hindi nila ito tinatanggap. Dahil masyadong mababa ang tingin nila sa kanilang mga sarili. Hindi sila nangangarap ng mataas. Ang iba sa kanila, ay wala talagang pangarap. Kaya kapag pinagkakalooban sila ng biyaya mula sa diyos, hindi nila ito tinatanggap.Hindi nila alam na kaya sila binibigyan ng “biyaya” ay para makapagbahagi din sa iba na nangangailangan.

Hindi naiintindihan ng karamihan, na kapag binibigyan ka ng biyaya ng diyos, hindi ito para sayo, ito ay para sa iba.

“He gives you a blessing so that you’ll become a blesser.”


Aral mula sa kwento ni Mang Swa: Huwag maging sakim

Ang totoong pangalan ni Mang Swa ay Mang Swapang.

May mga taong nabubulag ng kanilang kasakiman. Masyadong sinasamantala ang pagkakataon na minsan hindi na nakakapag-isip ng tama.

Gaya na lamang ng nangyari kay Mang Swa, dahil sa paghahangad na makapag-ari ng maraming lupain, hindi lamang siya basta naglakad, kundi tumakbo ng tumakbo ng tumakbo! Mula Alas-8 ng umaga hanggang Alas-4 ng hapon--walong oras na walang tigil sa pagtakbo. Alas-4 na ng hapon na nagdesisyon siyang bumalik sa bahay ng may-ari ng mga lupain. Sa palagay mo ba, kakayanin niya yun? Magagawa niya bang takbuhin ang parehong layo na tinakbo niya ng walong oras, sa loob lamang ng natitirang isang oras? Malamang hindi ‘di ba?!

Minsan ang umiiral sa atin ay ang ating emosyon, at hindi na tayo nakakapag-isip ng maayos. Masyado tayong nagmamadali sa ating pag-asenso, at sa pagmamadali natin,lalo lamang tayong napapahamak at nagkakamali.

“Never hurry your growth, because when you’re in a hurry to grow, you’ll make all sorts of disastrous mistakes.”


Aral mula sa kwento ni Mang Sak: Magbalik sa nagkaloob

Mang Sak ang palayaw niya. Ngunit ang tunay nyang pangalan ay Mang Saksess.

Bakit siya naging matagumpay? Yan ay dahil hindi siya naging sakim!
Hindi siya nagmadali at nagsamantala. Alam nyo ba kung bakit huminto siya ng paglakad pagdating ng Alas-12 ng tanghali, at nagpahinga ng isang oras at nagsimulang maglakad pabalik pagdating ng Ala-una ng hapon? Dahil naalala niya ang isang napaka-importanteng bagay,“Alas-5 ng hapon, naghihintay sa akin ang may-ari ng mga lupain”

Sa kasamaang palad, kabaligtaran ang nangyari kay Mang Swa, Nakalimutan niyang kailangan nyang bumalik sa may-ari ng mga lupain.

Lagi nating tatandaan, ang anumang biyaya na natatanggap natin, ay marapat lamang na ibalik natin sa Diyos ang pasasalamat sa pagkakaloob nito sa atin.

“A lot of people, who pursue Gold, forget to pursue God. They just run and run and run to claim their gifts, forgetting the real gift is the Giver Himself.”


Epilogo:

Nabuhay pa ng mga ilang taon ang matandang mayaman, at nasaksihan ang pag-asenso ni Mang Saksess. Napayabong niya ang lupain na namana niya sa matandang mayaman. At dahil sa masaganang ani taun-taon, mas lalong yumaman si Mang Sak, at ibinahagi nya ang kanyang yaman sa kanyang mga masasayahing manggagawa.

Si Mang Sayang naman, dahil hindi sya komportable na mag-ari kahit na maliit na lupain, inabandona na nya ito. Ni hindi niya ito nataniman.Di kalaunan, ipinagbili niya ito kay Mang Saksess. Pagkatapos, naubos din ang kaniyang pera.

At ang lupain na sana ay para kay Mang Swapang? Bago mamatay ang matandang mayaman, dahil sa nakikita niyang pagpapayabong ni Mang Sak sa kanyang mga lupain, nagdesisyon siya na ibigay na rin ang lahat ng kaniyang natitirang lupain kay Mang Sak. :)

***

Nagustuhan nyo ba ang ating kwento ngayong araw mga ka-Noypi?

Ibahagi mo rin sa iyong mga kaibigan at kapamilya ang kwentong ito upang matutunan din nila ang mga gintong aral na ating natutunan sa araw na ito.

Share it your facebook friends, twitter followers or google+ circles...:)

Para sa iba pang kwento, punta ka lang DITO.

Read also:



Kung nais mong maging updated sa mga susunod na KMSP inspiring stories, mangyari lamang na mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi via email.:)


HAVE A BLESSED DAY MGA KA-NOYPI!!! :)



**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com



Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com