![]() |
photo credit |
October na, mas madalas na ang playlist na puro Christmas
songs sa malls, at nagsisimula na maglabas ng wishlist ang ibang tao. Kadalasan,
ang pera na natatanggap tuwing Pasko ay ginagamit na pambili ng regalo, o di
kaya ng sangkap na gagamitin para sa ihahain sa Noche Buena.
Ang 13th Month pay mo ay pwedeng ilaan din sa mga
bagay na ito, ngunit meron din ibang bagay na pwedeng paglaanan nito. Pwede
mong sabihin na “I deserve a reward,
pinaghirapan ko ‘to.” May point rin naman yun, pero kung gusto mo ng mga mas
matagal at mas malalaki na reward.
Here are 5 smart things na pwedeng gawin sa
13th Month pay mo.
1.) Mag-buo ng emergency fund
Ibang usapan ang ipon at ang emergency fund. Ang ipon ay
nilalaan para sa iba’t-bang kagustuhan o pangarap gawin. Ang emergency
fund ay ginagawa para sa panahon na kailangan ng pera biglaan, katulad ng
kapag biglang nawalan ng trabaho, o di kaya may pangyayari na di inaasahan.
Ang isang emergency fund ay ginagawa para merong pangastos
sa panahon na gipit sa pera. Kadalasan, ang isang kumpletong emergency fund ay
nakakabuo ng apat hanggang anim na buwan na panggastos sa pang araw-araw at ng
mga kabayaran sa bahay.