![]() |
Mabuhay ka-Noypi!
Ilang araw na lang, Pasko na! Merry Christmas! =)
OFW ka ba? Kapag ganitong magpapasko, marami sa mga
kababayan nating OFW ang umuuwi sa Pilipinas para magbakasyon at magdiwang ng
kapaskuhan. Hindi ba’t napakasarap umuwi ng Pinas at makapiling muli ang iyong pamilya?
Pagkatapos ng ilang taong pagsasakripisyo mo sa
dayuhang bansa, sa wakas, makakapag-bakasyon ka na at makakasama mong magdiriwang
ng pasko at bagong taon ang iyong mga mahal sa buhay.
Napakasarap nga naman talaga na umuwi sa iyong lupang
sinilangan Sabi nga nila, “There’s no place like home.”
Ngunit pagkatapos ng panandalian mong pananatili at
pagsasaya kasama ng iyong pamilya, heto ka na naman, balisa at ‘di mapakali
dahil kailangan mo na namang bumalik sa ibang bansa dahil naubos na ang naipon
mong kaunting pera.
Ang masaklap, babalik kang may naiwan pang utang dahil sa
mga nagastos mo sa nagdaang kapaskuhan.
Kung matagal ka ng nag-aabroad kabayan, siguro naman napansin
mo na parang pauli-ulit na lang ang senaryo. Nagpapakahirap tayo sa ibang bansa
habang nangungulila sa pamilya. Uuwi para magbakasyon ng ilang buwan at
mawawalay na muli sa pamilya ng ilang taon.
Kung gusto mo ng matigil ang ganitong senaryo at
baguhin ang iyong buhay-pinansyal, simulan mo ng gumawa ng mga hakbang para sa
pagbabago.
Narito ang ilang mga financial tips para sa mga
OFW na uuwi ng Pinas at magdiriwang ng kapaskuhan:
1.)Magplano bago umuwi ngayong kapaskuhan
Bago ka pa umuwi ng Pinas, planuhin na kung ano ang mga
dapat pagkagastusan at maging disiplinado sa pagsunod sa iyong mga plano.
Alam nating lahat na ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan
at pagbibigayan, ngunit alam din natin na ito ang panahon ng malaking gastusan
KUNG hindi mo magagawang kontrolin ang iyong sarili.