Leave a message
livechat

Wednesday, November 18, 2015

Huwag Ka Munang Mag-invest Sa Stock Market Kung…


Welcome ka-Noypi! =)

Marami ang nagtatanong sa akin kung paano daw bang magsimula sa pag-iinvest sa stock market mula ng malaman nila na nagbibigay ito ng mas mataas na return kumpara sa ibang investment instruments.

Para sa mga sabik na sabik ng pasukin ang mundo ng stock market, hinay-hinay lang ka-Noypi at baka atakihin ka sa puso kapag hindi ka kumita. haha. =)

Babala(asawa ni… Babalu!): Hindi ito parang mainit na kanin na iluluwa mo na lang kapag napaso ka. Dapat alam mo kung ano ang pinapasok mo.

Kaya naman, may mga ilang paalala lang ang inyong lingkod…

Huwag ka munang mag-invest sa stock market KUNG…


1.) Hindi mo pa ito lubusang naiintindihan
“Aral muna, bago invest” – Aya Laraya of Pesos and Sense
Huwag kang mag-invest sa mga bagay na hindi mo pa lubos na naiintindihan. Ang sabi nga nila, ang pinakaimportanteng investment sa lahat ay ang investment mo para sa iyong sarili, ang Knowledge!

“Financial literacy is the best policy”  :D –Dizkarteng Noypi

Aralin mo muna ito dahil ito ang magiging puhunan mo upang kumita ka sa anumang investment na papasukin mo. Alam natin na ang mga investments gaya ng stocks ay maituturing na “high-risk” investment o walang ginagarantiyang kita dahil na rin sa pagiging “volatile” nito o pabago-bagong galaw ng mga presyo ng mga stocks sa stock market.

Ngunit kung mayroon kang sapat na kaalaman kung paano mami-minimize ang risk na ito, hindi ka mababahala dahil alam mo kung ano ang iyong ginagawa. Ayon nga kay Robert Kiyosaki, Ang risk ay wala sa investment, kundi nasa investor!

Alamin mo muna ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa pagiinvest sa stock market. Kung paano ba ito gumagana, sino-sino ang nasa likod nito at paano ka magsisimula. Umattend ng mga seminars patungkol dito o magbasa ng mga financial books at blogs na makakatulong sayo na maintindihan ang mundo ng Stock Market. (Read : Stock Market -Start Here)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com
a