Good day, Tambayer!
Ngayong alam na natin kung ano ang UITF at paano mag-invest dito, pag-usapan naman natin ngayong araw kung paano ka makakapag-open ng UITF account(w/ BDO, in particular) para magsimulang lumago ang iyong perang pinaghirapan pagkalipas ng ilang taon.
To recall, ang UITF o Unit Investment Trust Fund ay isang investment vehicle na karaniwang ino-offer ng mga banko para sa publiko at isang mainam na alternatibo ng pag-iinvest kung hindi ka pa handang sumabak ng direkta sa Stock Market (Read : Paano mag-invest sa UITF).
Nababagay ito sa mga ka-Noypi nating walang oras para aralin ang pasikot sikot ng Stock Market at ng iba pang investment instruments.
Para magabayan ka sa iyong pag-iinvest sa UITF, narito ang mga hakbang na kailangan mong gawin:
Step 1)Pumili ng banko
Maraming banko ang nag-ooffer ng UITF. Nariyan ang BDO, BPI, Metrobank, PNB, Security Bank , Unionbank, at iba pa. Para sa kumpletong listahan ng mga banko na miyembro ng UITF Philippines, click HERE.
Ngunit ang pag-uusapan natin ngayong araw ay kung paano mag-open ng UITF account sa BDO.
Step 2) Ihanda ang mga requirements
Personally, nag-open ako ng UITF account sa BDO sa pamamagitan ng kanilang investment program na tinatawag na Easy Investment Plan (EIP) na kung saan pwede kang mag-invest sa UITF in a fixed amount of investment & fixed schedule of contribution.
Narito ang mga requirements kung ikaw ay mag-oopen ng account para sa BDO UITF Easy Investment Plan (EIP):