Magandang araw mga ka-Noypi!
Maaari bang mahiram ang kapirasong “oras” ninyo para basahin ang maikling kwentong aking ibabahagi sa inyo na tiyak na tatagos sa ating mga puso(pang MMK lang?..hehe).
Ang kwentong ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng oras para sa ating pamilya at mga mahal sa buhay.
Enjoy reading mga ka-noypi!
Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Noypi.
“Magkano ang oras mo?”
![]() |
[photo credit] |
Isang araw, umuwi galing sa trabaho ang isang ama. Alas diyes na ng gabi nun. Pagkadating niya sa bahay, gising pa pala si bunso. Sinalubong siya nito at niyakap. Naupo siya sa sofa at binigyan ng “tsinelas na pangbahay” ni bunso. Habang naghuhubad siya ng medyas, nagtanong ang bata.
Bunso: Papa, magkano po ang sweldo mo sa isang oras?
Papa: (nabigla sa tanong ng anak) Ha? Bakit mo naman naitanong yan?
Bunso: Sige na papa, sabihin mo sakin magkano ang sweldo mo…