Saturday, December 7, 2013

Rules of Passive Investing & SAM’s 5th rule!




Welcome mga ka-Noypi!

Last post, pinag-usapan natin ang ibat-ibang investing strategies na ginagamit sa stock market at ipinakilala ko na rin sa inyo ang ating “investment buddy” na si SAM! :)

To recall, SAM is short for Strategic Averaging Method at ito ang investing strategy na ginagamit ng mga miyembro ng TrulyRichClub

Noon, mayroon lamang dalawang paraan ng pag-iinvest sa Stock Market. Ang Active Trading at ang Passive Investing.

Active Trading is short-term. Passive Investing is long-term.

Eh ano ang SAM?

SAM is in-between passive investing and active trading.
SAM is semi-passive investing.

At ang nasa likod ng strategy na ito ay ang mentor ni Bro. Bo sa Stock Market na si Edward Lee, Chairman & Founder of COL Financial,Inc., Ang “recommended” online stock broker ng TrulyRich Club.

Ngunit ang Strategy na ito ay nangangailangan ng matinding disiplina at may kaakibat na mga “Rules” na dapat sundin kung nais nating ma-maximize ang profit natin sa stock market.

SAM uses 4 Rules of passive investing tweaks them and adds a 5th rule!

Here it goes…



Rules of Passive Investing & SAM’s 5th rule!

photo credit


RULE 1: Invest monthly for 20 years or more.

Pinapayuhan ng TrulyRich Club ang bawat miyembro nito na bumili ng stock ng kumpanya kada buwan at gagawin ito sa loob ng mahabang panahon.10, 15, 20 taon o higit pa! parang gagawin lang nating “alkansya” ang Stock Market. :)

Ngunit sa SAM, medyo may konting “twist”,  minsan hindi tayo mag-iinvest sa partikular na buwan, dahil may mga pagkakataon na “mahal” ang presyo ng stock, at hihintayin natin itong bumaba bago bilhin.



RULE 2: Invest even when there’s a crisis.

Sa Passive Investing, or Peso-Cost Averaging Strategy, bumibili tayo ng stock ng kumpanya anuman ang presyo nito. Sa ganitong strategy, hindi na natin kailangang bantayan ang merkado. Patuloy pa rin tayong bumibili kada buwan kahit may krisis, gawa ng tsunami, lindol, kudeta , recession atbp.

Ngunit sa SAM, may konting “twist” ulit. Hangga’t maaari, hindi tayo bumibili ng stock kapag pababa pa lang ang presyo, kundi, bumibili tayo kapag bumaba na talaga ito. :)


RULE 3: Invest only in giants.

Sa Passive Investing, ang binibili nating stock ay mula sa mga kumpanyang tinatawag na Blue Chip o yung mga kumpanyang "higante" sa kanilang industriya at naniniwala tayong mananatiling nakatayo pa rin ito sa susunod na 50 taon o higit pa.

Ngunit sa SAM, may konting “twist” ulit. In general, hindi tayo bumibili ng mga tinatawag na Penny Stockspero sa pambihirang pagkakataon, minsan bumibili tayo ng share sa mga ito, kapag nakikitaan natin ito ng paglago ngunit ang ilagagak lang natin na pera dito ay yung tipong “extra fund” lang natin dahil sa volatility ng market o mabilis na pag-galaw ng merkado.


RULE 4: Invest in many giants.

Sa Passive Investing, hindi lang isang “giant” company ang binibili natin kundi mag-iinvest tayo sa maraming “giant” companies. Bakit? Dahil may mga “hindi” inaasahang pagkakataon ang pwedeng mangyari. May mga kilala at malalaking kumpanya pa rin ang may posibilidad na bumagsak. Ang tawag sa stock market dito ay Black Swan. At ayaw natin ilagay ang lahat ng pera natin sa iisang kumpanya lang pagkatapos ay bigla na lang babagsak ito.

Sa SAM, ganito rin ang ginagawa nating strategy. SAM uses this 4 strategy, pero may isang karagdagan bilang panglimang rule. Ano  ang Rule #5 na ito? Ito ang “magic sauce” natin upang ma-maximize ang kita natin sa stock market kumpara sa “plain” passive investing.


The 5th Rule of SAM

Ano ang 5th rule na ito?

Rule 5 : We buy when the price is beneath our “Buy Below Price” and we sell when the price is near our “Target Price”.

Naalala mo ba ang Stocks Update?  Binibigay na sa atin sa newsletter na ito ang “Buy Below Price at ang Target Price”.

‘Di ba ang SAM ay in-between ng Passive Investing at Active Trading o sa madaling salita ang SAM ay semi-passive investing!

Passive Investing never use timing. Active Trading is all about timing.
In SAM, we use a little bit of timing!

Sa Passive Investing, ang investor ay tumitingin sa fundamentals ng company samantalang sa Active Trading, ang trader ay tumitingin lamang sa galaw ng presyo nito sa stock market.

Sa SAM, tinitingnan natin “pareho” ang fundamentals ng kumpanya at ang galaw ng presyo nito!

Sa Passive Investing, hindi tayo nagbebenta ng shares, Sa Active Trading, araw-araw o lingo-lingo ay nagbebenta ang mga traders ng shares ng kumpanya.

Sa SAM, nagbebenta tayo ng shares pagkalipas ng ilang buwan kapag malapit na ito sa ating Target Price.


The 2 big advantages of SAM

  •      Lower Price

Gaya ng Passive Investing, bumibili ka ng partikular na stock ng kumpanya kada buwan. Ngunit sa SAM, bumibili ka lamang kapag ito ay mas mababa sa Buy Below Price.

Ang sikreto upang kumita sa Stock Market : kikita ka sa pagbili mo hindi lang sa pagbenta!

Ibig sabihin, kapag bumili ka ng partikular na stock sa mababang halaga, mas malaki ang kikitain ng pera mo dahil mas maraming shares din ang maiipon mo.

  •      Secured Profit

Sa Passive Investing, hindi ka nagbebenta.

Sa SAM, pinapayuhan ng TrulyRich Club na ibenta ang partikular na stock pagkalipas ng ilang buwan kapag ito ay malapit na sa “Target Price”. Sa pagbenta mo, siguradong kumita ka na! :)

pero hindi pa diyan nagtatapos, ang napagbentahan mo, i-reinvest mo lang ulit sa iba pang SAM stocks or recommended stocks.In this way, it will multiplies your earnings! :)



DISCLAIMER : I am affiliated with the TrulyRich Club, when you sign up using my “affiliate link” that you can find in this blog, I will get commission from your subscription.


Sa susunod na post mga ka-noypi, tatalakayin natin ang step-by-step procedures kung paano ina-apply ang mga rules na ito ng SAM.

Kaya..Don’t forget to Subscribeto Dizkarteng Noypi!

(DISCLOSURE : I'm not an "expert" or financial adviser nor licensed stockbroker.take it at your own risk).


Related Posts:



HAPPY INVESTING EVERY JUAN!  :)

**********

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".


Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com