Welcome Tambayers!
Nakilala natin si Warren Buffett bilang isa sa top billionaire ng mundo at isang stock market giant. Kaya naman pagdating sa mga financial advice o mga tips sa pag-iinvest sa stock market, maaari nating i-apply ang mga aral na matututunan natin mula sa kanya.
Narito ang ilang mga aral na naging susi ng tagumpay ng tinaguriang higante ng stock market na si Warren Buffet.
Enjoy Reading! Huwag mong kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi :)
1. Spend Wisely
Maging wais sa pag-gastos! Maglaan ng buwanang budget mula sa ating income. Alamin ang pagkakaiba ng Needs at Wants.Unahin ang mga bagay na mas kinakailangan kaysa sa mga bagay na gusto mo lang. Iwasang bumili ng mga bagay na nagde-depreciate ang value bagkus bumili ng mga bagay na makakapagpalago pa lalo ng ating kaperahan. Mag-save at mag-invest ng ilang bahagi ng kinikita natin at ilagak sa mga investment gaya ng stock market at mutual fund. Bago pa man ang mga gastusin, itabi na agad ang para sa savings at investment. Let say, 10% ng income mo ay ilagak mo sa savings account para sa iyong emergency fund at another 10% naman para sa iyong stock market account.
“Don’t save what is left after spending, but spend what is left after savings.” – Warren Buffett
2. No one cares about your money as much as you do
Maaaring maraming mga financial gurus o mga advisors ang magpapayo sayo tungkol sa mga investments, ngunit tanging ikaw lang at wala ng iba pa ang syang maaaring magdesisyon kung saan at paano mo i-iinvest ang pera mo. Kaya mabuting mag-aral muna bago pumasok sa anumang klase ng investment. Maaari kang magbasa ng mga financial books o umattend ng mga financial literacy seminars upang mahubog ang iyong kaalaman sa tamang pagpaplano ng iyong buhay-pinansyal.
“You have to learn to be an investor if you want to become wealthy.” – Warren Buffett
3. Do your homework-Scan thousand of stocks
Kagaya nga ng nabanggit sa itaas, mag-aral muna bago mag-invest. Huwag mag-invest sa mga bagay na hindi mo pa lubos na nauunawaan. Bago mag-invest sa Stock Market, mabuting aralin muna ang fundamentals ng mga kumpanya. Alamin muna kung sino ang mga nagpapatakbo nito, naka-survive na ba ito sa mga financial crisis, magkano ang financial projection ng kumpanya, ano ang mga future plans & financial goals nito, etc.
“Never invest in a business you cannot understand.” – Warren Buffett