Welcome mga ka-Noypi!
Ang layunin ng ating blog ay ang matulungan ang mga ordinaryong pinoy kung paano mapapamahalaan ng tama ang ating kaperahan at matutunan ang ibat-ibang uri ng investment na makakapagpalago ng ating perang pinaghirapan sa legal at mahusay na paraan.
Kaya naman, ang Dizkarteng Noypi ay nakipagtulungan sa IMG-Wealth Academy, upang maipakalat sa lahat ng Pilipino ang ating advocacy ukol sa Financial Literacy.
Ano nga ba ang IMG? Halina't kilalanin natin ang IMG at kung ano ang hatid nito sa ating buhay-pinansyal.
Attend FREE Financial Literacy Seminar by IMG-Wealth Academy!!!
Ang IMG-Wealth Academy ay nagco-conduct ng FREE Financial Literacy seminars upang maghatid sa bawat Pilipino ng nararapat na edukasyong-pinansyal na alam naman nating lahat na hindi karaniwang itinuturo sa mga paaralan.
Ano ang IMG?
Ang IMG o International Marketing Group, ay isa sa pinakamalaking financial distribution company sa US, Canada, Taiwan, Hongkong, Philippines at sa iba pang panig ng mundo.
Ang kanilang layunin ay tulungan ang bawat pamilya na makamtan ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon ukol sa pananalapi at mga oportunidad ng negosyo.
Hindi gaya ng karamihan ng mga kumpanya na nakatutok sa pagbebenta ng kanilang mga produkto, Ang pangunahing layunin ng IMG ay imulat tayo at palawakin ang ating kaalaman sa usaping pinansyal.
Maaaring ang IMG ay isang financial distribution company o broker ng ibat-ibang uri ng financial products & services na pwede rin nating sabihing “one-stop-shop” dahil narito na ang lahat ng mga kinakailangan natin pagdating sa pinansyal na aspeto. Ngunit ang pagbenta ng mga produkto o serbisyong ito ay hindi prayoridad ng IMG. Naiintindihan nila na kaya tayo dumalo sa kanilang seminar ay upang palawakin pa ang ating kaalaman sa edukasyon tungkol sa pananalapi.