Saturday, November 8, 2014

Ang 4 na Hayop sa Stock Market


Welcome Tambayers!

Kamustasa? Nag-iinvest ka na ba sa Stock Market?

Anong uri ka ng investor ka-Noypi?

Alam mo bang may ibat-ibang uri ng investor? Depende ito sa kung paano kang nagiinvest sa Stock Market. Ikaw ba ay tipikal na trader o long-term investor?

Halina’t pag-usapan natin ang 4 na Hayop sa Stock Market mula sa libro ni Bo Sanchez na pinamagatang “The Turtle Always Wins” na tumatalakay sa ibat-ibang klase ng tao sa Stock Market.

Dun sa libro na yun, inihalintulad ni Bo Sanchez ang mga tao sa Stock Market sa 4 na hayop na mga tauhan sa kwento.

Dun sa kwento, nagkakarera sina Squirrel, Sloth, Rabbit at Turtle. Paunahan sila sa itinakda nilang finish line. May ideya ka ba kung sino ang nanalo sa karera? :)

Ang nagwagi sa karera ay si Turtle. Pangalawa si Rabbit, Pangatlo si Sloth at si Squirrel?hmmm, hindi na siya nagpakita. Bigla na lang siyang nawala at walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanya.

Isa-isahin nating kilalanin ang mga karakter sa kwento.

1.) Squirrel – The Typical Trader

Sila yung mga taong basta na lang pumasok sa mundo ng stock market na wala pang sapat na kaalaman ukol dito. Para bang sumugod na lang basta sa gyera na wala naman dalang armas at bala. Sila rin yung mga kumakatawan sa mga tipikal na traders o yung mga taong bumibili ng stocks ngayong araw, pagkatapos ibebenta rin agad sa loob lang din ng isang araw.

Alam mo bang 85% ng mga tao sa Stock Market ay nalulugi? Sila yung mga tipikal na traders. Sila yung mga taong nakatutok sa umaatikabong aksyon sa Stock Market at nag-aabang ng mga pagkakataong makabili ng stocks sa mababang halaga at kumita pagkabenta, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kikita ka, maaari ka ring malugi at maglaho ang pera mo na parang bula.

Ang masaklap pa nito, ang ilan sa kanila ay nagiging gahaman at nagagawang manloko ng kapwa trader para sila ay kumita. Sasabihin nila sayo na bumili ka ng partikular na stocks, at ‘pag tumaas ang presyo nito, ibebenta nila agad ang share nila at iiwan ka na sa ere. Aray!

2.) Rabbit – The Trained Trader

Sila ay mga traders din subalit hindi gaya ng mga Squirrel, ang mga Rabbit ay may sapat na kaalaman at pagsasanay pagdating sa pagte-trade sa Stock Market. Mayroon silang rules o gabay na sinusunod sa pagbili at pagbenta ng stocks gaya ng mga sumusunod.
  • Hindi sila bumibili ng mga tinatawag na “penny stocks”. Ang tanging binibili nila ay yung mga “giant stocks”.                                                      
  • Hindi sila naglalagak ng higit sa 5% ng kanilang pera sa isang partikular na stock.
  • Hindi lalagpas ng 30% ng kanilang pera ang ginagamit nila sa pagte-trade.
Ang iba sa kanila ay hindi sumusunod sa rules ng buong puso, may mga tao na natutukso pa ring bumili ng mga penny stocks halimbawa, kaya sa karera ng pag-iinvest, pangalawa lamang sila.

3.) Sloth– The Typical Investor

Sila yung mga tipikal na investor na kung saan naglalagak sila ng malaking halaga ng pera sa isang bagsakan lang at bumibili ng stocks ng kumpanya at pagkatapos, hinahayaan na lang nila ito na lumago pagkalipas ng mahabang panahon.

Ang totoo, magandang istratehiya din ito pero hindi ito ang pinaka-magbibigay sayo ng mas malaking kita sa stock market. Ito ang pinaka-madali at pinakasimpleng paraan ng pag-iinvest sa stock market, ngunit may mga bagay na kailangan mong isaalang-alang kung ganitong stratehiya ang gusto mong gawin:

  •  Kailangan mayroong kang malaking halaga ng pera.
  •  Kailangang bumili ka ng mga higanteng kumpanya sa kanilang industriya na alam mong mananatiling matatag kahit sa paglipas ng 20 taon o higit pa.
  •  Kailangang bumili ka ng stocks ng kumpanya sa panahong bagsak ang merkado, dahil mabibili mo ito sa napakababang halaga.
  •  Kailangan mong i-reinvest ang mga dividends na matatanggap mo at ipambili mo ulit ito ng stocks ng kumpanya na nasa iyong portfolio.

4.) Turtle– The Trained Investor

Ang strategy ng pag-iinvest ng mga Turtle Investor ang siyang pinaka-boring sa lahat. Bakit? Dahil sila yung mga taong naglalagak ng maliit na halaga kada buwan sa mga higanteng kumpanya sa loob ng 20 taon o higit pa. Hindi sila nababahala kung bagsak man o umaangat ang merkado, basta tuloy-tuloy lang ang kanilang pagbili ng stocks ng mga kumpanyang subok na at ginagawa nila ito ng may disiplina.

Ang layunin ng mga Turtle Investors ay kumita ng 12% to 20% kada taon sa loob ng 20yrs o higit pa.

Sa larangan ng investing, sila ang Champion! :)

Gusto mo rin bang maging Turtle Investor?

Kailangan mo ng matinding disiplina at mahabang pasensya dahil mabagal sa umpisa ang paglago ng ating pera sa stock market sa mga unang taon ng ating pag-iinvest dito. Huwag ka ring basta basta mababahala kung bumababa ang presyo ng mga nabili mong stocks dahil sa bagsak na merkado, lalo na kung alam mo namang pansamantala lamang ito. Tuloy-tuloy lang ang pagbili ng stocks ng mga malalaking kumpanya kada buwan.

Bago ka rin mag-invest sa stock market, kailangang bumuo ka muna ng tinatawag na Emergency Fund , para hindi mo magalaw ang iyong pera dito. Ugaliin ding magtabi ng 20% ng iyong income kada buwan at gawing regular ang pag-iinvest. Makakatulong din kung dadagdagan mo ang iyong kita sa pamamagitan ng paghahanap ng iba pang source of income.

Ngunit huwag mong ilaan ang lahat ng oras mo sa pagbabantay sa iyong stock market portfolio. Kahit isang beses o dalawang beses lang kada buwan ay sapat na ito. Ilaan mo ang iyong oras sa iba mo pang mga negosyo o source of income at syempre pa, sa iyong mga mahal sa buhay.

Oo nga pala, may pangalan  si Turtle, siya nga pala si SAM.

Naipakilala ko na siya sa inyo sa aking previous post, dito.
To recall, SAM is an acronym for Strategic Averaging Method.

Ito ang strategy na ginagamit ng mga miyembro ng Truly Rich Club.

Gaya ng ginawa ni Turtle Investor, sundan lang din natin ang mga rules na ginawa nya kung nais nating kumita ng malaki sa stock market.

Rule#1 : Mag-invest kada buwan sa loob ng 20 yrs o higit pa.
Rule#2 : Mag-invest kahit na bagsak ang merkado dahil sa krisis.
Rule#3 : Mag-invest lamang sa mga higanteng kumpanya.
Rule#4 : Mag-invest sa ibat-ibang higanteng kumpanya.
Rule#5 : Bumili ng stock kapag mas mababa ang presyo nito sa itinakdang “Buy Below Price” at magbenta kapag umabot na sa itinakdang “Target Price

That’s it for today ka-noypi!

Naway naliwanagan ka kahit paano kung ano ang strategy ng pag-iinvest ang nababagay sayo.

Kung gusto mo ring matutunan ang Turtle Strategy, iniimbitahan kita na samahan ako sa Truly Rich Club na kung saan ang mga miyembro nito ay nakakatangap ng tinatawag na Stocks Update na naglalaman ng mga recommended stocks at may itinakdang Buy Below Prices at Target Prices

DISCLAIMER: Ang Truly Rich Club ay mayroong affiliate program opportunity na maaaring makapagbigay sa atin ng dagdag na kita kada buwan. Kung nakapagdesisyon ka na mag-join din dito gamit ang aking affiliate link, makakatanggap ako ng kumisyon mula sa Truly Rich Club. Salamat po. :)
***
(photo credit : google images)

Kung may natutunan ka sa ating blog post ngayong araw, pwede bang i-share mo rin sa iba? Salamat. :)

  Gamitin ang mga floating sharing icons sa kaliwang bahagi ng ating site.

Related Posts:



 

P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com



Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com