Tuesday, October 21, 2014

Usapang BIZ-NEZ : Paano Magsimula Ng Negosyo?



Welcome Tambayers!

Kapag nagtatanong tayo kung paano ba yumaman, ang lagi nating naririnig na sagot ay ang magtayo ng sariling negosyo. Ngunit paano nga ba magsimula ng isang negosyo?

Alam mo bang hindi madali ang pagtatayo ng sariling negosyo?

Maraming mga bagay ang dapat nating isasaalang-alang bago magsimula nito.

Ang pagnenegosyo ay isang seryosong bagay at hindi isang biro. Dapat handa ka sa mga magaganda at hindi magagandang bagay na pwedeng mangyari kapag ikaw ay magtatayo ng iyong sariling negosyo.

Narito ang ilang mga Advantages at Disadvantages sa pagtatayo ng sariling traditional business.


Advantages ng pagkakaroon ng sariling negosyo

1)      Maaari kang umasenso sa buhay

Ito ang kagandahan kapag tayo ay may sariling negosyo, ito ang maaaring maging dahilan para tayo ay yumaman o umasenso sa buhay. Maibibigay mo na ang lahat ng pangangailangan ng iyong pamilya , makakapunta ka na sa mga lugar na gusto mong puntahan at mabibili mo na ang lahat ng gusto mong bilhin. Sa madaling salita, maisasakatuparan mo na sa wakas, ang iyong mga pangarap.

2)      Ikaw ang “boss” ng sarili mong negosyo

Kung sawa ka na sa araw-araw at paulit ulit na pakikipagbuno sa traffic kapag papasok sa trabaho at makita ang masungit mong boss, magtayo ka na lang ng sarili mong negosyo! Dahil kung may sarili kang negosyo, ikaw na ang “boss” ng sarili mong kumpanya. Wala ng masungit na boss na maguutos sayo kung anong dapat mong gawin, kung kailan ka kakain at kailan ka uuwi.

3)      Makakatulong ka sa iba

Isa rin sa kagandahan ng may kang sariling negosyo, habang kumikita ka ay nakakatulong ka rin sa iba na nangangailangan. Hindi ba’t masarap sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa kapwa mo? Ibig lang din sabihin nito na nakakaangat ka sa buhay. Bilang kapalit sa mga biyaya nating natatanggap mula sa Diyos, ay marapat lang na ibalik natin ito sa kanya sa pamamagitan ng pagtulong sa nangangailangan o pagbahagi ng ating mga kaalaman sa iba.

4)      Makakatulong ka sa pag-asenso ng bayan

Isa rin sa napakasarap sa pagnenegosyo ay ang kuntribusyon mo sa pag-asenso ng iyong pamayanang ginagalawan. Dahil sa iyong negosyo, nakakalikha ka ng trabaho para sa kapwa mo, nakakalikha ka ng produkto na magagamit at kapaki-pakinabang sa sambayanan o nareresolba mo ang problema ng mga taong nangangailangan ng solusyon dahil sa iyong inaalok na serbisyo. May halaga o saysay ang iyong pagnenegosyo dahil isa ka sa dahilan ng paglago ng ekonomiya ng bansa. :)


Disadvantages ng pagtatayo ng sariling negosyo

1)      Walang sigurado sa negosyo, maaaring malugi ka rin.

Ang pagnenegosyo ay hindi magic, na kapag nagtayo ka ng sarili mong negosyo, ay kikita ka na. Walang kasiguraduhan ang pagnenegosyo, pwede kang kumita at pwedeng ka ring malugi! Nasa iyong kamay kung magtatagumpay o maglalahong parang bula ang iyong negosyo.

 Mga maaaring dahilan para malugi ang iyong negosyo :

✔ Pwedeng ang produkto mo, mabili ngayon, pero bukas…hindi na!

✔ Pwedeng masyadong mataas ang presyo mo o baka naman sobrang baba, lugi ka!

✔ Pwedeng ang pwesto mo ay masyadong tago, hindi nadadaanan ng tao o hindi nakikita ng mga customer.

✔  Pwedeng masyadong malayo, mahirap puntahan.

✔ Pwedeng pabaya ang mga kasama mo o ikaw mismo!

2)      Maaaring hindi mo nabibigyan ng sapat na oras ang iyong negosyo.

Hindi madali ang pagtatayo ng sariling negosyo, nangangailangan ito ng mahabang oras mo. Kung wala kang sapat na oras para dito, malamang babagsak lamang ito. Lahat ay pwedeng magnegosyo, pero hindi lahat ay pwedeng magtagal. Kaya kung nais mong magtagal ang negosyo mo, dapat mo itong paglaanan ng iyong panahon. Pag-aralan at alamin ang mga bagay na dapat mong gawin para sa ikakatagumpay ng iyong negosyo.

3)      Maaaring hindi ka pa handa o hindi mo kaya ang mga responsibilidad.

Ang pagnenegosyo ay hindi isang laro, na kapag naumpisahan mo, pagkatapos ay napagod ka o nagsawa ka na, ay hihintuan mo na lang! Isa lang ibig sabihin nito..Hindi ka pa handa o hindi mo kayang humawak ng malaking responsibilidad.

Bago ka magsimulang magnegosyo, tanungin mo muna ang sarili mo..”Bagay ba akong magnegosyo?”
  •   Nasa sayo ba ang mga katangian ng isang magaling na negosyante?
✔   Masipag
✔   Matiyaga
✔   May dedikasyon at Malasakit hindi lang sa negosyo mo kundi pati na rin sa mga kasamahan mo sa negosyo lalong lalo na sa iyong mga customers.
✔   Dapat tuloy-tuloy ang pagpapahusay mo ng iyong serbisyo at produkto.
            ✔  Dapat may diskarte at nagpaplanong mabuti. Kapag may plinano, dapat sundan mo ito ng tamang aksyon.
            ✔  Dapat inaalagaan ang kredibilidad, Marunong tumupad sa usapan at mapagkakatiwalaan.

Kapag nasa sayo ang mga katangiang ito, masasabi mo ng pang-negosyo ka!

Ngayon, pag-usapan naman natin kung paano mag-plano ng isang negosyo.


Pagpaplano ng isang negosyo

Step 1Maghanap ng pagkakataon kung paano mo matutugunan ang pangangailangan ng iba.

  May mga bagay na kinakailangan na gusto ng customer mo. Kung negosyante ka, hahanap ka ng paraan para ikaw ang makapagbigay nito sa kanila. Halimbawa, tag-ulan ngayon, kailangan ng payong at kapote kapag ganitong panahon, pwede mong gawing negosyo ang pagbebenta nito.

Step 2Alamin ang interes mo na maaari mong gawing negosyo.

✔  Kapag gusto mong mag-negosyo, importante na interesado ka o gusto mo ang papasukin mong negosyo para magtagumpay ka dito. Kumikita ka na, nag-eenjoy ka pa! dahil ito talaga ang gusto mong gawin.

Step 3Alamin kung may nalalaman ka tungkol sa papasuking negosyo.

✔  Mainam din na mayroon ka ng sapat na kaalaman o kakayahan sa papasuking negosyo para maging madali para sa iyo ang pamamahala nito.

Step 4Alamin kung magkano ang kapital na kailangan mo sa pagsisimula ng negosyo.

✔  Hindi ka makakapagsimula ng negosyo kung wala kang puhunan. Alamin kung magkano ang magagastos mo para ikaw ay makapagsimula sa iyong negosyo.

Step 5Alamin ang lokasyon kung saan mo ipupwesto ang iyong negosyo.

✔  Ang negosyo parang halaman, kailangan mong ilagay ito kung saan lalago. Ang magandang lokasyon para sa iyong negosyo ay kung saan madaling hanapin o puntahan ng mga customer.

Step 6Alamin kung sino ang kakumpetensya mo sa iyong negosyo.

✔  Mainam na alamin ang kumpetisyon. Sinu-sino ang mga katulad mo na may parehong serbisyo o produktong inaalok. Alamin kung paano mo iaangat sa iba ang iyong negosyo. Magplano at mag-isip ng mga bagay na pwede mong ialok sa iyong mga customer na wala sa ibang kakumpetensya.

(Source credit: Knowledge Channel ; Photo credit : Google images)

Goodluck sa mga papasukin nating negosyo mga ka-Noypi! :)
Nawa'y magtagumpay tayong lahat sa pag-abot ng Time at Financial Freedom!

Kung may natutunan ka sa ating article ngayong araw, share mo na rin sa iba!
⇦ Gamitin ang mga floating sharing icons sa kaliwang bahagi ng ating site. :)

Maraming Salamat! :D

***

Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog


Nagustuhan mo ba ang artikulo natin ngayong araw? Mag-subscribe sa Dizkarteng Noypi blog para makatanggap sa iyong email ng mga bagong artikulo na makakatulong sa paglago ng iyong buhay-pinansyal. =)


To subscribe, CLICK HERE





********
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com



Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com