Saturday, September 27, 2014

Ang 10 Aral Mula Kay Warren Buffett



Welcome Tambayers!

Nakilala natin si Warren Buffett bilang isa sa top billionaire ng mundo at isang stock market giant. Kaya naman pagdating sa mga financial advice o mga tips sa pag-iinvest sa stock market, maaari nating i-apply ang mga aral na matututunan natin mula sa kanya.

Narito ang ilang mga aral na naging susi ng tagumpay ng tinaguriang higante ng stock market na si Warren Buffet.

Enjoy Reading! Huwag mong kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi :)



    1.   Spend Wisely

Maging wais sa pag-gastos! Maglaan ng buwanang budget mula sa ating income. Alamin ang pagkakaiba ng Needs at Wants.Unahin ang mga bagay na mas kinakailangan kaysa sa mga bagay na gusto mo lang. Iwasang bumili ng mga bagay na nagde-depreciate ang value bagkus bumili ng mga bagay na makakapagpalago pa lalo ng ating kaperahan. Mag-save at mag-invest ng ilang bahagi ng kinikita natin at ilagak sa mga investment gaya ng stock market at mutual fund. Bago pa man ang mga gastusin, itabi na agad ang para sa savings at investment. Let say, 10% ng income mo ay ilagak mo sa savings account para sa iyong emergency fund at another 10% naman para sa iyong stock market account.

“Don’t save what is left after spending, but spend what is left after savings.” – Warren Buffett


     2.   No one cares about your money as much as you do

Maaaring maraming mga financial gurus o mga advisors ang magpapayo sayo tungkol sa mga investments, ngunit tanging ikaw lang at wala ng iba pa ang syang maaaring magdesisyon kung saan at paano mo i-iinvest ang pera mo. Kaya mabuting mag-aral muna bago pumasok sa anumang klase ng investment. Maaari kang magbasa ng mga financial books o umattend ng mga financial literacy seminars upang mahubog ang iyong kaalaman sa tamang pagpaplano ng iyong buhay-pinansyal.

“You have to learn to be an investor if you want to become wealthy.” – Warren Buffett


    3.   Do your homework-Scan thousand of stocks

Kagaya nga ng nabanggit sa itaas, mag-aral muna bago mag-invest. Huwag mag-invest sa mga bagay na hindi mo pa lubos na nauunawaan. Bago mag-invest sa Stock Market, mabuting aralin muna ang fundamentals ng mga kumpanya. Alamin muna kung sino ang mga nagpapatakbo nito, naka-survive na ba ito sa mga financial crisis, magkano ang financial projection ng kumpanya, ano ang mga future plans & financial goals nito, etc.

“Never invest in a business you cannot understand.” – Warren Buffett


     4.   Overcome your fear of risk

Lagi nating tatandaan, na ang lahat ng investment ay may kaakibat na “risk” ngunit ang pinakamalaking risk ay tayo mismo!(investors). Ang kailangan natin gawin ay i-educate ang sarili natin bago magsimulang mag-invest nang sa ganun ay mapaliit natin ang risk sa papasukin nating negosyo o anumang investment.

“Risk comes from not knowing what you are doing.” – Warren Buffett


    5.   Focus on the long term

Lagi nating pinapaalala sa ating mga readers na, investing in the stock market is LONG-TERM o pangmatagalan. Take note, ang sinabi ko ay “investing” at hindi “trading”. Ang Trading ay pagbili ng stock ngayon, bukas ibebenta na rin agad (minsan sa loob lang ng ilang oras). Kapag sinabi nating long-term, tayo ay mag-iinvest sa loob ng 10 taon o higit pa kung nais nating kumita sa stock market. Mainam din kung ikaw ay makakapagsimula habang bata pa upang mas mahaba ang panahon na ilalago ng iyong pera sa stock market, dahil sa stock market, “Time is your greatest ally” dahil sa power of compound interest, na ayon kay Albert Einstein ay ang ‘Eighth wonder of the world.’

“The important thing is finding wet snow and a really long hill.” – Warren Buffett


     6.   Invest in quality business

Ipinapayo din ni Warren Buffett ang pagbili ng mga de-kalidad na mga kumpanya, resulta ng masusing pag-aaral mo sa mga kumpanyang ito (Step 3). Bumili ng mga tinatawag na “blue chip” companies na alam mong mananatiling nakatayo sa loob ng mahabang panahon kahit pa dumaan sa maraming krisis. Mga kumpanyang may magandang reputasyon at subok na naghahari sa kanilang industriyang kinabibilangan.

“An investor needs to buy the stock as if he is buying the whole company down the road.” – Warren Buffett


     7.   Hunt for exceptional bargains for solid companies

      May mga pagkakataon na ang presyo ng mga blue chips o solid companies ay bumabagsak ang presyo lalo na sa panahon ng financial crisis o market crash. At para sa mga magagaling na investor, ito ang magandang pagkakataon para bumili ng share/stock ng mga kumpanyang ito na parang nagsa-shopping. :)

     Kung baga sa mga mall, ito yung tinatawag na “Mega Sale” at sinasamantala ito ng mga investors. Kabaligtaran ng karamihan na natatakot bumili ng stocks kapag may market crash. (Paalala : Kailangan pa rin ng masusing pag-aaral sa performance ng kumpanya, long term goals, mission statement, etc.)

“Be fearful when others are greedy and greedy when others are fearful.” – Warren Buffett


     8.   Make decisions to invest based on how well money is being used by company management

Ang iyong pagdedesisyon sa pagbili ng stocks ng kumpanya ay dapat na nakabase sa magandang pamamalakad nito. Alamin kung paano nila ginagamit ang pera ng kumpanya, ang kanilang financial stability, asset & liabilities, company’s earning history at iba pa. Marapat din na regular na naglalabas ng memorandum ang kumpanya ukol sa performance nito at mga plano sa hinaharap na makakatulong sa paglago at paglaki ng kabuuang kita ng kumpanya.

“It’s far better to buy a wonderful company at a fair price than a fair company at a wonderful price.” – Warren Buffett

                                                                                                                           
    9.   Be Patient; wait until everything is in your favor to interest

Sa pag-iinvest sa stock market, kailangan ng mahabang pasensya dahil tayo ay mag-iinvest sa mahabaaaaang panahon. Patuloy ka lamang bumili ng mga quality companies at kung bumaba man ang presyo nito, huwag mag-alala, dahil ang mga de-kalidad na mga kumpanya ay nakaka-recover kahit sa panahon ng krisis. Ipinapayo din ni Warren Buffett na huwag magpapadala sa mga balita o mga “rumor” na maaaring makaapekto sa iyong desisyon sa pagbili o pagbenta ng stocks.

“I think the worst mistake you can make in stocks is to buy or sell based in current headlines. – Warren Buffett


 10.   Sell losing stocks when the market is up; buy winning stocks during a crash

Sa panahon ng market crash, bumabagsak ang presyo ng stocks ng mga kumpanya kahit ang mga "blue chip" companies. Ito ang magandang pagkakataon na bilhin ang mga ito. Sa kabilang banda kung "up  trend" naman ang market, ngunit may mga pag-aari kang stocks na hindi sumasabay sa pag-angat ng market, maaari mo na itong ibenta at palitan ng de-kalidad na stocks.

“ Long ago, Ben Graham taught me that 'price' is what you pay; 'value' is what  you get. Whether we're talking about socks or stocks, I like buying quality merchandise when it is marked down." – Warren Buffett






***
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com



Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com