Wednesday, March 26, 2014

Usapang BIZ-NEZ--Si Ineng at ang Special BBQ



Mabuhay!

Welcome to Usapang BIZ-NEZ!

Hindi po ito Kwento Mo Sa Pagong(KMSP) story.hehe. ;)

Pero, ang tampok natin ngayon ay ang “kwento ng tagumpay” ng couple entrepreneur na nasa likod ng Ineng’s Special BBQ .

Na-inspired ako sa sipag at dedikasyon ng mag-asawang entrepreneur na ito, kaya nais ko ring ibahagi sa inyo ang kanilang business journey.

Enjoy reading. Don’t forget to Subscribe to Dizkarteng Dizkarteng Noypi!


Si Ineng at ang Special BBQ
photo credit

Taong 1999, nagsimulang magtinda ng Barbeque ang mag-asawang Richard at Michelle Santiago sa SIDCOR Weekend Market sa may kanto ng EDSA at Main avenue. Si Richard mismo ang nag-iihaw ng mga barbeque habang  si Michelle naman ang naghahanda at nagtitimpla sa mga karne.Sa loob lamang ng isang oras, nakabenta sila ng 40 sticks ng kanilang special BBQ at pagkalipas lamang ng labing-dalawang linggo, libo-libong BBQ ang kanilang naibenta. 

Naging usap-usapan ang kanilang barbeque kaya naman mabilis na nakilala ng mga tao ang kanilang produkto. At kapag tinatanong ng mga tao “ Saan galing yang barbeque ?” at sasagot naman sila na “Kay Ineng” . Dito na ipinanganak ang Ineng’s Special BBQ, na nakuha mula sa palayaw ng Batanguenang si Michelle.  :)

Taong 2000, ay mas lalo pang dumami ang tumatangkalik sa Ineng’s Special BBQ nang sila ay lumahok sa FITAANI Weekend Market at sa North-East Greenhills Bazaar

Dahil sa patuloy na paglaki ng bilang ng kanilang mga customers, itinayo nila ang kanilang unang branch nuong taong 2001 sa may Main Avenue, Cubao Quezon City na nagbukas nuong December 8, 2001 at dito na nagsimulang umunlad ang kanilang negosyo, mula ordinary fastfood hanggang maging Quick Service Restaurant(QSR).

Taong 2003, Mas lalong naging tanyag ang Ineng’s Special BBQ at palaging “best seller” sa lahat ng “weekend markets” sa may Market! Market! ,Global City,Taguig at sa Salcedo Jaime Velasquez Park sa may Makati.

Taong 2004, lalo pang nakilala ang maalamat na barbeque ng mag-asawang Richard at Michelle, nang buksan nila ang kanilang kauna-unahang “mall-based” restaurant sa may Market! Market! Mall na kung saan naging bukas sa mas marami pang taong tumatangkilik sa kanilang produkto.

Pagkalipas lamang ng isang taon, dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga parokyano ng Ineng’s Special BBQ, nagbukas ng panibagong branch ang ISB sa parehong mall nuong April 2005. Sa ngayon mayroon na rin silang branches sa Quezon City, Makati City, Alabang, Laguna, Laoag at Davao.


photo credit

Nang magbukas sila ng panibagong branch sa SM North Edsa’s Sky Garden, napukaw nila ang atensyon hindi lamang ng mga parokyano ng kanilang BBQ kundi pati na rin ng mga negosyante na nagkainteres na mag franchise ng Ineng’s Special BBQ.

Kaya naman nuong taong 2010, binuksan nila ang ISB International Franchising Corporation, para sa mga taong nais mag-franchise ng kanilang Ineng’s Special BBQ sa National Capital Region, Ilocos Norte at Batangas.

Isa sa maituturing na successful at fast-growing food business ang Ineng’s Special BBQ. Ito ang bunga ng sipag at tyaga ng mag-asawang Richard at Michelle. Mula sa P2000 na puhunan at secret-recipe ng kanilang barbeque sauce, sinimulan nila ang maliit na negosyo na di kalaunan ay lumaki ng lumaki at tinangkilik ng maraming parokyano.


photo credit
Alam nyo ba na hindi lamang sa negosyo mag-partner ang mag-asawang Santiago? Dahil sila ay mga atleta din ng Triathlete. They would run, bike and swim. Minsan sumasali din sila sa ilang competition na ginaganap sa bansa. 

Kahit na sila ay nasa food business, maingat pa rin sila sa kanilang kalusugan. Gumigising sila ng alas-4:30 ng umaga para mag-ensayo at pagkatapos, papasok ng trabaho pagdating ng Alas-10 ng umaga. Si Richard ang namamahala sa Logistics, habang si Michelle naman ang nasa Productions, na kung saan, siya mismo ang nagma-marinade ng 1,000 kilo ng karne na inihahanda para sa buong araw.

“Ang sikreto ng aming special BBQ ay nasa sauce at sa paraan ng pag-ihaw. Pero sa negosyo, ang sikreto ibinabahagi yan—Nasa sipag at dedikasyon yan.” Sabi ni Michelle.

More of Ineng's, visit their website : http://site.inengs.com/main/3000/index.asp?pageid=110350&t=home


Disclaimer: I am not affiliated nor paid by Ineng’s Special BBQ to endorse them.

(Source: http://business.inquirer.net/142905/young-couple-make-it-big-with-barbecue#ixzz2wh6PgjVI)

***

Para sa iba pang mga "kwento ng tagumpay" , mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi!


Read Also:

-Foodcart Franchising, patok na negosyo para sa mga Noypi!

-Piso + Internet = Pisonet!

-Dating janitor, ngayo'y tinaguriang "Parol King" ng Pampanga



**********


P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".


Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com

Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com