Tuesday, February 4, 2014

Paano bumili ng stocks with COL Financial? (Part 2: If the market is closed)



Mabuhay!

Kamusta mga ka-Noypi?

Napag-usapan natin sa nakaraang post kung paano bumili ng stocks if the market is open. What if the market is closed? Don’t worry, maaari pa rin tayong bumili ng stocks kahit pa sarado ang merkado at yan ang paguusapan natin sa araw na ito.

(Sa mga hindi pa rin nakakapag-open ng account sa COL Financial, basahin mo dito kung paano, click HERE).

Ang Philippine Stock Market ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes,9:30 AM to 12:00 NN at magre-resume ng 1:30 PM to 3:30 PM. Kaya pagkatapos ng oras na ito, hindi na tayo maaring bumili ng stocks through DAY orders, ang option lang natin ay bumili ng stocks via Off-Hours order.

Sa kagaya kong OFW, madalas na hindi ko na naaabutang open ang market diyan sa pinas, kaya naman bumibili ako ng stocks via Off-Hours order.

Narito ang ikalawang bahagi ng 2- part series ng ating post kung paano bumili ng stocks gamit ang COL Financial trading platform.


Paano bumili ng stocks with COL Financial?

(Part 2: If the market is closed)





STEP 1 : Punta ka sa website ng COL Financial at www.colfinancial.com





 STEP 2 : Punan ang log-in details, enter your 8-digit user ID & password, pagkatapos, i-click  ang LOG IN.



This screen appears.





STEP 3 : i-Click ang “Trade” tab, pagkatapos, i-click naman ang “Enter Order” tab.





If the Market is CLOSED, This screen appears.




STEP 4 : i-Click ang “Trade” tab, pagkatapos, i-click naman ang “O-H Order” tab, stands for Off-Hours Order.


This screen appears.



STEP 5 : Punan ang mga kinakailangang detalye.


  • Transaction :  Since tayo ay bibili, i-click ang BUY.

  • Term : i-click ang ATO (After Trade-hours Order). Ang ATO ay magiging katumbas ng DAY order sa pagbubukas ng market kinabukasan.(see Part 1)
  •  Stock Code : tinalakay na natin ito sa part 1. To recall, ang Stock Code ay ang 2-5 letters na nagrerepresent sa specific company. As for our example, bibili tau ng shares ng Metrobank, at ang code nito ay “MBT”. Kung ibang company ang nais mong bilhin, i-click lang ang link ng Stock List para sa kumpletong listahan ng mga publicly-listed companies. Kung may napili ka na, i-close mo lang ang window at i-type ang code ng company na nais mong bilhin.

***Kung nais mo ng guidance kung anong company ang dapat bilhin, maaari kang mag-join sa TrulyRichClub. Ang mga miyembro nito ay nakakatanggap sa kanilang email ng tinatawag na “Stocks Update” o listahan ng mga kumpanyang recommended ni Bo Sanchez at Edward Lee, Chairman & Founder of COL Financial***

DISCLAIMER : I am affiliated with the TrulyRich Club, when you sign up using my “affiliate link” that you can find in this blog, I will get commission from your subscription.

  • # of Shares : ilagay ang bilang ng shares ng kumpanya na nais mong bilhin. Tandaan, ang # of shares ay nakadepende sa nakalaang boardlot para dito, kaya ugaliing tingnan kung anong boardlot ang naka-assign dito. The Boardlot is the “minimum # of shares” you can buy or sell.

    As for our example, bibili tayo ng shares ng
    Metropolitan Bank & Trust (MBT) na may boardlot na “10”, kaya maari tayong bumili ng shares nito in a multiples of 10. Maaari tayong bumili ng 10, 20, 30, 40 and so on shares of MBT. (Halimbawa: 60 shares of MBT).

  • Price : Tinalakay na rin natin ito nung nakaraang post, we buy at ASK, we sell at BID. Para mangyari ang trade(either buy or sell), dapat na magkasundo ang buyer at seller(bid price=ask price) kaya ang system ay interesado lamang sa pinakamataas na “buying price” at pinakamababang “selling price”. Since tayo ay bibili, ang pipiliin nating presyo, syempre ay ang pinakamababa sa ASK column( As for our example, makikita natin sa ASK column na pinakamababang presyo ng MBT ay 75.40, ito ang ita-type natin sa “Price” box).
*Note: If the market is closed, walang guarantee na mabibili natin ang stock sa presyo na gusto natin dahil ang ASK price ay maaaring magbago kinabukasan sa pagbubukas ng market.

STEP 5 : i-Click ang Preview Order button.

STEP 6 : i-review mo ang iyong order at kung sa tingin mo ay tama naman ang lahat ng mga detalye,  i-Enter mo ang password mo at i-click ang Place Buy Order button. (pwede mo rin i-cancel ang iyong order by clicking the “Cancel Order” button).





STEP 7: i-click mo ang OFF-HOURS VIEW ORDERS kung nais mong i-verify ang iyong order.  Pwede mo ring i-cancel ang iyong order kung nais mong i-modify ito or tuluyang palitan ng ibang stocks.





When you clicked the OFF-HOURS VIEW ORDERS, this screen appears.


Kung nais mo namang bumili pa ulit ng stocks, i-click mo lang ulit ang O-H Order tab at ulitin lang ang mga naunang steps.

KALAS!  (Arabic term for “DONE!”.. hehe)

Ang kailangan na lang nating gawin ay muling tingnan kinabukasan kung nag-matched or nag-proceed ang ating trade. Makakatanggap tayo ng “Acknowledgement Notice” mula sa COL Financial sa loob ng 24 oras sa ating COL account at sa ating email. Paalalang muli, walang guarantee na mag-proceed ang ating trade lalo na kung ang presyo na ating pinili ay mas mababa kaysa sa huling limang trades.

(DISCLAIMER: I am not affiliated nor paid by COL Financial to recommend them. I'm just a happy & satisfied client. I just only share with you what I have experienced with their service & their dedication to help every investor, especially, the newbie).


That’s it mga ka-Noypi! Natutunan na natin kung paano bumili ng stocks maging bukas o sarado man ang merkado.

Ibahagi mo rin ang bago mong natutunan ngayong araw sa iyong mga kaibigan at mahal sa buhay nang sa gayo’y maging daan ka ng pagbabago ng kanilang buhay-pinansyal. :)

Help me to spread Financial Literacy to every Juan! Share our blog posts to your facebook friends, twitter followers &  google+ circles or simply click the sharing icons na makikita mo sa blog na ito.

Maraming Salamat! :)

Para maging updated sa mga susunod na posts, huwag kalimutang mag-Subscribe sa Dizkarteng Noypi!


Read Also:






(DISCLOSURE: I'm not an "expert" or financial adviser nor licensed stockbroker. take it at your own risk).


HAPPY INVESTING MGA KA-NOYPI!!! :)



**********
P.S.1  Join Dizkarteng Noypi's private email list & receive latest investing articles & inspiring stories directly to your email. SUBSCRIBE NOW!  

P.S.2  Attend FREE Financial Literacy Seminar & 1-on-1 Coaching to be conducted by IMG-Truly Rich Maker team led by Bro. Bo Sanchez! to register, sign up HERE.    

P.S.3  Do you want to Gain Financial Wealth & Spiritual Abundance at the Same Time?  Join Us at the TrulyRich Club! I joined the TrulyRich Club. It was one of the best   decisions of my life. Founded by Bo Sanchez, its purpose is to "help good people   become rich".

Because of the guidance I get from the Club, through Stocks Update, I'm now investing in the Stock Market each month!  I'm inviting you to join the club too. If you're interested, visit the TrulyRich Club now! at www.TrulyRichClub.com




Madiskarte ka ba? Subscribe na!!!

Follow Us!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... popuparchitect.com